"I can't believe that all this time, kasa-kasama lang ni Josephine ang kapatid natin." sabi naman ni Vaxton. Hindi talaga sila makapaniwala.

"But wait." maya-maya ay nagsalita si Mr. Fernandez. Huminto na rin sa pag-iyak si Mrs. Fernandez.

"Bakit kulay black ang mga mata niya dito? I'm sure na green ang mga mata niya like your mother's eye's." takang sabi nito habang tinititigan ang picture.

Ang anak lang kasi nilang babae ang nakakuha ng green na mata ni Dianna habang si Alfred ay kulay asul ang mga mata, gano'n din ang magkakapatid na lalaki, kay Alfred nila nakuha ang asul na mga mata nila tanging ang babae lamang nilang anak ang nakakuha ng green na mata ni Dianna.

"'Yan din po ang ipinagtaka namin kaya inalam namin at doon namin nalaman na nagsusuot lang po pala siya ng contact lens." paliwanag ng tauhan na ikinatango naman ni Mr. Fernandez.

"Pwede na ba natin siyang puntahan? I want to meet her na." Felix said. Nagulat pa sila ng diretso itong makapagtagalog.

"We will, son, but hindi natin pwedeng sabihin sa kaniya agad-agad ang totoo kaya umayos kayo. Hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos ng kilos." seryosong sabi ng Daddy nila na ikinatango lang nila.

"Can't wait to hug her." Vaxton whispered.

"Sa ngayon, magplano muna tayo dahil once na malaman 'to ng nasa organization, alam niyo na ang pwedeng mangyare." Mr. Fernandez said kaya tumango naman ang tatlo niyang anak na lalaki.

Si Mrs. Fernandez ay agad na nakaramdam ng takot at kaba dahil sa sinabi ng asawa.

* * *

"Ang kapal ng mukha mong leche ka! Anong karapatan mong ipakulong ako, ha?!" napapikit si Dhianne sa sigaw ng tatay niya.

Nalaman na kasi nito na ipapakulong siya ni Dhianne. Nandito sila ngayon sa bahay nila, kasama niya si Jazley at ang mga police. Sinakto talaga nilang nandito sa bahay nila ang tatay-tatayan niya.

"Bwiset ka talaga! Ano ba?! Bitawan niyo nga ako!" singhal ng tatay-tatayan ni Dhianne habang pinoposasan ito ng mga police.

Agad na niyakap ni Jazley si Dhianne nang makita niyang umiiyak ito. Umiiyak na ito ngayon sa dibdib niya.

"Maaari kang kumuha ng abogado–" naputol ang sasabihin ng police dahil mabilis na sumigaw ang tatay-tatayan ni Dhianne.

"Tigilan niyo 'ko! Ni wala nga akong pambili ng gastusin namin sa bahay tapos sasabihan niyo akong kumuha ng abogado na mas mahal pa sa buhay ko ang bayad!" inis na sigaw nito na ikinatawa ni Marcelo sa gilid. Kasama din ito nila Jazley dahil ito ang magiging abogado nila.

"Gago ka, tumahimik ka diyan, tangna mo." bulong ni Jazley sa kaniya nang marinig niya ang tawa nito. Magkatabi kasi silang dalawa. Siniko niya pa si Marcelo.

Maya-maya ay binitbit na palabas ng bahay ang tatay-tatayan ni Dhianne para isakay sa police car at dalhin sa presinto.

Bukas pa ang ano nila sa korte. Nagdadalawang isip na nga rin si Jazley kung aasikasuhin niya pa ang gusto niyang maging legal guardian ni Dhianne.

Naisip niya kasi na baka makita naman nila agad ang tunay na pamilya ni Dhianne at kunin ito sa kaniya. Mawawala din ang silbi ng pagiging legal guardian niya kay Dhianne if mangyare nga 'yon.

"Kuya Jazy, parang ayaw ko na po ipakulong si papa. Naaawa po ako." maya-maya ay sabi ni Dhianne.

Bumuntong hininga si Jazley at hinawakan ang mukha ni Dhianne at pinaharap ito sa mukha niya.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now