PART 52

134 8 0
                                    

Rory's pov:

"Hoy! tangina mo propesor! Bakit tagabantay lang ako nang pasyente ha?! gusto ko ding mag- opera eh!" galit na sigaw ko kay Vince dahil nasa sched ko na tagabantay lang ako nang pasyente

"ah miss, pakihinaan po ang boses mo, nakakabasag ka po nang eardrum's." sarkastikong aniya dahilan para mapasabunot ako sa buhok ko

Ikalma mo Rory, ikalma mo.

Inhale, exhale, phews.

huminga ako nang malalim at naglabas nang mabigat na hininga, trying to comfort myself.

"Eh putangina mong animal ka! Gusto kong mag opera! Yawa! Hindi ko pinatapos ang sarili ko sa pinakatanyag na eskwelahan sa states upang magbantay lang!" sigaw ko kaya napahawak sya sa dalawang tenga

"Shut it, kumbaga sa kompanya miss, kailangan mo munang maging intern hm? alangan naman baguhan ka pa lang ipagkakatiwala ko na sayo ang paghandle nang operating room diba?" mahinahong aniya

Umirap ako "hoy, nag aral ako sa pinakasika------

"Shh shhh shhh...." nilagay nya ang hintuturo sa labi ko kaya inis kong tinabig ito.

"I can't just give you the job you want miss, you have to prove yourself muna"

"Pwe! Hospital namin to propesor, kaya magagawa ko ang lahat nang gusto kong gawin"

"ako ang pinabantay nang dad mo sayo kaya wala kang magagawa dahil ibinigay nya ang salita nya sakin, kong ayaw mo pwede ka namang umuwi nalang po miss." ngumiti sya nang sobrang natural

Dad?! diba sila aware sa nangyari dati?! Sya ang dahilan kaya napunta ako sa states eh! Pinaglalaruan ba nila ako? Well... hindi nakakatawa!

"Ah talaga? Ikaw ang pinabantay ni dad? At bakit naman nya gagawin yun  aber!?"

"dahil nag promise ako sa kanila 4 years ago." seryosong aniya dahilan upang mapanganga ako

"P-promise?"

"Nevermind, prove yourself muna Miss. Montefalco saka ko ipagkakatiwala sayo ang O.R" nginitian nya ako

"P-pero ho-----

"Stop saying na hospital mo 'to, you can't use that title in order to save lives." seryosong aniya at akmang tatayo na sana pero mabilis kong hinawakan ang kamay nya

His veiny hands, i miss holding it. Napaangat ang tingin ko kay Vince nang tumikhim ito, diko man lang namalayang ilang segundo na pala akong nakatitig sa kamay naming dalawa, stupid.

dali-dali kong binitawan ang kamay nya "yes miss?." bahagya pa itong namula na ipinagtaka ko, is he blushing? I mean... bakit naman?

"A-ah San ba ang unang pasyente na a-alagaan ko?" nag iwas ako nang tingin

"room 103, then 127 and 136 miss, yun yung may pinaka nangangailangan nang tulong mo ngayon hm?" ngumiti ito

"Simple, ngayong araw lang nman diba propesor?" nakangiti nang tanong ko, o awit kay simple naman nang consequences nya ehe

"Uhmm... one week yan miss." seryosong aniya habang titig na titig sakin na animoy pinagaaralan ang reaksyon ko.

"What the fvck did you just say?" gulantang aniko

"your dad entrust you to me para daw dika na magiging basag ulo, nabalitaan nya kasi yung nangyari sa kanto." hindi ko kaya to jusko, pano nila nalaman yun? hindi ko yun pinagsabi ah!

"H-ha? w-wala naman akong ginawa ah?" nagiwas ako nang tingin at baka ay mapilitan pa akong magsabi nang totoo sa mga titig nya.

"Oh really? dito napunta ang mga ginulpi mo miss." lumapit sya sakin, napakalapit pero di ako umatras

Pero sinabihan ko sila na wag magsumbong eh! shit

"are you blaming me? Porque may nagulpi ako agad?" matapang na aniko habang nilalabanan ang titig nya, masyadong malapit ang mukha namin sa isat isa pero wala akong pakialam dun.

kailangan ko tong malusutan at baka mag hire si dad nang body guard para bantayan ako gaya nong 14 years old pa ako

"bumaba ka palang nang eroplano, may nagmamasid na sayo miss, pero hindi ako ah yung daddy mo, kasi nabalitaan nya din yung gulo na ginagawa mo sa states." mas inilapit nya ang mukha nya sakin, ramdam na ramdam ko na ang mabango at mainit na hininga nya, ganon kalapit oo.

hindi ako papatalo no, mababawasan angas ko "oh really? What makes you think that im doing those things? Do you have evidence?" kampanteng tanong ko habang nilalabanan parin ang mga titig nya, we are too close pero di ako papatalo

"Yes, nagsumbong yung mga binugbog mo, Buti nga di nagsampa nang kaso eh." lumayo sya kaya alam kong nanalo na ako

mwehhehe wala pala eh

"tsk, nasaan ba sila propesor? mukhang wala namn eh." mahinahong tanong ko pero talagang galit ako sa kanila, bakit sila nagsumbong? I can't! Hindi ko to papalampasin

"Why? bubugbugin mo ulit?" nakangising aniya

Oo dahil masyado silang madaldal "no, titingnan ko lang kong totoo mga sinasabi mo." ngumiti ako na parang anghel

"Okay, I'll show you." aniya kaya napangiti ako, oh my! Nakaka excite kpag may gugulpihin wisiiii



"Here, pumasok ka." aniya nang nakaharap na kami sa isang room, room 243 tatandaan ko yan

"Yan, yan ang binugbog mo." ani Vince saka pinitik ako sa noo

"Bwesit ka ah! Sino jan? Yan?" itinuro ko ang may katandaan nang lalaki, mga around 40's ata, may mga pasa nga sa katawan pero sigurado ako eh, hindi talaga yan yung binugbog ko eh

"ah manong sino po bumugbog sayo?" tanong ko, tumingin ito kay Vince kaya tiningnan ko rin ito, nagkatinginan sila ni manong pero diko yun pinagtuonan nang pansin

"Iha, wag mo akong bugbugin iha." ani manong kaya napanganga ako

"Manong? hindi po ako nambubugbog nang may katandaan hehe." pagpapaintindi ko sa manong

Hindi naman talaga ako nambubogbog nang matanda eh! Around 20's kaya yung binugbog ko

"Pero ikaw yun iha eh." tinuro ako nong manong dahilan para mapanganga ako

"Anong ako? Hindi nga po ako manong hehe" pilit pinapakalma ko ang sarili ko

Hindi ako ang nambugbog sa kanya eh!

"Iha please, wag mokong sigawan natatakot ako." natatakot ngang aniya kaya bahagyang nagpantig ang tenga ko

"Manong hindi nga po ako ang nambugbog senyo eh, Hindi po ikaw yung binugbog ko sa kanto manong huhu, Around 20's sila manong." napahawak ako sa sentido habang mariing napapikit pero agad lang ding napadilat nang rumehestro sa utak ko ang sinabi ko, shit nabuking ako

Dahan- dahan kong nilingon sa likuran si Vince, at nang makalingon ako napapikit ako nang mariin nang nakangisi na sya, damn it! I'm doomed!

"Inamin mo rin na may binugbog ka, did you forgot i graduated law? kaya kitang paaminin sa pamamagitan nang konting effort lang." pagmamayabang nya kaya napairap ako, tsk hambog!

"Thanks manong." pagbaling nya sa my edad na lalaki at ngumiti naman ito

Kaya pala makahulugan ang tinginan nila kanina, psh



Nang makaalis kami sa kwartong yun, alam kona na mahihirapan talaga ako dahil gagawin ko ang stupidities na pinapagawa nya sakin, magbantay nang pasyente, hayst

"So miss, magsimula kana sa pagtatrabaho hm? kung ayaw mo parin umuwi ka nalang." aniya sa kalagitnaan nang paglalakad namin

"Tsk, kailangan ba talaga yan? I mean.... wala nabang iba?" kunot noong tanong ko, ayoko nga magbantay nang bata eh, pasyente pa?

"You can go home if ayaw m---

"Oo nanga, eto na." pagputol ko sa dapat sabihin nya "ano nga ba yung rooms prof?"

"103, 127, 136" tipid na sagot nya kaya napairap ako

"Ano pang hinihintay mo? alis na" pagtataboy nya sakin habang nakangisi

"Tse! Isusumbong kita kay dad! Pinapahirapan moko!" inis na sigaw ko nong makalayo na sya

Tse! Kala nya diko to kaya? Pwes nagkakamali sya!

My Handsome Professor (COMPLETED)Where stories live. Discover now