Chapter 7: Our memory before the tragedy

Start from the beginning
                                    

But bigla akong natauhan ng narinig kong tumatawa sila Jill and ate Aiks, kaya napatayo ako bigla and inayos 'yung damit ko. "Hala sorry!" sabi ko agad, "Okay ka lang ba?" she asked and tumango lang ako kaya napangiti siya.

"Hi loves!" sabi niya sabay tingin kay ate Aiks, "Hi din loves!" sabi niya kay Jill. Aba ako walang loves?

Ha? bat ako nagdedemand ng loves niya?!

"You may enter my room na po pala and make yourself comfy po," she said habang nakangiti. Pagpasok namin anlamig ng kwarto niya.

Her room has a pink wall para mag pair sa white ceiling niya and three seaside paintings din siya. Meron din siyang tv sa kwarto niya. Her couch is white, and her bed is white as well. Hindi naman halatang fav color niya is pink and white.

"Wait," she says as she looks at each of us carefully. Pumunta siya sa drawer niya at kinuha yung remote ng aircon niya at hininaan ito. Wow mas jowable pa siya kesa sa mga nakikilala ko.

"Upo na kayo mga loves." she said, habang tinatapik yung couch kung saan siya nakaupo. Tatabihan ko na sana siya kaso biglang tumakbo agad si Jill papunta sa tabi niya kaya naunahan na ako. Aba.

I quickly looked at ate Aiks after hearing her chuckle, and she gave me a teasing smile bago tumakbo papunta sa tabi ni y/n. "Y/n usod!" sabi ni ate Aiks habang nakangiti, umusod naman si y/n?!

Medyo maluwag yung side ni ate Aiks kaya sa kanya na ako tumabi. Ng nakaupo na kaming lahat binigay ni y/n 'yung remote kay Jillian, "Pili ka lang kung anong movie want mo loves," sabi niya kay Jillian habang nakatingin sa kanya. Aba kame ba ni ate Aika hindi mo titignan?!

Biglang tumingin si y/n sa amin, "Kuha lang ako foods ha," sabi niya kay ate Aiks at tumango lang si ate Aiks, "walang mag aaway ha." dagdag niya pa sabay tingin sa akin. Aba bat sa akin? mukha ba akong nang aaway!?

Lumabas na si Y/n para kumuha ng foods at ito naman si Jillian busy mag hanap movie.

"Hoy tricia," sabi ni ate Aika sabay siko sa tagiliran ko, "nakita ko kung paano ka tumingin kay y/n kanina. Do you like her na ba?" tanong sa akin ni ate Aika bigla.

Napatawa bigla si Jill nakita niya rin ata. "Hindi noh, tsaka aalis na tayo mamaya wala akong time sa ganyan." I said as I rolled my eyes at them. Tumawa na naman sila.

Ako talaga trip nila noh.

"But ate.. how natin sasabihin sa kaniya na aalis na tayo mamaya? " Jillian suddenly asked, worried.

"If you guys want to protect her.. wag na natin sabihin muna.." ate Aiks replied, worried den siya.

"But magagalit siya sa atin, nakita niyo naman siya kung paano magalit dati diba?" tanong uli ni Jillian.

"We don't have a choice, Jill," I whispered, my voice cracking. Tinapik ni ate Aiks likod ko para hindi ako umiyak.

Biglang inalis ni ate yung kamay niya ng biglang pumasok si y/n sa kwarto na may dalang tray na may laman na tinapay and chips meron ding canned cokes, may bitbit din siya na kumot dalawa. "Oh bat tahimik? may kasalanan ba kayo sa akin?" she said jokingly.

"Gutom na kasi kami ate" biglang sabi ni Jillian habang hinihimas tyan niya, naka pout pa lips niya!

"Tagal mo naman kasi loves, tignan mo tong Tri mo parang binagsakan ng bagyo." sabi ni ate Aika naman para gumaan ang mood.

Tumawa lang si y/n habang  nilalapag yung tray sa table niya. Uupo na sana siya kaso biglang lumipat si ate Aiks sa tabi ni Jill kaya nagulat si Y/n.

"What's the matter, Loves?" she asked, concerned. "Nothing," sabi ni ate Aika sabay pakita ng fake smile niya, "masyado kasing malamig dyan." dagdag niya pa.

"Ahh, hinaan ko po ba yung aircon?" she asked ate Aika again.  "Wag na kayakap ko naman si Jill eh." She replied, smiling.

"Magsabi lang po kayo kung malamig ha, lalo ka na bunso loves" sabi niya kay Jill sabay pat ng ulo niya. "Ay eto po pala kumot, sorry dalawa lang nadala ko masyado kasing manipis yung iba kaya hindi ko na dinala."  inabot niya yung isang kumot kila ate Aiks at Jill.

Lumingon sa akin si y/n sabay bigay ng kumot sakin bigla kaya nagulat ako, "Okay ka lang ba? kanina ka pa tahimik." tanong niya habang inaayos yung kumot para mabalot sa katawan ko. Kaya tumango lang ako. Napansin niya din ata na nilalamig ako.

"Play mo na loves" sabi niya kay Jillian.

The four sisters and a wedding ang pinanood namin.

Anlamig sa kwarto pero bakit naiinitan ako?

Zephyr of CapillaryWhere stories live. Discover now