00

24.5K 606 95
                                    

This story has advanced chapters in Patreon.

Be a patron for only 50 pesos per month.

Visit my Patreon account, @vampiremims.

Leave a comment if you like the story!

☀️☀️☀️


"I'm packing my things already, Mom!" napailing na lang ako habang kausap si Mommy sa phone. I was in my bedroom in my apartment here in New York. Iniisip ko pa lang na babalik ako sa Pilipinas ay parang may kung ano na agad sa sikmura ko ang hindi mapalagay.

It was as if I didn't want to go back.

I kept telling them to just visit me, but no. Mom insisted I should go home for their anniversary. I know that being away for almost 3 years for them is something they are still not used to. Kahit naman ako ay hindi pa rin ako nasasanay pero kailangan.

When I went to New York to pursue modeling, I already told myself that I only have myself. Hindi rin ako nagsama ng yaya ko o ng kasama sa bahay para na rin matutunan ko maging independent at so far naman ay walang kaso sa akin iyon. I gained friends here, as well. Mga kapwa modelo ko.

Luckily, Tito Kerko, Tita Mika, and Jahann helped me. Si Jahann ang kinausap ko para makapasok ako sa modeling at makapunta sa ibang bansa at kahit pa nag-aalangan ito, tinulungan ako nito.

He didn't ask me much, he just asked me if I was sure about my decision and I said yes.

"That's great! I will tell Enzo to pick you up in the airport," sabi naman ni Mommy. I stopped myself from rolling my eyes.

"Yeah, and I am sure he will bring Alyanna," sabi ko naman dito. I heard my Mom chuckle. Alyanna's been a great girlfriend to Enzo. Masaya rin ako para sa dalawa higit lalo pa at kaibigan ko naman din ito.

Hindi lang na kami masyado nakakapag-usap nitong mga nakaraang taon dahil na rin ayokong magkwento sa isang bagay na alam kong wala namang sense na pag-usapan pa.

"I will arrange a dinner for all of us after you arrive, Lean," dagdag na sabi ni Mommy sa akin at kahit pa gusto ko siyang pigilan ay hindi ko na lang din ginawa dahil alam ko naman na malulungkot lang si Mommy kapag ginawa ko iyon.

"Alright..." I sighed heavily and looked at my bags on the floor. Tatlong bag ang plano kong dalhin dahil may damit pa rin naman ako sa bahay namin. Naayos ko na rin ang isang bag para sa pasalubong ko para kina Keij at Nikolai.

I smiled a little when I heard my mom tell my dad that I will be coming home this week. Napailing na lang ako bago ako nagpaalam para ibaba na ang tawag.

Hindi ko pa nasasabi kay Mommy na dalawang buwan na bakasyon lang naman ang nahingi ko sa agency dahil hindi naman ako pwedeng mawala ng matagal. May show kami in 4 months time and I have to go back 2 months before the show so I can rehearse.

I checked my calendar and I shook my head when I saw the schedules I canceled just to go home and be with them. Hindi naman ako nahirapan na magpaalam dahil na rin nang nagsimula ako ay hindi pa ako kailanman humingi ng break sa mga ito.

Naghanap lang kami ng replacement ko para sa mga shows na iyon at marami naman ding willing na tanggapin ang trabaho. Mas pinili ko lang din ang mga baguhan para magkaroon sila ng mas marami pang exposure ngayon.

Kahit ang Pasko at Bagong Taon ay hindi ako umuuwi sa Pilipinas at tumatanggap ako ng trabaho para na rin may rason akong hindi ako pwedeng umuwi.

Last year, my family surprised me, though. Pero saglit lang iyon dahil na rin kailangan nilang umuwi ng Pilipinas dahil sa negosyo. Wala namang kaso sa akin iyon dahil naiintindihan ko iyon.

Tempted to Touch 2Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang