Chapter 1: Siya at Ako

9 0 2
                                    

"PARA po!" maagap na hinawakan ni Bel ang kanyang pitaka saka iniabot ang bayad papunta sa unahan. Marahan naman siyang yumuko para makababa. Nang makababa na siya sa may tabi ng kalsada napatingin siya sa kaliwa't kanan niya bago tumawid kasi baka mamaya may biglang humaharorot na sasakyan at mabunggo pa siya. Nitong mga nakaraang araw muntik na kasi siyang masagasaan dahil sa pagmamadali niya kaya ngayon doble ingat na siya. Maayos naman siyang nakatawid sa kanilang kalsada.
Sa mismong siya sa harapan nang pinagta-trabahuhan niyang restaurant.

"Good morning Maam!" masayang bati sa kanya ni Mang Ben ang kanilang security guard. Ngumiti naman siya rito.

"Magandang umaga po Mang Ben." masayang tugon niya naman dito at pinagbuksan siya nito nang pinto saka siya pumasok sa loob. Pero saglit siyang huminto, bumalik at hinawakan ang pinto na isasara na niya sana kaya lang may naalala siya.

"Mang Ben, dumating na ba si Sir Raven?"

"Hindi pa po Maam, hindi ko pa siya nakikitang pumasok sa loob."

"Ganun po ba." saad niya habang tumango-tango.

"Pero... alam mo may nabalitaan ako tungkol kay Sir, hindi ko lang alam kung totoo ho yun,"

"Ano ho yun?" naintriga tuloy siya sa sinabi nito.

"Ang tsismis baka raw yung kapatid nang asawa ni Sir ang mag-ma-managed na nitong restaurant."

"Talago ho? E, bakit naman daw ho?"

"Yun ang hindi ko alam,"

Bakit kaya? Hindi tuloy nawala sa isipan niya ang mga sinabi sa kanya ni Mang Ben. Matagal na siyang nag-t-trabaho sa restaurant na ito kaya nagtama siya kung bakit palagi ng wala sa opisina ang boss na hindi naman nito palagi ng ginagawa. Siguro nga baka totoo ang bali-balita na ibang tao na ang mag-managed nitong restaurant.

Secretary siya sa Life Grills Restaurant, sa tagal niyang nagta-t-trabaho rito ngayon lang nangyari na nag-absent ng matagal ang boss niya. Pero sa pagkakaalam niya may bago na naman itong pina-franchise na negosyo kaya siguro palagi itong busy.

Pagdating niya sa loob ng opisina niya  inilapag niya ang mga gamit niya. Pagkatapos ay nagwalis siya at binuksan ang mga bintana. Na palagi naman niyang ginagawa. Yun na ang daily routine niya kada papasok siya ng opisina. Hindi naman ganun kalaki ang opisina nila. Pagpasok mo sa loob makikita mo agad ang mesa niya na may computer at kung anu-anong papel ang nakapatong roon typical na desk ng isang sekretarya. Sa may likod naman nang upuan niya may mga nakapaskil na kung anu-ano na halos patungkol lang din sa activity nang restaurant na pinagtatrabahuhan niya. Sa may kabilang mesa naman ay ang opisina nang boss niya na super gwapo. Si Sir Raven Endrinal, na mala bad boy ang datingan pero alam niya na wala na siyang pag-asa rito kasi ikinasal na ito sa nobya nito na si Maam Lily. Kaya natigil na ang pagpantasya niya rito.

Matagal na siyang nagtatrabaho rito siguro mag-pa-five years na ngayong taon na ito. Nagsimula siyang magtrabaho rito nung 18 years old pa lang siya. Nung mga panahon na yun na hikahos siya sa buhay at ganun pa din naman hanggang ngayon ang pagkakaiba nga lang ay nakakakain na siya nang tatlong beses sa isang araw. Noon halos isang beses sa isang araw na lang siya kung kumain minsan pagwala talaga hindi na talaga siya kumakain. At dahil sa kahirapan napilitan siyang huminto sa pag-aaral dahil namatay na ang lola niya na siyang nag-aruga at nagpalaki sa kanya. Mabuti na lang din at nakapag-aral siya nang college kahit papaano. Nakapagtapos siya nang isang ladderized curses na Business Administration major in Computer Secretarial. Ibig sabihin kahit two years lang ay graduate na siya. At yun ang ginamit niya para makakuha nanh trabaho at makapasok sa restaurant na ito.

Napatigil siya sa pagmumuni-muni nang nakaraan nang may kumatok sa may pinto niya at sumungaw doon ang isa sa mga waiter nila. Hindi na ito pumasok pero nanatili lang ang ulo nito sa may pinto."Maam, ipinapatawag po kayo ni Sir."

That Feeling's, Feelingero!Where stories live. Discover now