Chapter 19

125 6 0
                                    


Miraya Faele Delos Santos
With High Honor
School Salutatorian, Batch **,
S.Y. 20**-20**

Congratulations!

I stared at the frame hang on the wall in our house. Last week, l graduated as school salutatorian. I didn't expect l would achieve that title and l'm always thankful to God for giving me so much blessings.

Maayos na ang kalagayan ni mama at si papa naman ay napromote sa trabaho, hindi na siya magbubuhat sa factory dahil assistant manager na siya roon. Nakakatuwang isipin at araw-araw ko itong ipagpapasalamat sa Diyos.

"Mia, anak. Hindi ka pa ba aalis?" Tanong ni mama saka ako nilapitan para halikan sa pisngi. "Huling araw mo na ngayon sa trabaho, magpaalam ka ng maayos sa boss mo ha. Malaki rin ang naitulong niya sa atin, lalo na sa'yo." Kung alam lang ni mama na si Zahyun ang boss ko, baka imbitahin niya pa iyon dito sa bahay para pasalamatan. Kaya nga hindi ko sinabi eh kasi mas lalo lang akong malalapit do'n sa tao.

Nakahanda na ang pag-alis ko sa Biyernes papuntang New York, hindi ko puwedeng biguin si tita lalo na ang mga magulang ko.

Kahit masakit kailangan kong magpaalam, kailangan kong umalis. Bahala na ang tadhana kung saan niya ako dadalhin. Hiling ko na sana maging masaya rin siya kung sino man ang makakasama niya habambuhay.

Wish him the best and move on. If he's really the right one then we'll see if he's still single after years l'll come back.

"Sige ma, alis na po ako." I smiled then kissed my mom and hugged her before l go.

Alas otso na akong nakarating sa Mircus. Sa labas pa lang nakikita ko na ang masasayang mukha ng mga magkasintahang kumakain at nagku-kuwentuhan. They look so genuinely happy together, l wish when l come back here after years l'll see them again, still inlove and happily married. Sana ang mga magkasintahang ito na naging regular customer na namin ay habambuhay nang magkasama.

"Nakakainggit noh?"

"Ay jusmiyo!"

Napatalon ako sa gulat nang bumulong si Manager Kim sa aking taynga. Muntik ko nang makalimutan na manager ko siya at sasapakin ko na sana.

"Manager Kim naman eh!" Napasimangot na lamang ako. Hindi na'ko nasanay sa mga panggugulat sa akin ni Manager Kim. Kahit minsan naiinis ako, may parte rin sa akin na mami-miss ito lalo na ngayon na huling araw ko na sa trabaho.

Mahina niya akong pinitik sa noo. "Ano na naman iyang iniisip mo ha?" Tanong niya, umiling lang ako. "Halika na nga, marami pa tayong customers." nginitian niya ako at akmang hihilahin na papasok  nang tumigil ako sa paghakbang.

Dapat mamaya ko pa sasabihin ito pero kasi ang bilis ng oras. Baka maaliw ko na naman ang sarili ko at makalimutan kong magpaalam sa kaniya... sa kanila.

"Manager Kim..." my voice broke. I should be fine before l leave, but it felt so heavy inside. "...Thank you." For eighteen years, it's my first time to leave the country. I don't know what will happen to me in the future but l want to make everything right. I'll study hard to graduate, prove myself to everyone, get a license, focus on my job, be successful, clear my brother's name and help my parents.

That's my goal.

Kahit hindi na ako mag-asawa.

Instead of giving me a questioning look, manager Kim smiled and open her arms for a warm hug. My tears started to roll down as l embrace my manager.

"Shush, it's okay l understand." She caressed my back, trying to calm me down. " Basta mag-iingat ka roon ah. Umuwi ka agad 'pag natupad mo na lahat ng pangarap mo." Aniya na mas lalong ikinaiyak ko. Sa kaniya lang ako nakaramdam ng pagmamahal ng isang ate. Dalawang buwan lang iyon pero pakiramdam ko ang tagal nang pinagsamahan namin.

Ganoon talaga siguro kapag napamahal na sa iyo ang isang tao. Kahit sa maikling panahon lang, napakahirap na sa'yong kalimutan.

Daylight fades, night came with many stars. I did my best today, we almost out of stock because l've encouraged everyone to come and try our coffee. That was fun and memorable. Not until l realized it's getting dark outside.

I already bid my goodbyes to my workmates and our manager. Now it's time to say it personally to him.

My first boss.

"Umuwi ka na, hindi na pupunta iyon dito. Ako na lang ang magsasabi sa kaniya na aalis ka na." tukoy ni manager Kim kay Zahyun na hindi man lang nagpakita ngayong araw. Kadalasan naman pumapalagi iyon dito pero ngayon ni pagcheck sa stocks hindi nagawa.

Isang oras pa, Mia. Maghintay ka pa ng isang oras.

And that's what l did. I waited for him to come until the clock is set right at 10:30 pm.

Closed na ang Mircus. Umuwi na si manager Kim at ang iba pang empleyado ngunit hindi pa rin siya dumating. Pinauwi na ako ni kuyang guard kaya sumakay na lang ako sa taxi.

While on my way home, I keep asking for a sign. Na kapag hindi ko siya nakita ngayong araw na 'to, wala na talagang pag-asa.

Nakatingin ako sa labas ng bintana nang mapadaan kami sa tapat ng simbahan at doon nahagip ng aking paningin ang nag-iisang lalaki sa loob na nakaluhod habang nakaharap sa altar.

Pamilyar na pamilyar sa akin ang kulay at desinyo ng jacket na suot niya, dahil iyon ang jacket na tinahi ko mismo at binigay kay Zahyun noong araw na nagtapat din ako sa kaniya.

"Manong, hinto po muna tayo saglit may titignan lang ako." I want to confirm it myself ...sana siya iyong nakita ko.

Ito na ba 'yung sign na hinihintay ko?

Napakamot sa batok si manong driver. "Naku ma'am, no parking po rito, sa unahan pa tayo puwedeng huminto." sabi niya.

May sign na, epic fail pa.

Nang huminto sa unahan ang taxi ay mabilis akong bumaba at tumakbo papasok sa simbahan ngunit wala ng tao sa loob. Tinignan ko bawat sulok pero wala na siya. Hanggang makita ko ang isang ginang na kakatapos lang magdasal sa bandang likuran ko.

"Magandang gabi po 'Nay, may nakita po ba kayong lalaki na nakajacket dito kanina?" Umaasa ang puso ko kahit hindi naman dapat. Walang kailangan ipaglaban dahil hindi naman naging kami. Pero paulit-ulit kong nakikita ang sarili kong iniisip ang kinabukasan ko kasama siya.

Karupukan man ang tawag dito pero wala na akong ibang nakikita na kaya kong mahalin ng ganito kun'di siya lang.

"Iyong lalaking nakaluhod diyan sa gitna kanina?" balik na tanong ni Nanay, mabilis akong tumango. Napatitig sa akin ang ginang.

"Iyong lalaki na nakaluhod diyan kanina... Umiiyak siya habang nagdadasal na sana tuparin ng Diyos lahat ng pangarap ng babaeng mahal niya...Rinig na rinig sa bawat sulok ng simbahang ito ang hikbi at panalangin ng isang lalaking nasasaktan at umaasa." sabi niya saka ako tipid na nginitian at malamlam ang mga mata na tinignan. "Hindi kita kilala pero nang una kitang makita at hinahanap mo siya alam kong ikaw na."

Kumunot ang aking noo sa pagtataka. "Ang alin po?"

Tumingin ang ginang sa gitna kung saan nakaluhod si Zahyun kanina bago muling humarap sa'kin at sumagot.

"Ang babae sa panalangin ng lalaki kanina."





—————

A/N:

Zahyun's POV is coming! Medyo mahaba-habang Chapter 'yon, nagsa-sadgirl moment pa'ko hahhaha. Btw, thank you for waiting and reading my Epistolary.

Papunta pa lang tayo sa exciting part guys AHAHAHHA. Hindi ko pa dina-drop ang main plot twist.

Watch Me Fall Again Where stories live. Discover now