"Sure po! Salamat!" papasok nila sa bahay ng salubungin sila ng isang batang lalaki.

"HONEEEEEYYYYYYYY!" tumigil ito ng makita siya na katabi ng tinawag nitong honey, nanlaki pa ang mata nito,"HONEY SINO SYA!?" tanong nito na siya ang tinuturo, kunot ang noo nito. Ito ang bunso na kapatid ni Ran, alam nya rin na honey ang tawag ng mga kapatid na lalaki ni Ran sa kanilang mommy, parang tradition na yun. Sweet. Kapag nagkaanak sila ni Ran, iisip din siya ng endearment.

"Siya si Kuya Yuan, classmate siya ni Ate Ran mo , Yuan he is my youngest si Rojan" paliwanag ni Clem dito.

"Why is he here, wala na siya sa school so bakit nandito ang classmate niya?" takang tanong nito.

"She wants to see your ate, come let's get inside tara Yuan, " hinawakan ni Clem ang kamay ng bunsong anak na ang mga mata ay na kay Yuan, iiling iling na lang si Yuan. Walang pinagkaiba sa kuya.

Dinala siya nito sa living room, nag-utos ito sa maid na magdala ng meryenda. Ang bunso naman ay naupo sa tapat ni Yuan na naka halukipkip.Nakatingin ito sa teddy bear na yakap yakap niya. Kapag binigay niya ito kay Ran pakiramdam niya siya na mismo ang yumayakap dito. Matagal na ito sa kanya, kayamanan niya noon at ngayon, ibibigay niya na kay Ran. Romantic na gwapo kasi siya.

"Ang pangit ng teddy bear mo," pintas nito sa kanyang dala, umalis kasi ang mommy nito para puntahan daw si Ran sa kwarto.

Wagas din pala makapintas ang isang ito, sa isip niya. Nginitian niya na lang ang sinabi nito. Pag sinalungat niya kasi, lalo lang itong maiinis sa kanya. Natuon ang kanyang mga mata sa mga frame na nakadisplay, tumayo sya para usisaiin ang mga iyon. Malaki ang bahay ng mga Romualdez, kumpara sa kanila, mayaman na mayaman naman kasi ang mga ito. Yet he is not after's Ran's money.  Malulunod si

Ran sa pagmamahal na kayang kaya nyang ibigay. Wala iyong kapantay na pera.

"Ang cute!" puri niya sa mga pictures, wala siyang mga ganoon. Kung pwede nya lang sana yung kuhanin, kaya lang baka di na siya makaulit kapag ginawa niya yun.

"Do you like my ate," nagulat siya ng nasa gilid niya na ang kapatid ni Ran. He looked pissed, lalo nas siguro kapag sinagot nya ng oo ang tanong nito.

Napakamot siya ng ulo ng nilingon ito.

"Oo eh, mula pa noong kasing laki mo ako." Mukhang napaisip ito sa kanyang sinabi, bago muling sumagot sa kanya.

"I don't like you,"  masungit na sabit nito, no doubt namana nito iyon kay Ran, imbes na maiinis natuwa pa siya at napaisip.

"Thank you, I like you too!" nakangiting sagot niya dito. Sumama naman ang tingin nito sa kanya.

"Bingi ka kuya? I said I don't like you!" matigas na sabi nito.

"Ganoon ba?" sabi ni Yuan, habang ginagalawa ang kanang tainga," ang dinig ko kasi I like you eh, "pagsisinungaling niya,

"Tss" sabi nito saka tumawag ng katulong, mabilis naman na may lumapit dito.

"Bakit po?"

"please get me some cotton buds," utos nito, hindi na nagtanong ang huli, mabilis naman itong nakabalik na may dalang buds.

"Give it to him, so he can use it, he can't hear me clearly," napailing na lang ang maid, inabot sa kanya ang buds na dala, nakikiusap ang mga mata nito na kuhanin niya yun. Siya naman na mabait ay nagpaunlak.

"use it, nabibingi ka kasi kuya," sabi nito, lihim na lang siyang napatawa , kumuha siya ng dalawa para paunlakan ito, nakikiliti siya sa kanyang ginagawa. So much to please this little kid.  Ng matapos siya kinuha iyon ng maid sa kanyang kamay, kahit nahihiya wala siyang nagawa. Mabilis itong umalis at silang dalawa naman ang naiwan.

The Princess's  Stalker (completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें