Chapter 18

104 10 1
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas at walang araw na hindi ako nakakaramdam ng lungkot. Lalo na 'pag nandiyan siya pero parang ang layo niya sa akin.

At ang mas nakababahala pa ay hindi na ako kinakausap ni Hyunje. Ang tahimik na niya sa social media. She's inactive for weeks now and l miss her so much. This is so new to me. Hindi naman kasi ganito si Hyunje, kapag hindi siya active sinasabi niya sa akin ang mga rason niya pero noong nakaraang mga linggo pa hindi man lang siya nagsabi na matagal siyang mawawala...Parati kong hinihintay ang reply niya...Kung kumusta na siya, kung maayos lang ba siya.

I can't wait any longer, l need to find out what happen to a close internet friend of mine. So, l have to take actions.

° ° ° °

MESSENGER
Wednesday, 9:21 PM

Zarina Khirk Triveria



Zari:

IT Expert?

Bakit ka naghahanap ng IT Expert?




Mia:

Ah wala, may gusto lang akong malaman.




Zari:

Ano naman iyon?

Ikaw ah baka nagse-sekreto ka na sa'min ni Clarence.




Mia:

Wala.

Sige, matutulog na ako.




Zari:

Sure ka?

Kung may gusto kang sabihin bhe kahit ano makikinig ako :)




Mia:

Tapos kinabukasan kumalat na ang sinabi ko sa'yo :)





Zari:

Hoy grabe ka sa akin, hindi naman ako chismosa noh!



Mia:

Paano mo nasabi?



Zari:

Tanong mo pa kay Clarence.




Mia:

'Wag na, isa pa 'yon.

Tumatakbong leader ng mga marites.



Zari:

AHAHHAHAHAHAHAH

By the way, next week na tayo gra-graduate. Excited ako na malungkot 😭

Excited akong mag-aral sa New York University kasama kayo ni Clarence pero nalulungkot ako kasi mami-miss ko pagmumukha ni Kaleb, my love.




Mia:

Crush mo pa rin iyon? Kahit ibang babae kasayaw niya noong seniors' night?

Tapang mo naman kung 'di ka nasaktan



Zari:

Sinong 'di nasaktan? Beh ilang beses ko na iniyakan yung lalaking 'yun. Ngayon pa ba ako susuko?

Oo, iba kasayaw niya noong seniors' night pero malay mo ako huling kasayaw niya tapos sa simbahan pa.

Sh*t! Hindi pa nga nangyayari kinikilig na ako.



Mia:

Guard may baliw sa isang lalaki rito.



Zari:

Gaga ka!

Support mo na lang ako Mia, gagawin kitang bridesmaid 'pag kami nagkatuluyan.

Babalikan ko 'tong convo natin na'to sa araw ng kasal namin ni Kaleb para ipamukha sa'yo na sa akin na ang lalaking pinangarap ko sa loob ng mahabang panahon. Tandaan mo 'yan!



Mia:

Bibilugan ko na ba kalendaryo namin? Para naman matandaan ko ang araw na 'to nang paulit-ulit tapos sa iba pala siya ikakasal.



Zari:

Tangina ka talaga. Bitter mo 😒



Mia:

Ipagdadasal ko na lang na mapansin ka ulit ni Kaleb. Malay mo magkatotoo.

Pero 'wag kang umasa ng umasa.

Malay mo rin ibang tao ang hinanda ng Diyos para sa'yo.



Zari:

I believe in prayers.

Mapapaibig ko rin iyang si Kaleb.

Kung hindi siya, hindi na lang ako mag-aasawa.



Mia:

Kailan ba 'yan nagsimula?



Zari:

I told you, we're neighbors before. He was my childhood playmate. But as we grow and separate ways, l realized l miss the old us. And l don't want to be his playmate anymore.

Noong grade 7 tayo at nakita ko ulit siya sinabi ko sa sarili ko na ito na 'yon. Nagkita na ulit kami, tadhana na ang gumawa ng paraan. Pero tangina 'yan nilagpasan lang ako no'ng first day of school na para bang wala kaming pinagsamahan. Todo papansin ako  hanggang ngayon pero siya itong layo ng layo.

Sa ganda kong 'to na hinahangaan ng ibang kalalakihan, may isang hindi ako matignan ng deretso sa mata.




Mia:

Matagal ko nang gustong sabihin ito pero ayaw ko lang na umasa ka at hindi ko alam anong tunay na intensyon ni Kaleb sa'yo.



Zari:

Huh?

What do you mean?



Mia:

Remember the cappuccino l gaved you for free? Someone ordered it  through call and requested to put a note on side of it. Pero binawi rin niya ang isusulat ko sana.

Supposedly, the message on the note and l quoted " I'll be a better man for you. I'll work hard and prove to our families that we can. Please wait for me to be successful." Sabi niya ibigay ko raw sa'yo yung kape pagkatapos nawala na siya sa kabilang linya.

Medyo iniba niya ang boses niya pero nahalata ko pa rin dahil parati kong naririnig ang boses na iyon sa loob ng court.




Zari:

Si Kaleb?

Siya yung nagpabigay ng kape?



Mia:

Paulit-ulit? Paulit-ulit?

Oo nga kasi.




Zari:

Pero bakit?

Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.




Mia:

Hindi ko rin alam. Mas mabuti pa kausapin mo siya bago tayo umalis. Kapag iniwasan ka pa ulit niya marahil may mabigat siyang rason na hindi niya pa masabi sa ngayon.

But for now, let's think of our own dreams first.

Pangarap muna bago pag-ibig. Dahil kung para talaga sa'yo iyong tao, kahit ilang taon pa ang lumipas, sa'yo at sa'yo pa rin siya uuwi.




Zari:

Ang dali para sa'yo na sabihin iyan dahil hindi mo pa naranasang magmahal gaya ng sa akin.




Mia:

Maniwala ka man o sa hindi pero naramdaman ko na iyan noon.

Ay mali... nararamdaman ko pa rin pala hanggang ngayon.

Trust me, love is really painful.

Watch Me Fall Again Where stories live. Discover now