•Chapter Six•

352 20 6
                                    

"You really can't go James...Madami pa tayung kailangang gawin dito sa Macau nakaschedule na ang lahat."

Sabi ng RM ni James.Kinausap ng binata ang kanyang RM para sana umowi na ng pilipinas at ipakansila ang lahat ng gagawin nya sa Macau.Gusto nyang puntahan si Devon para makausap at makapagpaliwanag dito pero kahit anong sabihin nya ay ayaw pumayag ng kausap.

"Please..It's very important na makauwi ako sa pilipinas.."

Nagmakaawa na si James.He really badly need to go home.Naiisip palang nyang nasasaktan si Devon pag nabalitaan ang kumakalat na balita ay parang dinudurog ang puso nya.Huli man nyang na realize ang nararamdaman sa dalaga ay gagawa sya ng paraan maipadama at masabi nya lang dito ang totoong nasa puso nya.

"Ok lang naman sakin James eh..Naiintindihan kita..Pero hindi lang kasi isang kaso ang kakaharapin mo pag kinansila mo itong lahat...tsaka kilala ko si Devon..mauunawaan ka nya kung hindi ka man agad makapagpaliwanag...Mas gugustohin nyang huli ang paliwanag mo kaysa makulong ka..."

Pagpapaunawa ng RM nya sa kanya.Napaupo na lamang si James sa sofa sa kung saan sila nag hihintay sa next pictorial para sa isang magazine.

"Hi!am I late na ba?"

Mabilis na napalingun si James sa pamilyar na boses na iyun.Nagsalubong agad ang kanyang kilay ng makumpirma kug sino ang bagung dating na babae.

"What the hell are you doing here!?"

Di maiwasan ni James ang galit sa kanyang boses.Kung hindi lang ito babae malamang na sapak na nya ito kanina pa.Itong babaeng ito ang dahilan kung bakit nagugulo sya ngayun.Ito ang dahilan sa mga kumakalat na maling balita ngayun.

"Mag pipictorial?Hindi ba nila sinabi sayo na ako ang papalit sa dapat kapareha mo ngayun?"

Napatingin naman si James sa kanyang RM at tumango naman ito bilang pagkumpirma.

"Umatras yung babae kahapon lang at ngayun sandamakmak na kaso ang kinahaharap nya.We all know Mr.Tan pag negosyo na nya ang pinag uusapan..at kanina ko lang din na laman na sya ang kapalit"

Malumanay na sagut nito kay James.Napakuyom kamao si James dahil sa galit na nararamdaman.Ayaw pa sana nyang makita ang babae dahil sa ginawa nito.

Magsasalita pa sana si Sofia pero mabilis nakaalis si James sa silid na iyun.

Walang na gawa si James kundi maging professional sa kanyang trabaho para matapos na ito agad.Nagpasalamat naman agad si James sa taas dahil nakapagtimpi pa sya sa mga ginagawang pagdikit at paglalandi ni Sofia habang kinukunan sila g litrato.

Ng makabihis si James ay mabilis silang umalis ng kanyang mga kasama dahil ayaw na nyang makita ang pagmumukha ni Sofia baka di na sya makapagpigil at masaktan na nya ito.

Pero ng malapit na sila sa Exit ng hotel kung saan sila nag pictorial nakita nila si Sofia kausap ang iilang press at panay ang ngiti nito.

"Yes..James and I are back together...He even propose to me..ohw!here he comes..honey!"

Lalog kumuko ang dugo ni James sa narinig.Walang ano ano ay hinila nya sa braso si sofia ng makalapit sya dito at dinala sa isang room na malapit sa kinaroroonan nya.

Pabalyang binitiwan ni James ang braso ni Sofia at galit na galit na hinarap ito.

"Ano sa tingin mo ang ginaawa mo Sofia!?Talaga bang gusto mong saktan kita para tumigil ka sa mga ginagawa ming mga kasinuwalingan ha!?"

Singhal ni James sa babae.Nakaramdam ng takot si Sofia sa galit na ipinakita ng una sa kanya.Ito ang unang beses na nakita nya itung galit sa kanya.

"Bakit!?Anong kasinugalingang sinasabi mo!?Totoo naman talaga diba na tayo na?You kissed me back sa party!That means mahal mo pa din ako!"

"Shi*t Sofia!Pagkakamali lang iyun!Isang malaking pagkakamali na subrang pinagsisisihan ko ngayun!Dahil sa halik na yun may na saktan ako!At ang pinakamamahal kung babae ang nasaktan ko!"

Di na mapigilan ni James ang imosyon.Sa tuwing naiisip nyang nasasaktan at umiiyak si Devon mas nagagalit sya sa sarili nya dahil sa nagawa.

"Mahal!?come on James!Alam kung hindi totoo ang lahat ng sa inyo ni Devon!Alam kung kumoha ka ng pretend girl friend para ipakita sakin na nakapag move on kana!Na hindi lang ako ang babae sa mundo!Alam ko na lahat James..Kaya nga ito na ako oh..bumabalik na sayo...At bakit?Segurado ka bang may nararamdaman din si Devon sayo at nasasabi mong nasasaktan mo sya!?"

Doon na tahimik si James.Wala syang pakealam kung pano nalaman ng babae ang pagiging on call girl friend ni Devon.Na sapol sya sa tanong nito kung segurado sya kung may nararamdaman din si Devon para sa kanya.

Oo nga naman.Pano nya nasasabi na nasasaktan si Devon sa mga lumalabas ngayun kung wala naman pala itung nararamdaman para sa kanya?

Nagflash back ang lahat ng mga pagkikita nila ni Devon noon.Simula sa simula hanggang sa party.Ni katiting ay wala syang nakitan senyales na ipinakita ng dalaga na may nararamdaman sya dito.Pero bakit sya pumayag sa ganitong kasundoan?Walang bayad o kahit na ano.Basta pumayag nalang ang dalaga na maging on call girl friend nya.

"natahimik ka?totoo ang sinabi ko diba?We belong to each other James...Mahal natin ang isa't isa...mahal na mahal kita at napatunayan ko na iyun sa sarili ko at handa akung patunayan sayo ang pagmamahal ko...Totoo na ito James..please maniwala ka.."

Pagmamakaawa ni Sofia sa binata.Tinitigan ni James si Sofia.Nagdadalawang isip pa din sya kung papaniwalaan nya ba ito.Hindi kasi lingid sa kanya ang gusot na napasukan nito.

"Kahit ano pang sabihin mo Sofia...hindi na ako maniniwala sayo..And about Devon?May nararamdaman man sya sakin o wala..buo na ang disisyon ko na gawing totohanan ang lahat samin"

At iniwan na ni James ang babae sa kwartong pinasukan nila.

•On Call Girl Friend•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon