Nang makapagpasa na ang lahat ay umupo na si Mrs. Padilla at nagsimula ng bumunot.

"Okay, ang unang magbabasa ay si..." Pabitin. Tsk. "Sinio, Jamica." Pagbasa niya sa pangalan ng nasa papel. Kaagad naman tumayo yung Jamica at nagbasa ng gawa niya.

Lumipas ang oras at nakalimang bunot na si Mrs. Padilla. Yes! Hindi ako natawag. Well, ayaw ko lang. Jskoo. Baka mag jelly muli ang mga tuhod ko pag nagkataon.

Simple lang naman ang gawa ko. Ang sabi kasi ni Mrs. Padilla ay gumawa daw ng tula about sa isang bagay na sobrang kailangan ng isang tao. And the topic that I chose was Money. Well, usually kasi, halos lahat ata ay nabibili ng pera. Kaya yun ang napili ko.

"Buti nalang, hindi ako natawag. Kumuha lang ako ng lyrics sa isang kanta at yun ang isinulat ko." Biglang sabi ng katabi ko paglabas na paglabas pa lang ni Mrs. Padilla. Kaya napatawa ako. Pambihira, kahit kailan talaga ay napakatamad mag isip nito.

Ginagamit niya lang ang isip niya kapag may surprised recitation or mga quiz, ganon.

Tumayo na ako para pumunta ng garden, tapos naman na lahat ng mga activity ko, kaya kahit matulog lang ako now ay pwede.

"Ikaw, tungkol saan iyo? Ikaw gumawa?" Tanong pa nito sa akin habang sumusunod. "Teka, hindi yan ang daan papuntang canteen. san ka pupunta?" Pigil nito sa akin... Yes, kaya ko na rin kumain sa canteen dahil kasama ko naman ito lagi. Yun nga lang, siya lang ang pumipila.

"Garden. I'm sleepy." Sagot ko.

Bigla naman itong humarang sa harap ko kaya tinaasan ko ng kilay. "Miryenda muna tayo." Umiling naman ako. At nilagpasan siya. Wala naman siyang nagawa kundi sumunod nalang. "Nagugutom ako." Bulong niya pero narinig ko.

Nang makarating kami sa garden ay pumwesto na ako sa lagi naming pwesto. Para ko na ring buntot itong si Rei. She always follows me wherever I go.

Nang makaupo na ako ay kinuha ko ang sandwich sa bag ko at inabot sa kanya. Nagulat pa ito pero kaagad naman niyang kinuha.

"Thank you, Londonnnn. Iisipin ko na talaga na love mo ako." Masayang saad niya.

Inikutan ko naman siya ng mata. "Asa."

Tumawa lang ito at inumpisahan ng kainin ang sandwich na binigay ko. May baon din naman siyang tumbler kaya kahit mabulunan pa siya ay hindi siya mamamatay.

"Behave." I said before closing my eyes. Nakita ko pa itong tumango bago ako makapikit.

--

"Uwi ka na ba agad?" Tanong sa akin ni Rei pagtapos idismiss ni Miss Harper ang klasi.

"Yes. May dala naman na akong kotse." Sagot ko sabay tayo ng maayos ko na ang mga gamit ko.

Lalabas na sana ako ng marinig kong muli ang isang napakalamig na boses. "Miss Mackenzie" tawag nito sa akin kaya napaharap ako. Tinuro niya lang ang mga gamit niya at umalis na. What the? Hindi man lang marunong humingi ng tulong? Sensyas lang amp.

Napasimangot naman ako at padabog na kinuha ang mga gamit ng Mahal na Reyna. Narinig ko naman na natawa si Rei kaya inikutan ko siya ng mata.

"Una na ako. May dadaanan pa ako e." Paalam niya. Tumango lang ako saka na kami naghiwalay ng daan.

Nakanguso kong nilakbay ang papuntang office niya at agad na kumatok pag dating. Pagbukas na pagbukas ko palang ng pinto ay biglang may yumakap na sa paanan ko kaya muntikan na akong matumba. Buti nalang ay nabalanse ko ang sarili at mahigpit ang hawak ko sa mga gamit ni Ma'am, kundi nabagsakan na sana ang batang salarin.

"Ate pretty!" Masayang bati nito sa akin.

"Baby, wait lang, baba ko muna gamit ni mommy... mo." Pahabol ko. Damn. Kinabahan ako bigla dahil mabilis akong tinignang masama ni Miss Harper. Parang natraffic lang yung "mo", galit na agad?

Her SaviorWhere stories live. Discover now