Leche!

"Hey! What was that for!?" galit na reklamo ko sa kanya. Balisang tumingin si Vanessa kay Ms.Tuazon at humingi ng sorry bago lumingon sakin at sinamaan ako ng tingin. Kapal siya na nga unang lumandi sakin, ako pa sinamaan ng tingin.

"Ms. Cohansen let's talk to my office, come with me." Masama ang tingin na ipinukol nito samin ni Vanessa bago siya tumalikod at naglakad patungo sa opisina niya. Nagpaalam muna ako kay Vanessa bago sumunod kay ma'am pero pinakyuhan lang ako ng gaga.

"Ms.Tuazon!" tawag ko rito habang hinahabol ito. Grabe ang bilis maglakad haba kasi ng biyas, isang hakbang niya dalawang hakbang na sakin. Hirap maging maliit pota

Hindi man lang siya lumingon at tuloy-tuloy parin sa paglalakad. Init ng ulo ni ma'am, anong problema nito? Nag aalangan tuloy akong kausapin siya, nagbago kasi aura niya. Kahapon mukhang anghel ngayon mukhang mangangain ng tao.

Pinili ko na lang manahimik habang nakasunod sa kanya. Maya-maya pa ay nakarating din kami sa opisina niya.

Pagbukas pa lang ng pinto maaamoy mo na ang pabango nito. It's Bottega Veneta one of my favorite perfume.

Pinagmasdan ko naman ang kabuohan ng office niya. Maliit lang ang space pero napaka cozy ng designs. May mini chandelier malapit sa mini kitchen ni ma'am sa baba nun ang bar table. Sa gitna naman may small sofa na nakaharap sa desk niya at may maliit rin na table dun. Nasa right side din ang CR malapit sa mini kitchen. Parang gusto ko na lang maging professor dito, masyadong special ang mga office ng mga prof dito.

Namamangha ko pang inilibot ang paningin ko sa opisina ni ma'am hanggang sa madako ang tingin ko sa kanya. Nakasandal siya ngayon sa table niya habang naka cross-arms at naka ngiti itong pinagmamasdan ang bawat reaksyon ko. Ang sexy niya tignan pero mas sexy parin si Mrs. Rossi.

"You liked it?" tanong niya pero di parin natatanggal ang mga ngiti niya sa labi.

"Opo, ang cozy naman po ng office niyo" komento ko. Ngiting iling ang reaksyon na iginawad niya sa sinabi ko

"Come, have a sit. I have to ask you about something" Sumunod ako rito at umupo sa seat sa harap ng table niya.

"I saw your personal file, at alam kong di ka regular student dito sa RMC." Panimula niya.

"You're a scholar of Mr. Reynold Rossi himself, right?" Tumango na lang ako bilang sagot dahil di rin naman ako sigurado kung scholar ba talaga ako ni Mr. Rossi. Mukhang napansin ni ma'am ang pag-aalangan ko.

"Don't worry I won't tell anyone about thi-"

"Ha?-No. I mean.. uhm okay lang naman po na malaman ng iba. Hindi naman po mahalaga kung malaman nila na hindi kami mayaman. I don't need someone who sees money as basis para kaibiganin ako." Seryosong wika ko rito.

Naka pangalumbaba pa si ma'am habang seryosong nakikinig at nakatitig sa akin.

"You know the more I know you, the more na na-aamaze ako sayo." Komento nito na nagpangiti sa akin ng wagas. Mukha na ata akong kamatis dito!

"cute" dagdag niya pa na lalong nagpapula sa mga pisngi ko.

"and you're beautiful" rebat ko rin sa kanya. Di pwedeng ako lang ang flattered noh?

"I know" taas noong sagot nito saka pinaikot ang mata. Kala ko naman effective naging mahangin pa nga.

"so, what's the deal between you and Ms. Madrigal?" out of nowhere nitong tanong.

"Magkaibigan lang po kami, nagka asaran lang po kasi kami kanina kaya ganun yung itsura namin." why the hell she care? Wika ko sa isip ko.

"Good and drop the 'po'. Mukha akong matanda ehh"

Agape LoveWhere stories live. Discover now