Tumayo ako sa pagkakaupo at tumungo sa kinaroroonan ng switch. Pinatay ko na nga ang ilaw at ang tanging ilaw sa kwarto namin ang luma kong lamp shade. Ito yung binili sa akin ni mama para sa pag-aaral ko. Grade 6 pa niya ito sa akin binili at hindi pa ito sira.

Isa ito sa iniingatan ko. Di bale, pag-uwi ulit namin sa maynila, dadalhin ko ito.

Humiga na nga ako sa kama at kinumutan na nga ang sarili ko. Di naman mainit, malamig nga e. Sabagay, kakatapos lang ng ulan dito nung dumating kami.

Umayos ng pagkakahiga si Miss Mandy at pareho na kami nakatingala sa bubong na kinakalawang na. Doon ko nakita na gising pa si Miss Mandy.

"Wala ka bang magulang?" Tanong na lamang nito kaya nagkaroon kami ng topic.

"Meron po," mahinahong sagot mo.

"Nasaan sila?" Sabay tingin sa akin.

Ngumiti lamang ako ng pilit sa kanya. Tumingala muna ako sa kisame bago sagutin siya."Namatay palang si Mama tatlong buwan palang nakakaraan." Amin ko.

"I'm sorry," hinging pasensya kaagad ni Miss Mandy. Tila na-konsensya siya kung bakit naitanong pa niya ang bagay na iyon sa akin.

Tumingin naman ako sa kanya. "Ah? Okay lang po." Sabi ko sabay pilit ng tawa."Madami naman kaibigan ko dito at tinulungan nila ako para umahon sa kalungkutan. Hindi madali pero nakayanan ko rin dahil sa mga taga dito sa amin." Dagdag ko

"Oh? T-that's good," naituran na lamang niya.

Ngumiti lamang ako sa kanya sabay tango.

Tumingin na nga kami pareho sa kisame. Nagkaroon ulit ng katahimikan sa aming dalawa tila ramdam namin pareho na awkward kami pareho.

Naririnig pa rin namin sa labas ng kwarto ang ingay ng tatlo. Di ko alam kung ano na ginagawa nila. Base sa naririnig ko, parang naglalaro sila na nagsisigawan. Ewan.

Narinig ko nalang bumuntong-hininga si Miss Mandy.

"Mabuti ka pa, meron kang mga kaibigan na malalapitan, sa masaya man o sa kalungkutan," turan na lamang ni Miss Mandy.

Natigilan naman ako sa sinabi nito.

"Anyway," bumaling ulit siya sa akin."First time kong may makatabing matulog. Saka isa pa, isa ka sa taong hindi nao-OA-yan sa akin pag kausap ako. Sa totoo lang, ikaw lang yung taong tumagal kausap ako. Ang iba kasi parang ayaw ako kausap," amin nito sabay tawa ng mahina.

Napatingin naman ako bigla sa sinabi nito.

Humugot ulit ng hininga si Miss Mandy. Doon palang, nakita kong may lungkot rin pala siyang tinatago.

Nakikita ko kasi sa kanya, palagi siya nakangiti at napaka-energetic niya. Di ko alam sa likod ng mga iyon, may lungkot rin pala siyang pinagdadaanan.

"Sa 22 years na nabubuhay ako sa mundong ito, wala ako naging kaibigan kahit ni isa. Lahat na dumarating na tao, akala ko isa silang kaibigan. Iyon pala, makikidaan lang pala sila sa buhay ko. Kumbaga, iiwan lang sila ng masalimuot sa buhay mo at bibigyan ka ng aral," malungkot na kwento nito."Pag may tinuturing akong kaibigan, turing naman nila sa akin, hindi. Pag may di naman ako tinuring kaibigan dahil nag-iingat na ko sa pagpili ng kaibigan, ganoon pa rin. Masama pa rin tingin nila sa akin. Di ko tuloy alam saan ko ilulugar ang sarili ko." Nakangiting mapait tumingin siya sa akin.

Kita ko sa mata niya ang lungkot. Pinipilit na lamang niya ngumiti para ipakita sa akin na hindi siya nasasaktan sa past niya.

"Ngayon, masaya na ko na wala akong kaibigan. Mas nakilala ko ang sarili ko at mas tinanggap ko ang pagkatao ko. Kung may taong tumanggap man sa pagkatao ko, e di salamat," nakangiting wika niya.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu