CHAPTER 14

103 13 0
                                    

Raeden's POV

  Umuwi na kami. As soon as we arrived home pinuntahan ko agad si mommy.

"Mommy! Im home!" Nakita ko naman si mommy na kakalabas lang galing kusina.

"Oh anak you're here na pala. Have you seen your dad?"

"Ah hindi po mom eh."

"Ah okay."

Matamlay na sagot ni mommy.

"Mommy?"

"Yes anak?"

"I will go upstairs na po. Napagod lang po talaga ako mom. Sorry po ah di kita masasabayan mag dinner."

"Oh okay anak I understand naman. Sige akyat ka na. Magpahinga ka na."

Umakyat na ako papuntang rooftop kung saan nandon si daddy. Ginawa ko lang excuse yung magpapahinga ako para hindi ako hanapin ni mommy.

"Dad! Success nagtatampo na talaga si mommy."

"Nasaktan na mommy mo.Ayoko siyang saktan pero surprise to eh."

"Kaya nga dad. Lets start decorating na dad baka maabutan pa tayo ng oras."

Nagsimula na kaming mag decorate sa place para di kami masyadong matagal mag prepare . We set the place, table and the foods.

Dad and mommy will be having a romatic dinner here.

"Ang ganda dad! Sigurado akong magugustuhan to ni mommy."

"Sana nga anak ilang oras din tayong nagprepare.

"Dad lets go na sa kwarto. Magbihis ka na wag naman yung sobrang formal dahil baka mahalata ni mommy na may surprise dahil pagbibihisin ko pa siya mamaya eh."

"Sige anak. Lets go."

Nagbihis na si daddy.

"Pogi mo dad ah."

Nginitian ako ni daddy at sumagot siya "Naman! Matagal na kaya."

"Ang hangin dad! Ang hangin!"

"Lika na nga. Mauuna ako sa rooftop tas gawan mo ng paraan para mapaakyat ang mommy mo doon."

"Yes dad."
Nagsimula na kaming maglakad si daddy papunta sa rooftop ako naman pinuntahan ko si mommy.

Nandito na ako sa baba pero di ko mahagilap si mommy.

"Mommy! Mommy!" i shouted pero walang sumagot.

Hinanap ko siya sa garden, kitchen at kung saan saan pero di ko siya nakita. I decided to go up stairs baka nandon lang siya.

I checked their room and there i saw her peacefully sleeping.

"Mom, wake up. Samahan mo akong kumain hehe." dinilat niya ang kaniyang mga mata.

"Hmm, sige."

"Mag ayos ka muna mom ang gulo ng buhok mo tapos ang kusot pa ng damit mo. Ano ba yan mom, natulog ka lang naman ah."

Hindi naman talaga magulo ang buhok niya at hindi kusot damit niya pero yun lang ang paraan para makapagbihis siya.

"Mommy maghalf bath ka ha, ambaho mo eh."

"What did you say?!"

"Ay hehe syempre joke lang po yun mom. Maghalf bath kana po gutom na po ako hehe. Ako na pipili ng susuotin mo mommy."

"Fine!" Naghalf bath si mommy at ako naman pumili ako ng susuotin niya. Pinili ko ang pambahay niyang dress para di naman halata na may surprise kami for her.

Inantay ko siyang matapos. Sa wakas lumabas na si mommy.

"Bilisan mo naman ng unti mommy! Gutom na ako eh" pagmamaktol ko kunyare.

"Oo na! Nagmamadali ka talaga? Madami tayong pagkain sa baba bat ayaw mong kumain muna kahit kunti."

"Wag ka ng magsalita mommy! Magbihis ka na please" Nagbihis na si mommy hindi naman masyadong matagal.

"Finally mommy! Kanina pa talaga ako gutom. Halika na mommy."

Lumabas na kami ng kwarto. I held mommy's hand baka bumaba eh.

Nagtaka siya bakit namin nilagpasan ang hagdanan pababa.

"Anak I thought kakain tayo? Bakit tayo pupunta sa rooftop?"

"Kakain naman talaga tayo mom. I wanted to take you on a date. Mother's day date."

"Mabuti ka pa naisipan mo yan. Yung daddy mo maski bati hindi niya nagawa"

I can sense sadness and disappointment in her voice. Sorry mom.

"Asus mommy wag ka ng malungkot."

"Teka nasan ba daddy mo?"

"Ah ewan ko po di ko po alam eh."

I opened the door papuntang rooftop.

"Ah there he is, mom."

Sinalubong ni daddy si mommy. Hinalikan niya ito sa lips at binigyan niya ng bulaklak.

"Nakakainis ka! Buti nalang di ako kumain kanina!" Hinampas ni mommy ang balikat ni daddy

"Dad, Mom? Im still here po."

"Ay, pwede ka na bumaba nak." daddy

"Ay wow? You're welcome po."

Nagtawanan sina ni mommy dahil sa reaksyon ko.

"Bago ako bumaba picture muna tayo."

Nagpicture muna kami bago ako bumaba at kumain mag isa kasi nagdidate parents ko. Pagkatapos kong kumain hinugasan ko ang pinagkainan ko at umakyat na pupunta sa taas para matulog.

T'attend Mon Amour (Book 1)Where stories live. Discover now