Parang may kumikirot sa dibdib ko nang makita ko ito. Binalik ko ang tingin ko sa kanya na nakatingin rin pala sa ginagawa ko, ngumiti ako ng mapait dito at saka nag paalam ng maayos. Tumango lang ito at pinagpatuloy muli ang ginagawa niya.

"What's this feeling?" tanong ko sa sarili ko nang tuluyan akong makalabas sa opisina niya. Agad ko rin namang isinawalang bahala ang iniisip ko at dumeretso na sa klase ko.

Kumatok muna ako sa pinto bago ito buksan. Bumati lang ako sa guro namin atsaka ako pinaupo, mukhang alam na rin nito ang nangyare kaya di na nagtanong. Umupo ako sa tabi ni Vanessa na ngayo'y nakatingin sakin na may halong pag-aalala. I smiled at her to say na I'm fine, she nod bago muling nagpokus sa klase.

Pagkatapos ng klase ay agad akong nagligpit ng gamit dahil gutom na gutom na ko kanina pang umaga, wala pa kong lunch.

Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Vanessa, lumingon ako rito saka niya ko inabutan ng pagkain. Sobrang saya ko dahil pina take out niya yung lunch ko kanina, I don't care kung malamig na hot choco ko, kakain ako!

Hinila ko siya palabas ng room at umupo sa damuhan sa garden sa likod ng building namin. Nagsimula na akong kumain nang magtanong ito.

"Kamusta paso mo?" nag-aalalang tanong nito

"Okay naman na kaso mahapdi parin." reklamong sagot ko rito habang nasubo ng tapa

"Did Vice President scold you? Mukha ka kasing pinagbagsakan ng langit at lupa pagpasok ng room kanina."

"Well actually kabaligtaran ang ginawa niya, she helped me pa nga ehh. Look" sabay turo ko sa uniform ko. "She lend me her uniform but pinagtataka ko bakit may nakaburda na name ni Ms. Tuazon." Ngumiti lang siya sa akin.

"that's not important ang mahalaga okay ka" tumango na lang ako saka pinagpatuloy ang pagkain.

Pagkatapos kong kumain niyaya ko nang umuwi si Vanessa. Hinatid ko muna ito sa parking lot bago ako umalis. Tinawagan ko na muna si Mariel habang naglalakad patungong terminal ng bus, hindi naman nagtagal at sinagot niya rin ang tawag ko.

"Buti naman tumawag ka, kala ko papatapusin mo ang araw na to without calling me." Bungad agad nito sa akin napansin ko rin na maingay na ang paligid niya. I guess the party has already started

"I'm sorry earlier, you're right nakalimutan ko nga na birthday ngayon ni Molly. Tell her happy birthday for me."

"aren't you gonna call her?" takang tanong nito.

"Ikaw na, nandiyan ka rin naman na." Tinatamad kong sagot rito

"wait-ate, Zeffy is on the phone!" sigaw nito sa kabilang linya.

"Damn you Mariel stop yelling" rinig kong reklamo ni Molly sa kapatid nito.

"Hello, Zeffy are you there?" tawag sakin ni molly

"Ah-yes! Sorry. Anyways, Happy birthday."

"Bakit hindi ka sakin tumawag?" flat nitong tanong sakin walang disappointment or what.

"Something happened kasi kaninang morning, nagalit kasi is Mariel sakin kanina kaya tumawag ako ulit sa kanya to apologize then naisip ko na rin na dito na lang kita sa phone niya batiin, sayang load eh. Hahaha" paliwanag ko rito.

"Okay, thanks." Halatang di naniniwala ito sa reason ko. Bahalasiya, di naman siya important. Hindi na nga ba? Narinig kong ipinasa na nito ang phone kay Mariel.

"Oh, Anyare?" chismosa talaga tong babaeng to

"Binati ko malamang!"

"Bakit mukhang di masaya?"

"Alam mo kaka overthink mo yan. Bye na sasakay na ko."

"Tse, ingat ka pauwi, ilabyubespren!" parang batang paalam nito saka binaba ang linya.

That girl never changed 3rd year college na sa law yun pero never kong nakitang nagmature. She's this type of girl na napaka kikay, easy to be with, mahilig makipag socialize, and energetic pero napaka bitch nun pag galit or sa di niya kilala. May lahing pranses at chinese ang babaeng iyon pero mas lamang ang dugong chinese niya. Her sister Molly is different, mas lamang naman ang lahing pranses nito, at pagdating sa ugali napaka mature nitong gumalaw, seryosong tao kumabaga. Di mo nga silang mapagkakamalan na magkapatid, their height and face are really different from each other except the color of their eyes. They both have this almond eyes na nakuha sila sa father nila.

"I'm so tired.." halos pipikit na yung mata ko. It's been a long day, a lot of things happened sa isang araw lang, I hope maging peaceful ang araw ko bukas. Kakasimula ko pa lang pero gusto ko na agad magpahinga. I feel mentally and physically drained.

A/N: I hope you guys enjoys my story so far.

Agape LoveWhere stories live. Discover now