at hanggang sa..

"ang bagal naman.. ano bayan.." pabulong na sabi ulit ni sohpia, DAFUQ? whats with you girl? namumuro ka saking hampaslupa ka ha?

pucha nagulat talaga ako sa nagsalitang demonya sa likod ko dahil sa bulong nyang rinig na rinig ko naman.. as usual nag pantig ang tenga ko. tumalikod ako at tinignan ko siya ng tiger look.

"wag mo akong inaapura, baka nakakalimot ka na mas mataas ang posisyon ko sayo?" sabi ko ng pabalang sakanya.

"wala ka naman magagawa eh kahit anong gawin kong pag tataray, remember? magkaiba tayo ng departmen, so hindi mo ako magagantihan." pabalang na sagot din nito.

aba puta? bastos kang bata ka ha? sige tignan natin kung matigas na buto mo.

"ah ganun ba? osige wait lang.." tinapos ko muna mag type at tumayo, tinignan ko siya eye to eye. si gaga ayaw patinag sa ganda ko ha? sige tignan natin kung matibay na ba buto mo.

nang nakatayo na ako. kinuha ko ang mga papel at binigay ko sakanya ang mga reports na hindi ko natapos dahil dapat gagawin ko yun kaya lang bastos tong panget na to, inaapura ako.

"para san to?" mataray parin nyang tanong...

"hello? di mo alam? malamang sayo ko na mismo ipapagawa yan.." sabi ko ng sarcastic

"hindi pwede tapusin mo yan!" sagot sakin agad ni sophia, halatang ayaw mapagod ha?

"sorry sophia, pero wala na ako sa mood gawin yan. tutal pinagmamadali mo din ako, bakit kaya hindi ikaw ang gumawa?, at to be exact ako na ang bagong general manager dito so wala ka nang karapatan i-level yang sarili mo sakin. okay?"

sabay walk out ang peg ko. oh ah? ano ka ngayon? kinaganda mo yan eh. ay wait! may nakalimutan ako..

bumulik ulit ako kay sophia at kitang-kita kong awkward na awkward siya sa mga nangyayari. hahaha! i win leche! :P

"ay sorry may nakalimutan ako, kapag pala hindi mo nagawa yan ngayon araw, mag cocompose ako ng file para i-force quit kita sa kabilang department. at dahil doon mapupunta ka sa department ko which is gagawin kitang, ALIPIN, narinig mo yun? gagawin kitang alipin. kaya wag mo akong subukan sophia." for the win! sinabi ko sakanya yan with poise and attitude! punyeta siya di ko lang siya masyadong pinapansin ha? pero nakakaloka na talaga siya..

napansin ko si loka, naka-yuko at para bang maiiyak sa mga nangyari. hahaha!

meannie~me! harsh~me! miss minechin! :) ~jasmine! <3 (ang bida kontrabida)

--

nang matapos ang pang ookray ko kay sophia ay dumiretso na ako kina marco. langya nagutom ako eh. +__+'''

"talaga teh? ginawa mo yun? hahaha! funny ka talaga, jusko buti nalang at hindi mo na-jombag yun, im sure baka mag laho yun ng maaga." matawa-tawang sabi ni marco

"tama lang yun no!, at saka simula palang na magkalaban kayo sa posisyon bilang general manager eh maangas nayang sophia nayan, diba marco?" pang gatong ni mariah kay marco.

"hay nakoo! kayo talaga ang sasama talaga ng ugali nyo, dapat kasi di nyo nalang pinapansin si sophia eh..." sabi ni lorraine

"dont tell me lorraine naawa ka dyan kay sophia? di mo ba naalala nung pinahiya ka niya sa mga ka-office natin dahil nagkamali ka lang ng sine-rox? (xerox) " pang aasar ni baklang marco.

"hoy hoy! wag muna nga ipaalala sakin yun marco! past is past no? di na ako galit kay sophia noh." sabay rolled eyes ni lorraine.

"sister lorraine lang peg natin ngayon, oh ano mariah? kinabog tayo nito ni lorraine oh? kung anong sama natin siyang bait nya no? hahaha" pang aasar ulit ni marco kay lorraine.

In Your Eyes [sa mata ng mga single]Where stories live. Discover now