( ALLISSA POV )
+ katatapos ko lang kausapin sa Phone si Tito. Inofferan nyako na lumabas muna ng bansa,  yun din naman ang balak ko. Pupunta muna ako sa Russia kung nasan ang Daddy ko. Sya na daw ang bahalang gumawa ng dahilan kung bakit ako aalis muna uli ng biglaan. Sabi nya para sa kaligtasan ko din.  Pero alam kong gusto nya lang to dahil isa ako sa pwedeng lumaglag sa kanya. At hindi ko naman magagawa yun lalo at damay ako. Hindi ko naman talaga inasahan ang ginawa nya,  kaya nga napapraning nako ngayun. Bukas na bukas na agad ang flight na sinabi nya sakin. Laman ng TV,  dyaryo at social media ang nangyareng aksidente. Tahimik ang kampo nila Aya,  kaya ma kinakabahan ako. Alam kong ako ang pupuntiryahin nya.  Kung sya lang sana ang bumagsak,  kaya ko pa syang harapin,  pero dahil may mga nadamay na inosente,  kalaboso kami ni Tito nito.  Isa pa si Tita Loida. Ang kinatatakot ko ay pag lumantad sya. Alam ko namang kaya syang paikutin ni Tito pero kinakabahan parin ako. Tinanggap ko ang offer ni tito kaya mabilis akong nag iimpake ng damit ngayun,  para bukas makaalis agad ako. Tinawagan ko si Carlo para alalayan at ihatid ako bukas.

*KINABUKASAN*

(ENRICO POV)
+ Nakaupo ako ngayun sa sofa ko sa bahay at nanunuod lang ng TV,  natatawa ako kasi pinagkakaguluhan ng media ngayun ang nangyareng insidente.  Sige lang, ipakalat nyo lang ang nangyare,  at ang kabobohan ng Agency na yan.  Magsisihan kayo ng mapatalsik na kayo sa industriya. Matiwasay akong umiinom ng kape at natutuwa sa pinapanood ko ng dumating ang isa sa mga investor ng Zentro na sya namang nagbibigay sakin ng impormasyon tungkol sa kanila. Napangiti ako at sinalubong siya.

Enrico- kumpadre..
-  Sir,  may problema tayo.
Enrico- pinapatawa mo naman ako,  masyado kang seryoso.
-  pakiramdam ko,  naghihinala na ang bagong CEO na si Miss Cantre. Maaaring kalabanin nya na kayo.
Enrico- kumalma ka. Manood ka muna ng tv,  maganda ang palabas.
-  Hindi ako nabibiro.
+ Tiningnan ko sya ng Masama.
Enrico- Ano pa bang ikinatatakot mo kumpadre? Sagot kita.  Isa pa,  kalabanin man tayo ng CEO na yan. Hanggang saan ba aabot ang pera at tapang nyan sa korte? Hanggang pananakot na lang yan.
-  Hindi Don Enrico.  Alam mo bang isa ang Bagong CEO na yun na nagmamay ari ng Black Card?
+ nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
Enrico- Anong sabi mo? Balck Card?
-  oo,  ang kinatatakutan natin na si Mr. Chen ay kalahati lamang ang yaman kumpara sa kanya.
Enrico- Paanong mangyayare yun?  Nagkakamali ka ata ng dinig.
-  hindi ako pwedeng magkamali,  lahat kami ay natulala at natameme kanina.
+ para akong binuhusan ng malamig na tubig. Paanong nag mamay ari ng black card ang isang babaeng iyon? Ang Black Card na yun ang matagal ko ng pinapangarap na maabot, matagal nako sa industriya pero ang isang pipitsugin na babaeng tulad nya ay naghahawak nito?
-  kung dati,  nababaligtad lagi natin ang pangyayare ano mang oras. Ngayun nararamdaman ko na ang pagkatalo natin. Ayokong makulong Don Enrico.
Enrico- Manahimik ka!!!!
-  kung tutuusin, para lamang tayong guyam sa kanya.
Enrico- Sabing manahimik ka!!!!
+ naibato ko ang iniinom kong kape sa Pader, nabasag ito at nagulat sya,  pinanlakihan ko sya ng mata.
Enrico-  Anong pagkatalo?  Ni minsan hindi pako bumagsak!!!
+ napapa atras na lang sya sa mga paninigaw ko.

(ALLISSA POV)
+ kalalabas ko lang ng condo dala ang isang bagahe at shoulder bag ko. Ngayung alas 10 ng umaga ang flight ko. Nagmadali nako at walang oras na dapat sayangin. Sumakay agad ako sa kotse na dina drive ni Carlo.
Allissa- bilisan mo para makarating tayo sa saktong oras at makasakay agad ako.
Carlo- yes maam.
Allissa- habang wala ako,  magtago ka,  na send ko na ang pera sa bangko mo. Mahuli ka man nila,  siguraduhin mong hindi moko ikakanta maliwanag ba?!!
Carlo- makakaasa ka maam.
+ napabuntong hininga na lang akong sumandal sa upuan,  sinuot ko na agad ang sumbrelo at sunglass ko para pag dating sa airport dire diretso na. Bahala na muna si Tito. Kaylangan kong umalis hanggat malinis pa ang pangalan ko. Pagdating sa airport,  kinuha ko na ulit ang bagahe ko at mabilis na pinaalis na si Carlo.  Dire diretso lang ako na lumapit sa Information. Nagulat pako ng may mga nakakilala sakin at gustong mag pa picture kaya tinanggihan ko muna,  bahala kayo sa buhay nyo.
Allissa- Miss Boarding ako ngayung 10 am. Russia.
- let me check your passport maam.
+ mabilis kong iniabot ang passport ko. After a minute.
Allissa- matagal pa ba yan?
-  Maam,  I'm sorry but your Passport is denied.
+ nanlaki ang mata ko.
Allissa- Ha?!  What do you mean denied?
-  you cant leave the country maam. This needs to be accessed first.
Allissa- Kagagamit ko lang nyan last Month! I check mo uli!
-  I'm sorry Maam,  I have already checked it three times. It is still denied and blocked.
Allissa- blocked?  Pano mangyayare yun?!!! Gawan mo ng paraan!!
-  I'm sorry but if you have any concern,  you can talk to higher office. I will provide you assistance to show the direction.
+ lintek naman oh. Kinuha ko na uli sa kanya ang Passport ko at sinundan ang isa pang staff. Papunta daw kami sa pwedeng makatulong sakin. Dinala nyako sa 2nd floor at pinapasok sa isang office.
Staff- pumasok na lang po kayo sa isang room na yun for Assistance regarding your passport.
Allissa- okay.
+ bumaba na uli ang Staff na yun. Nabibwisit ako. Kung kelan ako nagmamadali!  Pano pako aabot sa flight nito. Kumatok ako at Pumasok ako sa sinabi nyang room,  pagpasok ko nagulat at napatigil ako.
Allissa- Ikaw?
Cyrus- Hi.
+ nakangiti sya sakin habang naka dikwatro sa upuan na parang hinihintay nya na talaga kong pumasok dito. Tumingin sya sa relo nya.
Cyrus- late ka ng 5 mins. Nag ngangata ka pa ata sa baba eh.
Allissa- anong ginagawa mo dito?!!  Hindi ikaw ang kaylangan ko.  I need to talk to a higher personnel!!
+ tumayo sya.
Cyrus-  But I am the representative of that higher Personnel. You can talk to me.
Tungkol ba to sa denied passport mo?
Allissa- Wala akong pakialam kung may position ka dito. Nagmamadali ako kaya kung nantitrip ka hindi ako nakikipag biruan sayo!!
Cyrus- biruan?  Oo hindi ka nga nakikipag biruan.  Kasabwat ka sa pagsabog ng Bus diba?
+ nagulat ako at napa atras sa sinabi nya.
Allissa- Anong sinasabi mo? W-wala akong kinalaman dun!! Si Aya ba ang may pakana nito?!!  Anong karapatan nyong i block ang passport ko?!!!
+ nagulat ako ng may isang lalaki na humawak sa braso ko mula sa likod.
Alex- Kamusta?
Allissa- Ano to?!!
Alex- San ka ba kasi pupunta?  Tatakas ka ba?!!!
Allissa- hindi ko alam ang pinagsasasabi mo!!!  Bitawan moko!!! Mag iingat ka sa hinahawakan mo ha!!!
Alex- oo naman mag iingat ako.
+ iniinis ata ako ng mga taong to ah!!  Palag ako ng palag pero ayaw nyakong bitawan!! Inagaw sakin ni Cyrus ang passport ko sa kamay
Cyrus-  sa ngayun,  ako muna bahala dito ha.
Allissa- ibalik mo sakin yan!!  Ano ba?!!!
Cyrus-  Wag ka mag alala,  hindi ka pa naman makukulong. Hindi pa kayo kumpleto eh.
+ nag ngitian silang dalawa.
Alex- Ano?  Hi muna tayo sa mga fans?  Tatlo tayo dito oh.
Cyrus- Tsss.
+ halos mangiyak ngiyak nako. Anong balak nila sakin?!!  Hindi ako pwedeng mahuli na lang ganto. Konting steps na lang oh,  makaka alis nako!!!  Anong gagawin ko??  Kaylangan kong matawagan si tito!!

Itutuloy....

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now