Part 27

1K 18 0
                                    

( AYA POV )
+ Nandito ako ngayun sa apartment habang nilalaro si PA. Nagaantay ako ng oras para sa lakad namin ni Primo. Bukas na kasi ang Fan meet na mangyayare,  at sa hapon napag planuhan namin na magkaron ng Outing kasama ang mga staff,  pasasalamat at pahinga narin nila yun. Ngayun kami mamimili ng mga mababaon para bukas. Umuulan ng mahina sa labas,  kaya nasa baba lang ako at nag aantay kung sakaling dumating na sya. At maya maya nga may kumatok. Pagbukas ko,  nakatayo na sya dun at may dalang mga regalo.
Primo- Charaaaan!!!
+ napangiti ako agad.
Aya- ano yan.
Primo- regalo.
Aya- bakit?  Anong meron?
Primo- wala lang. Maya maya na tayo lumabas pag tumila na ang ulan.
Aya- o sige,  halika na.
+ binuksan ko yung regalo na dala nya. Pagbukas ko. Denim Jacket ang bumungad sakin.
Aya- Woww..
Primo- ayos ba?
Aya- Ang ganda.  Salamaat.
Primo- Couple Jacket yan,  meron din ako.
Aya- talaga?  Haha.
Primo- yan ang susuutin mo bukas para sa outing.  Para sure ako na hindi ka lalamigin.
Aya- to naman.  Alangan namang magsando ako.
+ ngumiti sya sakin at hinalikan ako sa pisngi.
Aya- o para san yun?
Primo- wala lang.
Aya- nakakailan ka na ha.
Primo- Natanong na ba kita kung pwedenng maging tayo na?
+  napatigil ako sa sinabi nya at humarap sa kanya. Seryoso sya na nakatingin sakin. Natawa naman ako.
Aya- hindi pa.
Primo- pwes.
+ may kinuha syang singsing sa bulsa nya.
Aya- sandali,  magpopropose ka ba?
Primo- hindi.
+ tsss!!
Primo- hindi pa sa ngayun. Alam ko marami ka pang goals in life.
+ sinuot nya sa daliri ko yung singsing.
Primo- sa ngayun regalo muna to. Kapag handa na tayo pareho. Paghahandaan ko.
+ tiningnan ko yung singsing,  simple lang pero maganda.
Primo- Will you be my girlfriend? 
+ tumingin ako sa kanya.
Primo- Naisip ko kasi,  ayokong saktanng pride mo. At sa sitwasyon natin. Mahirap ang walang label.
+ natawa na naman ako sa kanya.
Aya- wala namang kaso sakin yun eh. Hinawakan ko sya sa pisngi. At tumango ako.
Primo- hm?
Aya- oo na.
Primo- Sinasagot mo nako? 
Aya- oo nga.
Primo- sabi ko na ih.
Aya- ha?
Primo- matatanggihan mo bako?
Aya- Eh kung batukan kaya kita.
Primo- haha joke lang.
+ niyakap nyako.
Primo- Hayyy... Thank you.
Aya- thank you din.
Primo- I love you.
+ napangiti na naman ako,  potek!! Bumitaw ako.
Aya- iiiii,  kinikilig ako hahahha.
Primo- ano na?!  Hahah.
Aya- haha I love you too.
Primo- sarap naman sa tenga nun ah.
Aya- talaga?  Anong lasa hahaha.
Primo- ay,  kaylangan ba may lasa?
Aya-  hahahha.
+ masaya lang kami pareho, na parang walang kinakaharap na problema. Ng tumila na ang ulan,  pumunta na kami ng divisoria,  ewan ko ba dito,  ayun tuloy mayat maya may nagpapa picture samin haha. Okay lang ang mahalaga lagi syang nakangiti. Sa ngayun pakiramdam ko,  lahat ng problema na kaharapin namin ay kakayanin,  basta magkasama kami.

(ALIISSA POV)

Enrico- So ang sinasabi mo,  kaalis ko pa lang,  inaway ka na ng Aya na yun.
Allissa- Exactly tito.  At ang nakakainis pa,  kinampihan pa sya ni Primo. Napahiya na naman ako dun.
Loida- bakit ba kasi hindi nyo na lang sila hayaan.  Wala namang masamang nangyayare eh.
Enrico- hindi mo ba narinig ang sinabi ni Allissa. Kinakampihan pa nya yung Babae.
Allissa- ngayun ko pa ba hahayaan tita?  Dalawang beses nya nakong pinapahiya.
Loida- baka naman kasi sinisimulan mo.
Allissa- pati ba naman ikaw tita?
Loida- hindi naman sa ganun.
Allissa- makikita mo tita,  pati nga ikaw hindi nya pinapansin diba,  pero pagdating sa Aya na yun ang bait bait nya.  Tita sobra nakong naiinis sa babae na yun!!!!!  Binabantaan narin ko ni Primo!!!!
+ umiwas na lang ng tingin si tita Loida at napaupo.
Enrico- dont worry,  balita ko may outing bukas sa Agency nyo.
Allissa-  Yes tito.
Enrico- kung ganun,  wag ka ng mag maktol dyan. Bukas gagaan ng pakiramdam mo.
Loida- anong binabalak nyo?
Enrico- wala naman. Total outing yun hindi ba,  bakit hindi natin sila pabaunan?
Allissa- what do you mean tito?
Enrico- maghintay ka lang at manood,  yun lang ang gagawin mo.  Ako na ang kikilos. Sisiguraduhin ko sayo na mapapaiyak mo na ang Aya na yan.
+ napangiti ako sa sinabi nya. Huminga ng malalim si Tita Loida at pumasok na lang sa kwarto nya.

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now