"THE DAY BEFORE THE EVENT"

(AYA POV)
+ nasa condo ko ako ngayun at nakatanaw sa bintana,  pumasok si Troy at umupo sa sofa ko.
Troy- Anong nangyare? Bakit bumalik ka?
+ tumingin lang ako sa kanya.
Troy- Galit na galit si Primo na pumunta sa office ko. Kung pareho tayo ng iniisip sa mga nangyayareng to,  kaylangan mo na mag decide ng maayos. Yung mga sinabi mo sakin nung araw na sinugod ako ni Primo. Yun padin ba ang desisyon mo?
+ sumandal ako sa pader.
Aya- Nung mga oras na yun,  gusto ko na lang matahimik at mabuhay ng matiwasay. Okay kami ni Primo at balak ko na lang sana mag negosyo. Pero syempre nasa likod mo pa rin ko.
Troy- at hindi pako pumapayag sa sinabi mong yun. Mukang tama lang na hindi ako pumayag. 
+ tumayo sya at lumapit sakin.
Troy- Sa huling pagkakataon Aya. Mag desisyon ka. Bitawan mo lahat ng duda,  naka alalay ako sayo. Si Allissa ang tinutukoy natin pareho diba?
+ bumuntong hininga na lang ako.
Troy- the fact na pwedeng madamay ang Agency sa mga ginagawa nya. Hindi nako makakapayag.
Aya- pina oobserbahan ko kay Edward lahat ng galaw nya.  At tama nga ako ng hinala.  Pinasusundan nyako.
Troy-  gumising ka na Aya.  Lahat ng to ang dahilan lang ay si Primo.  Wag mo sanang hayaan na masira ang reputasyon mo at reputasyon ko,  pati na ng Agency ng dahil sa pag mamahal na yan.
+ napatingin ako sa kanya.
Troy- wag na tayo mag lokohan.  Alam kong may nararamdaman ka rin sa kanya. Hindi mo kayang sabihin sa kanya ang totoo pero hindi mo rin sya kayang bitawan kahit pa yung katotohanan lang na yun ang sagabal.
+ tumungo ako.
Aya- Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.
Troy- May plano ako. Kung dati ikaw lahat ang nagpaplano at ako ang gumagawa,  ngayon ikaw naman ang aaksyon.
Aya- Anong plano mo?
Troy- wag kang mag alala,  hindi ka mahihirapan.
+ after nyang umalis,  nag isip ako sa sinabi nyang plano,  napasabunot ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung tama ba tong gagawin.  Ilang araw ko ng kinokontak si Primo pero hindi nya sinasagot ang tawag ko.  Grabe naman,  ni hindi nya man lang ako pinag paliwanag.  At tuwing naiisip ko yung mga bagay na nasasabi nya sakin mas lumalakas ang loob ko na gawin ang mga plano ni Troy.

(PRIMO POV)
+ kasalukauyan akong nasa studio ng pag gaganapan ng fashion show bukas,  kausap ko si Direk.
Direk- Primo,  alam mo naman ang follow up walk diba?  Bago awardan si Allissa ng participation at trophie for the success,  irarampa mo muna si Carmen para narin sa promotion ng movie.
Primo- naiintindihan ko.
Direk- pero teka nga,  ilang araw ka ng maaga dito sa practice ah,  hanggang sa last practice maaga ka pa din,  hindi katulad ni Allissa na kung anong oras lang nya gustong dumating.
Primo- I just have plenty of time. Ito na lang ang mapag lilibangan ko.
Direk- Si Aya,  hindi na ba sya talaga babalik?
Primo- ayoko pag usapan yan ngayun Direk.
Direk- okay. Magpahinga ka na lang muna dyan kung ayaw mo sa dressing room mo. Ipapatawag ko lang si Allissa para sa last practice nya,  total okay ka naman na.
+ tumango na lang ako,  at lumabas na sya. Sumandal ako sa upuan ko at huminga ng malalim,  kinuha ko ang cellphone ko at tiningan yun.  Ang daming missed calls ni Aya. Hindi naman sa ayoko syang makausap pero tama ang sinabi ni Troy,  pag uminit ang ulo ko,  dire diretso na ang galit ko kaya walang nagiging magandang usapan. At ayoko pa na lagi na lang namomroblema si Aya sakin. Pero hanggang ngayun naiisip ko padin yung mga nalaman ko,  ayokong maniwala pero pano ko mapapaliwanag lahat ng nasa pictures,  kahit sa mga sagot ni Troy,  hindi din malinaw. Maya maya dumating na si Allissa kasama ni Direk,  kumindat pa sya sa direksyon ko,  hindi ko na lang pinansin. Nag practice na sila at nakatulala lang ako sa pag kaka upo ko.  Ano bang gagawin ko?  Gusto ko sya makita pero ayoko din makipag sagutan sa kanya.  Puntahan ko kaya sya?  Kaso baka mag away lang kami. Awayin ko na lang kaya sya para magkita kami.  Napahawak ako sa noo. Umayos ka ng pag iisip Primo!! Ng matapos na sila,  nag pa alam narin ako na aalis.  Nag dadrive ako ng maisipan kong tawagan si Alex pero idadial ko na sana, pinatay ko uli ang cellphone.  Yayakagin lang ako nun uminom.  Umuwe na lang kaya ako? Kumain na kaya yun?  Ahhhhh...  Kakamustahin ko na lang yung aso na binili ko para sa kanya.  Tama,  yun na lang.  Hindi naman kami mag aaway nun diba? Bumalik ako at nag drive papunta sa bahay nya. Pero pag dating ko dun patay ang ilaw at mukang walang tao. Nasan na naman kaya yun? Naghintay pako ng ilang minuto pero walang dumadating. San naman pupunta yun?  Wag nyang sabihing kasama na naman nya si Troy. Napakagat labi ako at tumungo sa manubela ko. Hindi,  kaylangan lang namin mag usap.  Pero asan na ba kasi talaga yun?!

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now