(PRIMO POV)
+ its 5 pm at nandito ako ngayon sa harap ng bahay ni Aya. Nasa loob parin ako ng kotse habang hinihintay syang lumabas. At 20 minutes na hindi padin sya lumalabas,  kaya sinuot ko ang sumbrelo ko at lumabas saglit. Nag doorbel ako.
Primo- Aya!!  Bat ba ang tagal mo?
+ sabay bukas nya ng pinto.
Aya- GUSTO KO!!
Primo- bat ka galit?
Aya- ala ewan,  ano na naman ba kasi to?
Primo- tara na.
Aya- Para mo naman akong kini kidnap ih
Primo- ganun narin yun,  tsaka kakain narin tayo.
Aya- eh bakit ba kasi kaylangan kasabay mo pako?  May pagkain naman ako dito.
Primo- Edi dito tayo mag didinner.
Aya- ayoko.
Primo- wala kang magagawa. Lagi ka na lang ayaw. Choosy ka pa,  Primo De Chavez na nga ang lumalapit sayo,  ayaw mo pa.
Aya- suplado nito.
Primo- sakay na.
+ sumakay narin sya pati ako.
Aya- San ba kasi tayo?
Primo- bastaaa.
+ pinaandar ko na ang kotse ko at pumunta kami sa isang Dog Training Center.
Aya- anong gagawin natin dito.
Primo- kakain ng aso.
+ sinamaam nyako ng tingin haha. Hinila ko na sya pababa at pumasok kami sa loob

Alex- kala ko iinjanin mo nako eh.
Aya- Sir Alex.
Alex- Hello Aya.
+ bitbit nya yung paborito nyang aso.
Alex- bilisan mo na kunin mo na,  kanina may nagka interes pa,  buti naunahan mo.
Primo- nasan na ba?
Alex- dun.
+ pumunta kami sa loob pa,  at sumunod na lang si Alex,  nililikot likot ni Aya yung hawak nyang aso.
-  Sir Primo,  kukunin nyo na sya?
Primo- oo sana.
-  Sige po,  wait na lang po kayo dito.
Primo-  salamaat.
Aya- ang cute nyan,  ano pangalan Sir?
Alex- Baby.
Aya- Baby?
Alex- oo Baby.
+ natawa na lang ako.
Aya- Baby lang? 
Alex- oo kasi baby ko to.
Aya-  ahhhh hahahhaha.
Alex- tinatawanan mo babay ko?
Aya- hindi po.
Alex- ito kaya ang pinaka cute dito.
Primo- lahat naman ng aso dito cute.
Alex- ito ang cutest!!  Diba baby ko??  Achuchuchu.
Primo- Para kayong mag ama.
Alex- kasi cute din ako?
+ tas nag pretty eyes pa ng loko.
Primo- kasi parehas kayong mukang aso.
Alex- hezzz.
-  Sir,  eto na sya.
+ kuminang kinang ang mata ni Aya ng makita yung gusto kong bilhin na aso.
Aya- halaaa,  sayo to?
+ nanguna pa nyang buhatin.
Aya- hello hello hello. Ang balbon.
+ nangigigil na sya agad.
Alex- para sayo yaaan.
Primo- HOY!!
Alex- bakit? Di ba binili mo yan para sa kanya?
Primo- bat ikaw nagsabi?
Aya- ehhh??  Akin?
+ tsk!! Babatukan ko to si Alex eh.
Aya- magkano ba to?
Alex- 10,000
+ timuluyan ko na sya ng batok!! 
Primo-itahimik mo yang bunganga mo.
Aya- hala,  ayoko.
Primo- sinisingil ba kita?
+ sinimangutan nya uli ako tapos nialro laro na ulit yung aso.
Primo- halika na nga.
+ hinila ko na sya pabalik sa kotse habang bitbit nya yung aso na binili ko para sa kanya.
Aya- akin talaga to?
Primo- oo nga,  para may nalalaro ka sa bahay mo.
Aya- yieeee. Nangigigil ako.
+ pinag hahalkan nya yung aso.
Primo- ako bumili nyan!
Aya- oo nga.
Primo- bat dyan ka nahalik?
+ sinamaan na naman nyako ng tingin. Kiss lang ih.
Alex- So san tayo kakain?
+ halos mapatalon kami sa upuan pareho at napatingin sa back seat.
Primo- Anong ginagawa mo dyan?!!
Aya- kanina ka pa dyan Sir?
Alex- yuph, 
Primo- narinig mo ba usapan namin?
Alex- oo. Okay lang yun,  sinasabi ko din naman yun sa mga nakaka date ko.
Primo-  Sira ulo ka talaga!!
+ ibinato ko sa kanya ang sumbrelo ko.
Alex- haha sorry na,  wala ako kasabay kumain eh.
+ tinawanan na lang sya ni Aya. Bwisit na tao to oh,  date ko to eh. At kasa kasama nga namin ang loko,  kaya ang ending sa labas na kami kumain. Hanggang sa paghahatid kasama pa sya. Makakaganti rin ako sayong traydor ka. Kinabukasan,  same schedule,  nagpractice lang at umattend sa guesting,  hindi na masyadong pumunta si Aya sa Zentro, tama lang din yun, alam kong mas makakabuti sa kanya yun.  Alas 2 ng hapon pumunta muna ako sa dressing room,  para magpahinga,  pagdating ko dun diretso ako sa upuan at sumandal kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Aya na hintayin nyako para mag dinner, hindi sya nagrereply,  ano na naman kayang ginagawa ng babaeng to? Humarap ako sa salamin ng mapansin kong may envelope sa baba nito, kinuha ko ang cellphone ko at dinial si Steff.
Primo- Steff, kanino galing tong envelope na nasa lamesa ko?
[ Sir,  wala naman po ako nilalagay dyan]
+ eh ano to?
Primo- sige.
+ binaba ko na ang phone at kinuha yung envelope.  Wala namang nakasulat sa labas nito,  na curious ako kaya binuksan ko. Kumunot ang noo ko ng makitang puro pictures ang nasa loob,  at hindi lang basta pictures, Nasa picture na yun si Aya,  na sumasakay sa isang kotse. Pati ang picture nyang nakangiti at kumakaway sa nasa loob ng kotse. Ano ba to?  Napatingin ako sa pinto ng may kumatok.
Allissa- Hi.
Primo- kung hindi naman mahalaga ang pinunta mo,  umalis ka na lang magpapahinga pako.
Allissa- mabuti naman hindi ko na nakikita dito yang si Aya.
+ tumayo ako at pinakita sa kanya ang envelope.
Primo- sayo ba galing to?
+ nag kibit balikat lang sya.
Primo- diba sabi ko tigilan mo na si Aya.
Allissa- hindi ka ba nagtataka? 
Primo- umalis ka na.
Allissa- bakut after nyang matanggal sayo, mabiis syang isasalba ni CEO.
Primo- anong ibig mong sabihin?
Allissa-  kaninang umaga lang yang picture na yan.
Primo- So sayo nga galing.
Allissa- Hindi mo ba tatanungin kung kaninong kotse yan?  Baka lang curious ka kasi.
+ tiningnan ko uli ang picture.
Allissa- kotse ni CEO yan diba?
Primo- ano naman ngayun. 
Allissa- hayy,  Primo wag ka nga mag bulag bulagan.
+ lumapit sya ng bahagya sakin.
Allissa- Simple lang.
+  hinawakan nya ang necktie ko.
Allissa- hindi kaya may something between Troy and Aya?  Kasi isipin mo na lang,  bakit ayaw nyang bumalik sayo tapos yung offer nya kay Aya,  pinag isipan ni Aya.
Primo- Tama ka na sa mga kwento mo.
Allissa- hindi ka parin kumbinsido?
+ binuksan nya ang bag nya at kinuha ang cellphone nya, may pinlay syang video,  at kita sa video na yun na masayang niyakap ni  Aya si Troy.
Allissa- hindi pa ba sapat to? 
Primo- Umalis ka na.
+ sinabi ko yun sa kanya sa malamig na boses.
+ ngumiti na lang sya lumabas na. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at lumabas din, kinuha ko ang kotse at nag drive papuntang bahay nya,  ewan ko ba!  Ayokong isipin pero may impact sakin ang mga picture na yun, pero pagdating ko sa bahay nya,  wala sya,  kanina pako doorbell ng doorbell pero walang lumalabas. Tiningnan ko ang cellphone ko pero wala parin syang reply!!  Tinry ko rin tawagan pero di sya sumasagot. Lintek na!! Muntik ko ng itapon ang cellphone!  Kaylangan ko ng paliwanag!! At hindi ako aalis sito hanggat hindi sya dumadating.

(AYA POV)
+ Sa kanto na lang ako nagpa baba kay Troy ng mabasa ko ang text ni primo na Nasa harap sya ng bahay. Nagpaalam ako ng mabilis sa kanya at pagka alis nya tumakbo nako papuntang bahay. May pinag usapan kaming mahalaga ni Troy,  laya mejo hinapon nako,  pagdating ko sa bahay nandun nga sya  nakasandal sa kotse nya.
Aya- Primo.
+ tumingin sya sakin ng masama,  ano na namang ginawa ko?
Primo- San ka galing?
Aya- may nilakad lang.
Primo- Sinong kasama mo?
Aya- kaibigan,  teka,  ano bang problema mo?
Primo- Kasama mo ba si Troy?
+ nagulat ako sa sinabi nya.
Primo- Sabihin mo sakin ang totoo!!
Aya- Pano mo nalaman!!
Primo- AYA!!!
+ Nagulat ako kaya na po a atras ako.
Primo- kanina pako tawag ng tawag at text ng text sayo, tapos kaaama mo lang pala yun! 
Aya- ano bang ibig mong sabihin?
Primo- Kaya ba ayaw mong bumalik sa pagiging PA ko? Kaya ba hindi moko masagot sagot pag tinatanong kita tungkol sa nararamdaman mo?  Dahil ba sa hayop na Troy na yun?!!!
Aya- hindi mo naiintindihan eh,  pakinggan mo muna ako.
Primo- baka tama nga si Allissa!! 
Aya- ano namang kinalaman ni Allissa dito?
Primo- tulad mga ng sabi nya,  hindi pa talaga kita kilala,  Kaya pala halos ayaw mong ipakilala ang sarili mo sakin. Dahil ba may namamagitan sa inyong dalawa?
Aya- Mag iingat ka sa sinasabi mo Primo ha.
Primo- Hindi ko na alam Aya. Sabihin mo ngayun sakin kung wala akong dapat ikagalit.  Anong meron sa inyo ni Troy?!!
+ natahimik ako at napaiwas ng tingin.  Tumungo ako,  anong sasabihin ko?  Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya. May kinuha syang envelope at iniabot sakin.
Primo- wala kang masabi?  Kasi ano?  Tama ako ng hinala.
Aya- Primo.
+ inisnob nya nako at galit na sumakay ng kotse nya at mabilis na umalis. Pano nya nalaman na kasama ko si Troy?  Na po atingin ko sa hawak kong envelope at ng buksan ko yun,  puro picture namin ni Troy kanina,  nag init ang bait ko.
Aya- hayop!!
+ Alam kong si Allissa na naman ang may pakana nito!! Sa galit ko,  pinunit ko yun ay ginusu gusumot!! Ayaw nya talaga akong tigilan!  Sa sitwasyon na to na puro na lang duda at panggugulo ang natatanggap ko sa kanila,  pwes magtutuos tayo.  Tingnan ko lang kung sino ang mapagod at sumuko sating dalawa!!!

Itutuloy....

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now