(ALEX POV)
+ Papunta ako ngayung sementeryo, at may dalang bulalak, dadalawin ko ang Daddy ni Primo, hindi kasi ako nakapag lamay due to emergency din, at halos ma shock ako nung malaman kong binawian nga ang daddy nya ng buhay, nung mga huling araw lagi kong binibisita si Primo sa Condo nya pero saglit lang, lagi nya agad akong pinapauwe, naiintindihan ko naman kaya after ko syang dalhan ng mga pwede nyang makain at pagka abalahan, umaalis din ako agad. Malapit nako sa puntod ng daddy nya ng matanaw kong may tao rin na nakatayo sa harap nito. Likod palang alam kong si Primo na yun. Lumapit ako at tinapik sya sa likod.
Alex- Bro.
+ tumango na lang sya habang nakapamulsa at nakatingin sa lapida ng daddy nya.
Alex- kamusta ka na?
Primo- eto, ganun pa din.
Alex- kaya mo yan, ano ka ba!
Primo- hindi ko na alam, simula ng mawala sya, parang wala nakong kakayahang mag decide ng mga dapat gawin.
+ napatawa na lang ako.
Alex- ano ka ba, syempre kaya mo. If nalilito nandito naman kami eh. Si Aya din, makinig ka dun. Teka nasan nga pala yun.
+ tumingin sya sakin.
Primo- Tinanggal ko.
+ nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
Alex- HA? Bakit?
Primo- eh kasiii...
+ napakamot sya sa ulo.
Primo- tinulungan nya yung pamilya nung nakabangga kay Daddy eh.
Alex- eh bakit nya daw ginawa yun?
Primo- ang naintindihan ko lang sa sinabi nya nung nag away kami, may baby daw na nadamay sa aksidente. Pero alam ko naman yun eh, ang hindi ko lang matanggap, bat kaylangan pa nya tulungan, atsaka hindi naman ganun kalaki yung sinisweldo nya sakin ah, baka ipon nya pa yung pinantulong nya dun.
Alex- Yun naman pala eh. Bat mo tinanggal?
Primo- kasi nga tinulungan nya!!!
Alex- eh sira ulo ka pala ih.
+ sinamaan nyako ng tingin.
Alex- o sige magmatapang ka pa.
+ umiwas na lang sya ng tingin.
Alex- wala naman kasi kinalaman yung bata sa nangyare, or sa nagawa ng ama nya, siguro naiintindihan ko si Aya kaya ginawa nya yun. Atsaka bro, nakulong na yung Ama eh. Siguro magalit ka kung pinalaya ni Aya or labag sya sa pagkakakulong. Pero Bro, kita mo naman kung pano binantayan at kung pano nya pinahalagahan ang Daddy mo.
+ napahawak sya sa batok nya.
Alex- bakit ba nagiging adviser moko ngayun? Pero real talk bro ha, naiintindihan ko yung nararamdaman mo, pero may mali eh. Yun lang ba si Aya sayo? Sa tingin ko nga better than Bosa at PA ang relationship nyo ih.
Primo- ako sa PA? Sinasabi mo dyan!
Alex- batukan kaya kita, tatanggi ka pa, parang hindi ko nakikita. Ah.
Primo- tsk!!
Alex- mag isip ka nga, alam mo naman ang dapat gawin eh.
Primo- nagalit na nga ako eh, sabi ko ayoko na sya makita. Sabi nya, hindi nya narin ako pakekealaman. Tapos makikipag ayos ako? Para naman akong walang pride dun bro.
+ binatukan ko nga sya.
Primo- aray! Aba!
Alex- sabi ng ikaw nga ang mali, anong kinalaman ng pride? Mali ka nga, at pag mali, mag sosorry!!!
Primo- tss!! Ingay mo, mahiya ka naman nasa sementeryo ka.
Alex- ikaw eh!!!
+ akma syang sisikuhin ako haha.
Alex- Ano? Ha?!!

(AYA POV)
+ Ala una na ng hapon, at nandito kami sa rooftop, hindi naman mainit dahil may mapepwestuhan namang may lilom. Para kaming mga sawi kung huminga haha.
Steff- hay naku, pag ganto ka peacefull parang ayaw ko ng umuwe. Ampunin mo na lang kaya ako?
Aya- haha pwede naman, basta magbayad ka ng upa.
Steff- may ampon bang nagbabayad ng upa? Wag ka nga dyan haha.
Aya- ikaw talaga.
Steff- ang sarap mag foodtrip dito sa gabi oh, okay lang ba? Tara!
Aya- walang problema, anything you want.
Steff- my ghad, para namang milyonarya ang kausap ko ih, lahat na lang pwede. O sige mag isip tayo ngayun ng gusto nating kainin. Atsaka yung ano, alam mo na hahahhah.
Aya- oo na nga, pag malilom na, lumabas na lang tayo para bumili.
Steff- okay call hahahha.
+ nagulat kami pareho ng magring ang cellphone nya.
Steff- teka lang ha, si Direk natawag.
Aya- Sige lang.
+ sinagot na nya at napalayo nya ang phone sa tenga, ang lakas siguro ng boses ni Direk.
Steff- eh?!!!! O sige po.
+ ibinaba na nya.
Aya- ano? Kaylangan ka ni Direk ano?
+ tumango sya.
Steff- Aya!!
Aya- what?
Steff- Si Sir Primo, nasa Set!
Aya- ha?
+ tatayo na sana ako pero napaisip ako.
Steff- ano tara na? Andun na yung boss mo.
+ bumalik uli ako sa pagkakaupo.
Steff- bakit?
Aya- Tanggal nako ih.
Steff- tanggal sa??
Aya- bilang PA nya.
Steff- ano? Pati ikaw inayawan na nya, susme!!
Aya- yep, pero ikaw bilisan mo na, baka kaylangan ka na dun.
Steff- ala oo nga pala, sige dyan ka muna ha. Babalitaan kita. Sure ka di ka sasama?
Aya- oo sige lang.
+ inihatid ko na sya sa baba, at maya maya nakasakay na sya ng taxi. Napangiti ako, buti naman naisip nyang bumalik. Akala ko ayaw na talaga nya. Hayyy ibig sabihin ba nito tinatanggap nya yung hamon ko na kapalit ng pagbalik nya sa movie eh hindi nako magpapakita sa kanya? Grabe naman!! Ganun talaga sya kagalit sakin? Ala ewan, ang mahalaga tinuloy nya. Pumasok nako sa loob uli.

(TROY POV)
+ nasa office ako ngayun at napangiti ako ng ibalita sakin ng secretary ko na bumalik daw si Primo sa shooting, mabuti naman kung ganun, alam ko namang masaya sya dun. Balak ko sanang tawagan si Aya pero hayaan na lang, mas mabuting wag na muna sila mag usap sa ngayun, ayoko rin ng sabak ng sabak si Aya sa mga problema, kaya nga hinayaan ko na lang dinng hiling nya na dun na lang sya muna sa Apartment nya, siguro gusto nya ring mag isip isip muna, which is makakabuti naman sa kanya.
Cyrus- kuyaa, kaylangan moko regaluhan.
Troy- o at anong meron.
Cyrus- may nag offer sakin ng advertisement. Shoot na agad kuya.
Troy-tinanggap mo? Bakit? Sure ka na bang dito ka na muna hindi ka na babalik sa UK?
Cyrus- babalik naman pero mukang hindi pa sa ngayun. At may plano ako kuya.
Troy- ano naman?
Cyrus- kung ayaw lang din naman ni Aya na mamuhay bilang Mayaman, bat di na lang sya ang gawin mong Manager ko? Mas okay yun, mas mapapanatag ka na ngayun na ako ang kasama nya.
+ napaisip ako sa sinabi nya, may point sya pero, hindi ko alam kung tama o lapayag ba si Aya.
Cyrus- napaisip ka no????
Troy- masyado kang mabilis, hayaan mo muna si Aya kung ano maging decision nya.
Cyrus- haha oo naman, kaylangan nya yun eh. Teka, anong oras ka ba uuwe?
Troy- maya maya may tinatapos lang ako.
Cyrus- okay, hintayin na lang kita.
+ umupo na sya sa sofa, hmm. Sa ngayun mas okay na ang nangyare, sa susunod ko na iisipin ang ibang bagay.

(AYA POV)
+ its 5 pm at umuulan habang Naglaloptop ako at nakikibalita sa social media ng may nag pepeep na kotse sa karap ng apartment, kaya tumingin ako mula sa secondfloor. Nanlaki ang mata ko ng makita ko na kotse yun ni Primo. Tumalikod agad ako. Anong ginagawa nya dito? Tsaka pano nya nalaman? Nagulat ako ng tawagin nyako mula sa baba.
Primo- Aya!
+ sumilip ako, hindi parin sya nababa ng kotse siguro dahil naulan, binaba nya lang ang salamin para tawagin ako. sheee** akala ko ba may usapan kami na hindi na kami magkikita?
Primo- Ayaaa...
+ lintek naman oh, teka bat bako kinakabahan? Sya ang pumunta dito ah!! Huminga ako ng malalim bago bumaba at binuksan ang pinto, pagbukas ko nasa loob parin sya. Medyo ngumiti sya ng makita ako. Nakasimagot naman ako sa kanya.
Primo- sumakay ka dito sa kotse.
+ ano ako uto uto, ako pa ang kaylangang mabasa sa ulan para sumakay sa kotse nya.
Aya- Ano bang ginagawa mo dito?
Primo- hindi tayo magkakaintindihan sumakay ka na lang sa kotse.
+ tinaasan ko sya ng kilay
Aya- Tss, manigas ka dyan.
Primo- Aya! Halika na, mag usap tayo.
Aya- ni hindi ka nga makababa dyan sa kotse mo eh, tapos gusto mo mag usap pa tayo? Umuwe ka na lang!
+ mejo nairita na yung muka nya, tama lang sa kanya yan.
Primo- Malakas nga ang ulan, tumakbo ka na lang.
Aya- ako pa talaga ha?!! Malakas pala ang ulan eh, edi umuwi ka na.
+ halata sa muka nya na naiinis na sya, hinampas narin nya ang manubela ng kotse nya haha buti nga sayo, papasok na sana uli ako at sasarhan ang pinto ng marinig kong nagsara ang pinto ng kotse nya kaya napalingon ako, at bumaba na nga sya at nagpaka basa sa ulan, nasa tapat na sya ng pinto ko ngayun.
Primo- ngayun? Pwede na tayo mag usap?
+ nakakainis ang taong to!
Aya- umuwe ka na sabi eh, baka pag nagkasakit ka, magalit ka na naman sakin!!
Primo- andito na nga ako oh, bumaba na nga ako ih.
Aya- o tapos?
Primo- mag usap tayo.
Aya- hindi mo nako PA okay. At isa pa wala na dapat tayo connection diba? Kaya umuwi ka na.
Primo- gusto nga kita makausap, papasukin moko.
Aya- no!! O sige, kung may sasabihin ka, sabihin mo na ngayun!
Primo- ngayun? Dito?
Aya- oo dito.
Primo- Aya naman eh, ang lakas ng ulan oh.
Aya- edi wag! Uwe.
Primo- Aya!!!
+ tinaasan ko uli sya ng kilay.
Primo- nilalamig na nga ako ih.
Aya- edi bumalik ka na dun sa kotse mo kung wala kang sasabihin.
+ medyo nag isip sya, ako naman naka pamay awang na nag aantay.
Aya- 5 seconds.
Primo- ha?
Aya- 5.......4.....
Primo- sandali lang naman.
Aya- 3......2......
Primo- wag ka kasi mag bilang.
Aya- 1. Tapos na umuwe ka na.
Primo- ha? Hoy, hoy Aya!!!
+ tapos sinara ko na pinto. Bahala sya dyan, bat kasi nandito sya. Akala nya siguro madaan ako sa ganun nya, pwes hindi na nyako PA. Manigas sya dyan sa labas. Wag kang marupok Zendaya, sasabunutan kita.

Itutuloy.....

I'M THE MASTER OF THE CEOМесто, где живут истории. Откройте их для себя