(AYA POV)
+ nakahilata ako ngayun sa kama habang si cyrus kanta ng kanta dun sa piano ko,  wala na naman sya magawa,  o baka ako talaga ang wala magawa.  Hayyy,  bat ba kasi hindi nag rereply yun,  baka kung ano na nangyare dun. Nag vibrate ang phone ko,  kaya agad kong tiningnan,  well umaasa lang naman,  pero Si Steff pala,  kaya sinagot ko muna.
Steff- Ayaaa.
Aya- hm?
Steff- Nakakausap mo ba si Sir Primo?
Aya- bakit?
Steff- Sinabi kasi ni Direk na hindi muna uli itutuloy ang shooting.
Aya- bakit anong nangyare?
Steff- ayaw na daw ituloy ni Primo. Grabe naman,  napaka childish nito,  naku kung pwede ko lang sabihin sa pagmumuka nya yun.  Sorry for the word Aya,  pero hindi okay to.
+ nagulat ako sa sinabi nya kaya napatayo ako.
Aya- Steff wait lang ha,  I'll call you back.
+ pinatay ko na ang cellphone ko at hinanap ang bag at sapatos ko.
Cyrus- Bakit?  Anong problema?
Aya- Dito ka lang okay.
Cyrus- san ka pupunta?
Aya- basta!
+ lalabas pa lang ako ng hawakan nyako sa braso.
Cyrus- hindi kita hahayaan as long as sabihin mo sakin kung san ka pupunta.
+ bumuntong hininga na lang ako.
Aya- pupuntahan ko si Primo okay.
Cyrus- then sasama ako.
Aya-  what?
Cyrus- lets go,  san ba nakatira yun?
+ hinila na nyako palabas, naku naman,  bat kasi sasama pa to.
Cyrus- ow wait. Wala tayong kotse.
Aya- wag ka na kasi sumama eh,  mag cocommute lang ako.
Cyrus- yaman yaman mo,  tas wala ka kotse.
+ meron kaya,  ayoko lang gamitin.
Cyrus- tsk,  baka kasi hindi tayo makausad pag nakita ako ng tao. Wait.
+ kinuha nya ang cellphone ko at may dinial.
Aya- huy ano ka ba,  akin na yan.
Cyrus- hello,  is thia Edward.
+ what the!!!! 
Cyrus- Aya need a car can you provide one right now?    Okay thank you.
Aya- ano ka ba!  Nakakahiya dun sa tao.
Cyrus- okay lang yan.
Aya- hay naku ka!!!
+ hinila na nya ako pababa. Sa kanya palang masakit na talaga ang ulo ko. Nag intay lang kami ng mga 10 mins,  bago dumating si Edward,  nakakahiya talaga,  hindi naman kasi ito ang trabaho nya dapat ih,  hay naku babatukan ko itong batang to eh. Sumakay na kami at pinag drive kami ni Edward papunta sa Condo ni Primo.  Pagdating don bumaba ako agad,  at nakasunod naman si Cyrus.
Aya- wag ka na sumama,  dyan ka na lang sa loob.
Cyrus- hayyy,  oo na hihintayin kita dito ha.
Aya- oo na.  Edward,  sorry and thank you.
Edward- No problem Maam.
+ naglakad nako paakyat sa Condo ni Primo,  kahit di ako sigurado kung nandito sya. Pagdating ko dun,  huminga muna ako ng malalim bago mag door bell. Nakailang doorbell pako bago nya iopen ang monitor ng pinto.
Aya- Sir,  pagbuksan nyoko,  mag usap naman tayo.
+ pinatay nya na uli at maya maya binuksan nya ang pinto,  pero pagbukas nya naglakad na agad sya pa loob.
Aya- Sir. Ano po bang problema?
+ napansin kong may mga nakakahon na gamit sa sahig.
Aya- Sir!!
Primo- Anong kaylangan?
Aya- bakit hindi mo itutuloy ang Movie?
Primo- none of your business.
Aya- Kahit na. Atsaka ano tong mga nakakahon na gamit? 
Primo- nandito ka na din lang,  baka gusto mo ng unan at mga damit.
+ napansin kong ito yung mga pinamili namin na gamit sana ni Sir Luis.
Aya- anong balak mong gawin sa gamit nya?
Primo- itatapon,  susunugin.
+ lumapit ako sa kanya.
Aya- kaya mo?
+ tumingin sya sakin ng diretso.
Primo- kaya ko.
+ nagbabadya na naman ang mga luha ko,  mejo namayat sya at walang buhay ang mata.
Aya- tingin mo ba magugustuhan ni Sir Luis,  ang ginagawa mo sa sarili mo?
Primo-  Patay na sya,  ano pang magagawa nya.
Aya- Ano bang nangyayare sayo?  Alam ko namang mahirap ih. Pero hindi sagot to.
Primo- alam mo naman pala.
Aya- ituloy mo yung movie,  tapusin mo, responsibility mo yun eh.
Primo- LINTEK NA RESPONSIBILITY YAN!!! HINDI MO BA NAIINTINDIHAN,  NG DAHIL SA RESPONSIBILITY NA YAN,  HINDI KO SYA NABANTAYAN,  HINDI NYAKO KATABI NG MGA HULING ORAS NYA!!! NG DAHIL SA RESPONSIBILITY NA YAN,  HINDI KO SYA NAKASAMA,  NG DAHIL SA LINTEK NA RESPONSIBILITY,  PARA NAKONG WALANG KWENTANG ANAK.  NAIINTINDIHAN MO BA YUN?
+ at ayan na nga tumulo na ang luha ko.
Primo- Tapos andito ka ngayun,  para ano?  Ipilit sakin na unahin ko yang responsibiliting sinasabi mo kesa magluksa sa daddy ko? Pagkatapos mokong traydurin?  Bakit ka nga ba nandito Aya?  Dahil responsibility mo? O dahil nakokonsensya ka sa ginawa mo? At isa,  tinanggal na kita sa trabaho!!!
+ hindi nako nakapag pigil.
Aya- Nandito ako kasi nag aalala ako sayo!!!!  Dahil nag aalala ako kung kumain ka na ba?  Kung okay ka ba?  Kung kaylangan mo ng kausap,  gusto ko sabihin sayo na kaya mo yan!!  Na magiging okay din yan,  na nandito ako pag kaylangan mo!!!  Ano ba kasing ginawa kong mali ha?!! Yung tinulungan ko yung pamilya ng taong may kasalanan sayo?  Hanggang sa kasalanang yun na lang ba ang tingin mo sakin?!!
+ Naiinis ako kasi,  hindi ko akalain na sasabihin ko to sa kanya,  pero nakakapagod na tong ginagawa nya ih.
Aya- Kung yun nga,  sige,  tatanggapin ko yung kasalanan na yun,  Ituloy mo ang Movie,  hindi dahil trabaho mo,  ayoko lang na may pag sisihan ka, ayoko lang na nagkaka ganyan ka.
Primo- Para san pa? Wala naring kwenta.
Aya- sayo oo wala,  pero sa daddy mo oo. Bakit?  Ayaw mo na dahil hindi narin naman nya mapapanood? Primo,  bawat galaw mo, nakasubaybay sayo ang daddy mo,  bat episodes na shinoshoot mo nakapanood sayo ang daddy mo. Sana naman tapusin mo,  dahil alam kong yun din naman ang gusto nya
+ umiwas sya ng tingin sakin. At mabilis na nagpunas ng luha
Aya- O sige,  hinding hindi nako lalapit sayo,  iiwasan na kita tulad ng gusto mo.  Pero sana intindihin mo din ako. Pero kung talagang ayaw mo na,  wala na ko magagawa.
+ bago ako umalis,  napatingin muna ako sa picture nila ng daddy nya, ganun din sya.
Aya- pasensya na sa istorbo.
+ naglakad nako palabas ng Condo nya.  Put*kte namang luha to oh!  Sino ba kasing nagsabing aabot dito!  Mabilis akong bumaba at yakap ni Cyrus ang sumalubong sakin. Sa totoo lang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko at sabihin na lang sa kanya na kaya nya yun,  na magpakatatag sya,  pero wala na ih. Hanggang dun na lang yun.

Itutuloy........

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now