Kampon ka ba?
Aya- ahhh, edi okay na po tayo?
Primo- San kayo pumunta?
+ ngali ngali kong ibato ang phone ko, buti na lang napansin kong nakatanaw si Steff. Hayssss.
Aya- dito lang naman po around Plaza pooo.
Primo- update mo sakin kung san kayo pumupunta.
+ napabuntong hininga na lang ako.
Aya- okayyyy poooo.
+ tapos binaba na nya. Ano bang trip nun! Napakamot na lang ako ng ulo. Maya maya pumasok nadin ako sa loob.
Steff- okay ka lang?
Aya- oo naman.
Steff- hinahanap ka na ng boss mo?
Aya- hindi ha, uhm may sinabi lang.
Steff- ahh okki, halika na.
+ halos maghapon ata kaming nag ikot ni Steff, nakakatuwa kasi energetic sya, ibubuhos nya na daw kasi lahat dahil bukas trabaho na uli, mag aalas sais na din ng gabi at kaylangan na namin mag hiwalay.
Steff- Ayaaa sobrang thank you dito sa pa doughnut mo ha.
Aya- oo naman, sabihin mo sa kapatid mo, damihan ang kain okay?
Steff- ikaw talaga, sure ka, may pera ka pa ha.
Aya- hahaha oo naman. Ingat ka pauwe.
Steff- pano ka?
Aya- uhm, lalakad pako papuntang sakayan ng papunta sa bahay eh. Wag ka mag alala malapit lang yun.
Steff- o sige, text moko pag nakauwe ka na ha.
Aya- okay.
Steff- byeee.
+ nag babye nalang din ako sa kanya, naglakad lakad muna ako, tsaka nako sasakay pag malayo layo na ang taxi na sinakyan nya. Hayyy, ang sarap pala talaga ng buhay pag ordinaryo, maeenjoy mo ang mga simpleng bagay, tulad na lamang ng paglalakad lakad dito. Tumigil muna ako sa gilid ng kalsada, hindi para pumara ng taxi, tanaw kasi dito ang building ng Zentro, parang dati lang, isang maliit na agency lang to, nakakatuwang pagmasdan na sobrang laking building na nito. Hayyy kelan kaya ako ulit makakaramdam ng ganto. Alam ko kasing bukas, laban na uli. Papara na sana ako ng b oh glang may humila sa kwelyo ko mula sa likod, kaya nagulat ako at humarap dito. Nanlaki ang mata ko ng ibaba nya ng bahagya ang black facemask nya, naka sumbrelo din sya.
Aya- Sir! Anong ginagawa mo dito?
Primo- Ssshhh! Bakit? Bawal na ba ako lumabas.
Aya- I mean, si Sir Luis po? Kamusta?
Primo- hindi parin gumigising pero sa ngayun stable na g breathing nya.
+ napahinga ako ng maluwag.
Aya- buti naman po kung ganun. Pero bat nga ba nandito ka?
Primo- hindi ka pa naman kumakain diba?
Aya- ahh, nag meryenda pero dinner, hindi pa.
Primo- good, pero samahan mo muna ako.
Aya- saan?
Primo- basta.
+ hinila na nyako. Pero bigla uli sya tumigil.
Primo- oo nga pala.
+ kinuha nya ang isang mask sa bulsa nya at iniabot sakin.
Primo- suutin mo yan.
Aya- hindi na po kaylangan.
Primo- basta suutin mo.
+ ano pa ba magagawa ko? Kinuha ko na at sinuot. Naglakad na kami, tas tumigil sa tapat ng department Store.
Aya- Mag gogrocery ka Sir?
Primo- oo sana.
Aya- Seryoso ba?
+ hinila na nyako sa loob, buti na lang hindi sya masyado nakikilala ng mga tao, hay ako ang kinakabahan. Kumuha sya ng cart.
Primo- tulak mo.
+ ako pa talaga ih.
Aya- bat nyo naman po naisipang mag grocery?
Primo- ramdam ko kasing magigising na si Daddy, gusto ko sakin na muna sya tumira habang nagpapagaling sya, kaya bibili na agad ako ng mga kakaylanganin nya.
Aya- ahhh.
Primo- kaso hindi ko alam kung san ako magsisimula.
Aya- problema ba yun? Ako bahala Sir.
+ nginitian ko sya at hinila sa mga Mens ware, alam ko kasi na mas gusto ng mga kaedadan ni Sir Luis yung mag komportableng damit, kaya pinamili ko sya dun. Ako naman pumunta sa mga sapatos, pero hindi sapatos ang kinuha ko, mga pambahay na tsinelas. Hirap na hirap pa sya pumili ng damit, palibhasa asa sa stylist hayss, pinatigil ko sya at pinasunod na lang sakin.
Primo- tingin, magugustuhan kaya ni Daddy yan?
Aya- oo naman. Trust me Sir.
Primo- sabi mo eh. Hinila nyako sa mga kumot at unan na part, hindi naman ako ready na pati pala to bibilhin na nya. Namili na nga sya dun, pagtapos ay mga pagkain naman, gusto nya daw hindi mauubusan ang daddy nya ng makukuhang pagkain sa ref. Hindi man sya close sa mommy nya, ganto naman nya kamahal ang daddy nya. Sa dami ng kinuha nya, pinakiusap ko na lang kung pwedeng pa diver na lang lahat at pumayag naman ang cashier, kukunin ko na sana ang wallet ng pigilan nyako mula sa likod at iniabot ang wallet nya. After namin magbayad lumabas na kami habang may kinakain na ice cream haha.
Primo- para kang sira.
Aya- po? bakit? Ano na naman?
Primo- ikaw talaga ang magbabayad ng mga pinamili? Bakit? Millionarya ka ba? That 8000 pesos hoy.
+ muntik nako masamid, oo nga pala, bat nga ba ako bubunot sana ng pera.
Aya- ahh sorry nasanay lang ako kasi nag gogrocerry din ako eh.
Primo- sus.
+Ng maubos na ang ice cream, naglakad lakad na lang muna kami, dahan dahan lang, ineenjoy ang mga nakikita, parang kanina lang mag isa ako. Tahimik lang kami ng maramdaman kong inaabot nya ng kamay nya ang kamay ko kaya napatingin ako, sa daan parin sya nakatingin, maya maya hinawakan nya na ito. Napansin ko pang sumingkit ang mata nya, siguro ngumingiti to. Ako di na mapakali dito tapos sya pangiti ngiti lang? Yan na naman yang pusong yan, baka mamaya magpawis ang kamay, nakakahiya. Maya maya tumigil kami, humarap sya sakin, namulsa at yumuko ng bahagya. Nakatitig lang sya sakin.
Primo- Aya, para sayo ano yung kiss na nangyare satin.
+ napatikom ang mga kamay ko, ano bang klaseng tanong yan?
Aya- a-ahh, yangggg, e-ewan ko po sayo.
+ ibinaba nya ang mask nya.
Primo- kapag ba sinabi kong hindi lang yun dahil sa nabigla at nag aalala ako, magegets mo?
+ lalong bumilis ang tibok, hindi naman ako tanga kaya alam ko ang gusto nyang sabihin, pero natatameme na lang talaga ako. Hindi ko alam ang isasagot. Maya maya, pinitik nya ko sa noo.
Aya- aw!!
+ tumayo na uli sya ng tuwid.
Primo- Wag ka mag alala, sanay akong maghintay sa set, kaya mahihintay rin kita kung kelan mo magegets.
+ kelan pa sya naging ganto ka straight forward?
Primo- gutom nako.
Aya- ahh oo nga pala, maghanap na lang po tayo ng makakainan.
Primo- may pagkain ka ba sa inyo?
Aya- uhm, opo.
Primo- good, sa inyo na lang tayo kumain, para malaman ko naman kung san ka nakatira.
+ para akong nakuryente sa sinabi nya. PATAY!!! HINDI PWEDE SHIII**** ANONG GAGAWIN KO.
Primo- dyan ka lang, kukunin ko ang kotse.
+ AYAAAA!!!! UMISIP KA NG PARAAN, HINDI SYA PWEDENG MAKARATING SA BAHAY!!!

Itutuloy…..

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now