Napa-upo ako sa kinatatayuan ko habang nakasandal sa pader. I covered my mouth to stop myself from making any unnecessary noises. Tumingin ako sa pinto ng practice hall at nagpatuloy sa pakikinig.
"I'm sorry, Chase." humahagulgol na sagot ni Circe. "W-we were s-still young back then. I-I'm here now. P-please come back to me." ani pa ni Circe na nauutal sa pag-iyak.
Nanlaki ang mata ko at parang gusto kong tumayo dito sa kinauupuan ko para sugurin si Circe. I want to slap the living hell out of her. Gusto ko siyang saktan! How dare she?! Matapos iwan si Chase saka niya babawiin?! After 5 years?!
"No, Circe. I love someone else. I don't need you and that's why I'm asking you to fvcking leave." ani Chase na may diin sa bawat salitang binibitawan.
Sumilip ulit ako at nakita kong tumayo si Circe mula sa pagkakaluhod sa harap ni Chase. Maayos siyang tumayo na parang hindi siya lumuhod sa harap ni Chase. Parang hindi siya nagmakaawa sa lalaking ito.
"I-I'll get you back. If I have I to steal you from her, I-I will." aniya na nauutal pa rin.
Ngumisi si Chase saka tumingin kay Circe. "No, you won't. I'm not gonna let you take me from her. Now, leave." aniya kay Circe.
Nang tignan ni Circe si Chase at pumihit para umalis ay agad akong yumuko sa kinauupuan ko. Nakayukong tumakbo si Circe at hindi niya ko napansin. Hindi napigilan ng mga luha ko ang pagpatak mula sa mga mata ko. Pursigido siya. Pursigido si Circe mabawi si Chase.
Yes, I promised myself that I will fight for Chase no matter what. He assured me that he'll stay forever by my side pero hindi ko maiiwasan na magduda kung hanggang saan tatagal ang pangako ni Chase. Gusto niya lang. His wants may change anytime soon at sinong kawawa? Ako. I'll always be the one na matitira.
"Jace?" ani Chase at naramdaman ko ang paglapit niya.
Inangat ko ang tingin ko at nakita si Chase. Pinawi ko ang mga luta sa mata ko at pinunasan ang pisngi kong nabasa sa pag-iyak. Yumuko si Chase at ikinulong ang mukha ko sa mga palad niya.
"What happened?" tanong niya na may kunot noo.
Umiling ako at pinagpatuloy ang pagpunas sa buong mukha ko. Inabot niya ang panyo niya sakin na kinuha ko naman agad. Hinihintay niya kong sumagot pero umiling na lang ako ulit sa kanya.
"You were eavesdropping, Jace?" tanong niya pero hindi na siya naka-kunot noo.
"I'm sorry." ani ko at sininok.
Binalot ako ng yakap ni Chase at naramdaman kong hinalikan niya ako sa buhok. Naiyak na naman ako sa bisig ni Chase at patuloy siya sa pagyakap sakin. Nang tumayo siya ay kasama niya kong tumayo dahil sa pagkakayakap sa akin ni Chase.
"Remember my promise, Irina. What you heard from me is true. Everything is true and I need you with me. Fight with me, Jace." bulong ni Chase sa akin.
Tumango ako at hinarap siya. Pinunasan niya ang pisngi ko gamit ang panyo niya saka ako hinalikan sa noo. Nang huminahon na ako ay sinamahan niya ko sa cafeteria kung na saan sila Nathalie. Nanlalaking mata sila nakatingin sa amin ni Chase.
Umupo ako sa bench na inuupuan ni Juniel. Nakatingin pa rin sila sa amin ni Chase. Kung kanina naabutan ko silang natawa ngayon napaka-tahimik nila. Lumapit si Chase sa tenga ko at bumulong.
"I'll be going. I still have my practice with Zach." aniya at bumuntong hininga. Humarap ako sa kanya saka siya nagsalita ulit. "Call me or message me, okay?" aniya sakin.
Tumango ako at ngumiti. Hinarap ko si Ina na nakangiti sa akin pero yung dalawa ay nakatingin pa rin sa akin. Lumapit ulit si Chase sa tenga ko at bumulong.
"I love you." bulong niya na nagpangiti sa akin. Hindi na ko hinintay ni Chase sumagot. Tumayo siya ng maayos at tinignan ang barkada ko. "Ladies." bati niya sa mga to saka tumango.
Tumingin ako kay Chase na kinindatan ako saka ngumisi. Tumalikod na siya at umalis. Marahang hinampas ako ni Juniel sa braso dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Anong meron?" tanong nito sakin.
Bumaling ako kay Ina para sana humingi ng tulong pero uminom ang kambal ko habang nangisi sa akin. "Can you girls stop it?" ani Ina nang nakangisi pa rin. " 'Wag niyo na intrigahin yung kambal ko." dagdag niya at kinindatan ako.
Umirap ako sa kanila at nabago ang topic. Nagkukwento sila tungkol sa nangyari nang mawala kami ni Ina. Napatingin naman si Nathalie sa cellphone niyang umilaw. Luminga-linga siya sa paligid hanggang sa itinaas niya ang kamay niya. Lumapit si Auclair sa mesa namin at umupo sa tabi ni Ina.
"Tara na?" aniya sa amin.
"Saan?" tanong ko.
Hinampas ako ni Ina at Juniel kaya sinamaan ko sila ng tingin. "Bibisita tayo kila Chieri, kambal." aniya sakin.
Tumango ako saka kami nagsitayuan sa pagkakaupo. Papunta kami sa hagdan at busy akong nakikipagtawanan kay Nathalie nang may mabangga ako. Bumagsak ang mga dala niyang gamit kaya sabay kaming yumuko. Tinulungan ko siyang kunin ang mga gamit niya at ganun rin si Nathalie. Habang pinupulot ay nagsalita ako.
"I'm sorry." hinging paumanhin ko at nang ibigay ko sa kanya ang gamit niya ay medyo nagulat ako dahil si Circe ang kaharap ko.
"It's alright, Irina. I wasn't looking anyway." aniya sakin at binigyan ako ng isang pilit na ngiti.
Pinilit ko rin ngumiti sa kanya saka niya kami nilagpasan. Tumingin ako kila Nathalie saka sila nginitian din. Nagpatuloy kami sa paglalakad at napalingon pa ko sa likod ko kung saan dumaan si Circe.
She doesn't know me yet kaya siya mabait. Alam kong imposibleng kapag nakilala niya ang babaeng tinutukoy ni Chase, ay magiging mabait pa siya sakin. That's impossible.
Kung sa sinabi niya pa lang kanina pursigido na siyang bawiin si Chase at hindi lingid sa isipan ko na dadating rin siya sa punto na mananakit siya just like Eris and Kendra. I'm not gonna let that happen.
Tinapik ako ni Nathalie kaya napatingin ako sa kanya. "Kilala ka niya. Sino siya?" tanong nito.
"She's Circe Farrier." ani ko at bumuntong hininga. "Chase's... hmm." dagdag ko pero hindi ko magawang ituloy.
"Chase's?" ani pa ni Nathalie habang nakakunot ang noo.
"Ex ni Chase." sagot ko dahilan para manlaki ang mata ni Nathalie sa akin.
BINABASA MO ANG
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 20
Magsimula sa umpisa
