Bumitaw ang guro ko sa akin at iginiya patayo ang babaeng nasa harap ko na ngayon. Isinabit niya ang strap ng gitara sa balikat niya at inilagay sa likod niya ang gitara. "Irina, makakasama mo siya minsan sa mga practices mo so gusto kong magkakilala kayo." aniya sakin.


Binaling ko ang tingin ko sa babae sa harap ko at inilahad niya ang kamay niya sa akin saka siya nagsalita. "Hi! I'm Change Farrier." aniya sakin habang nakangiti. Halata sa accent niya ang pagiging British. Baguhan ata sa paaralan na ito.


Tinanggap ko naman ang kamay niya saka ako nagpakilala. "I'm Irina Jace Buenaventura. Nice to meet you, Change." ani ko at nakipag-kamay.


Bumitaw rin siya agad at mahina akong pinalo sa braso habang natawa. Muntikan ko na siyang mataasan ng kilay pero nahinto ako nang magsalita ulit siya.


"Oh, hahaha! Please don't call me Change." aniya at tumigil sa kakatawa. Ngumiti na siya sa akin saka pinagpatuloy ang gustong sabihin. "Call me Circe instead." aniya.


Napa-awang ang bibig ko sa narinig pero agad ko itong isinara at pilit siyang nginitian. Bumaling siya sa teacher namin na busy ngayon na nagsusulat sa score sheet at nagbabago ng nota. "Ms. Leonida, I think I gotta go. I still have my classes." aniya sa guro namin.


Inangat ni Ms. Leonida ang tingin niya kay Circe at tumango na may ngiti. Umalis si Circe dala ang gitara niya na halos katulad na rin ng gitara ni Chase. Tinawag ako ni Ms. Leonida kaya't umupo ako sa kanina'y inupuan ni Circe at nagsimulang tumugtog at sinunod ang mgaa turo ni Ms. Leonida.


Matapos ang isa't kalahating oras ay natapos ako. Sinilip ko ang phone ko na may text ni Chase na may practice sila ni Zach ngayon sa practice hall. Tinago ko ang cellphone ko at dala-dala ang violin case ko ay dumiretso ako sa practice hall kung nasaan si Chase.


Pumanhik ako sa 3rd floor kung saan ang practice hall. Habang papalapit ako ng papalapit ay mas lalong lumilinaw ang naririnig kong sigawan sa loob. Isang babae at isang boses ni Chase. Lumapit ako sa gilid kung saan may glass window na nakaharang. Sumilip ako ng kaunti only to find Chase with Circe.


"Can't you just fvcking leave, Circe?!" sigaw ni Chase kay Circe.


"Why do you keep asking me to leave, Chase?" ani Circe sa british accent niya habang nahagulgol. "A-are you still mad at me?" dagdag pa ni Circe.


"I'm mad as hell because you fvcking returned!" sagot ni Chase.


"D-didn't I told you that I'll return for you?! I'm here, Chase! Bloody hell I still love you! I'm still in love with you." sigaw na rin ni Circe kasabay non ay ang paghagulgol pa ulit nito.


"I don't." mahinahong sagot ni Chase sa malamig na tono. "I don't love you. I'm not in love with you anymore. You left me for five fvcking years, Circe. Do you know what that means?" tanong nito pero hindi sinagot ni Circe.


"It means you left me hurting. You left me searching for hell!" panunumbat ni Chase kay Circe.

Nothing But StringsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang