gunita ep2

1 0 0
                                    


Mabilis namang pinatakbo ni xander ang kaniyang kotse kaya medyo mabilis din kaming nakarating.

"get out na kayo, i'll just park my car lang" sabi ni xander. Sinunod naman agad namin ang sinabi niya.

Pagkatapos niyang mag-park ay dali dali naman kaming pumasok sa loob dahil sobrang late na kami. Naabutan din namin si prof na nagsasalita sa harap ng mga students.

"so sino na magbubukas?" ani ko.

"ikaw nalang" sagot pabalik ni kino

"ayoko nga, ikaw nalang"

"pero kinakabahan ako eh" kabadong sagot ni kino

"ako na" sagot naman ni ryden na asa likuran lang namin

Binuksan ni ryden ang pinto dahil matapang naman daw siya, edi ikaw na

Nabaling ang attention nilang lahat saamin kaya mas kinabahan kami habang kalmadong kalmado lang sila ryden at xander

"sorry prof, something came up kaya medyo na late kami" paninimula ni ryden

"maupo na kayo, pero, kayo ang maglilinis ng buong classroom mamaya". Tumango nalang kaming apat sa sinabi ni prof. Mabait naman yan kahit papano

--------------

After an hour, na dismiss na yung class kaya naman we did as prof told us. Nilinis namin yung buong classroom. Si kino lang talaga walang ambag samin, pabigat lang naman yan

Natapos na din naman kami kaya dumiretso na kami sa cafeteria para mag lunch

"ay muntik ko na makalimutan" napatingin kami ni xander kay kino

"samahan nyoko mag mall mamaya" pagtuloy niya

"bakit?" pagtanong ko habang ngumunguya, gutom nako eh

"ano, uhm, bibili lang ng needs ko, pati..."

"hahanap na rin ng regalo para kay nics"

Nabitawan ni xander ang kutsara niya at napatingin kay kino ng masama. Napatingin din ako sakanya dahil nabanggit niya ang pangalan ni nics

"hindi mo pa ba balak na tigilan yon?" pagsisimula ni xander

"hindi naman sa ayaw ko siya pero, kino look, wala kang chance sakanya ok?"

"alam ko naman yon, pero he invited me to his birthday party eh, pano ko naman mahihindian yon diba?"

Ah right. Birthday na nga pala niya.

"shion, pupunta ka?" pagtanong sakin ni ryden kaya napunta sakin ang attention nila

"ah, hindi eh"

"baket? tara shion para may kasama naman ako diba"

"ano kase, masama pumunta kapag hindi ka invited" halatang nagulat sila sa sinabi ko

"IKAW?! HINDI INVITED?!" pasigaw na tanong ni kino. Kahit kailan talaga apaka ingay nito

"ayaw mo nun, magkakabonding time kaming tatlo tapos left out ka" napatawa nalang sila ryden at xander sa sinabi ko. Nakita ko din na inirapan ako ni kino kaya natawa nalang din ako

"sana sinabi nyo na nung una na hindi ako belong sa honeybunchsugarpaloma group"

"tanginang pangalan yan kino, ayusin mo nga!" at nagbangayan na nanaman sila xander at kino.

As usual, pero ang importante. Masaya kami.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 03, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

draftiiWhere stories live. Discover now