Chapter 3

42 3 0
                                        

Mara's POV

"Ate! Kakain na! Tayo na jan!" pagalog sakin ni Mari. Nagunat ako at tsaka umupo. Tinignan ko yung orasan 10pm na. Ngayon pa lang nakauwi sila Dad. Nakooo po. Di na ko makakatulog nito. -_-

"Ate, sumunod ka na lang sa baba ah." sabi ng kapatid ko. Nag nod na lang ako bilang sagot.

After ko magayos ng buhok ko, bumaba na ko at nasa dinning table sila. Pumunta ako dun at nagbless kina Mommy and Dad.

Umupo na ko sa tabi ni Mari at nilagyan yung plato ko ng chicken. :D Haha.

"So, Mara. What's your plan?" tanong ni Dad.

"Plan for what?" tanong ko naman sa kanya.

"For college." sabi nya.

"Ahh. Kukuha po ako ng Interior Designing." sabi ko.

"Ahh. Are you sure about that? Mag HRM ka na lang kaya." sabi nya.

"Dad, alam ko kung anong gusto ko. So please support me na lang?" sabi ko.

"Okay okay." sabi nya.

"Thank you Dad. :)" sabi ko.

Habang kumakain kami, naanigan ko si Mom na humawak bigla sa dibdib nya. Kaya bigla akong kinabahan at pumunta ako sa kanya.

"Are you okay Ma?" tanong ko sa kanya.
Tumingin si Mom sakin at ngumiti lang.
Parang sinasabi nya na "Okay lang ako"
Parang may tumutusok sa puso ko na sobrang sakit.

Kase ako, pag nakikita kong nasasaktan ang Mommy ko, mas nasasaktan ako. Alam naman ng ibang mga anak yun e. Kahit na gaano mo sagutin ang Nanay mo, kahit na sigawsigawan mo, kahit na kulitin mo iiyak at iiyak ka pa rin pag may nanakit sa Nanay mo. Diba? :)

Pagtapos namin kumain, nagpresinta na kami ni Mari na kami na maghuhugas kesa kay Mom.

Si Mari yung magsasabon at ako naman ang magbabanlaw. Habang pinapanuod ko si Mari na nagsasabon, may inopen syang topic.

"Ate, sa tingin mo ba may sakit na tinatago si Mommy?" tanong nya.

"Di ko rin alam e, natatakot nga ko e. Pero ang mabuti na magagawa natin e magdasal. Pray lang tayo. Lakasan natin loob natin. Wag nating ipahalata na nalulungkot tayo. Kase tayo ang kalakasan ni Mama." sabi ko sa kanys at biglang tumulo yung luha ko. Yumuko na lang ako patra di nya makita. Naghugas sya ng kamay at lumapit sakin.

"Ate. Tahan na." sabi nya habang tinatapik nya yung likod ko.

Tinignan ko sya at niyakap. Niyakap ko sya ng sobrang higpit. Yung tipong mararamdaman nya yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Ate. Ouch! Aaaah- di na ko makahinga!" bumitaw ako sa pagkakayap namin at tumawa.

"hahahaha! Sorry!" sabi ko.

"Haha. Maghugas ka na dyan." sabi nya.

Naghugas na ko at nilagay sa mga lagayan yung mga gamit.

Pagtapos ko maghugas, niyaya ko na si Mari na umakyat na kami.

Pagakyat namin sa kwarto namin, humiga agad ako at kinuha yung laptop ko, magfb muna ko at twitter at binuksan ko yung wattpad ko at nagbasa.

After a few hours, tinignan ko yung orasan at 3am na. Di pa ko iaantok. T.T bat ba kase ako natulog e. Huhu. :(

Niligpit ko na yung laptop ko at nahiga na ng maayos. Sinalpak ko yung headphones ko at nagpatugtog ng Crazy by 4minute.

Maya maya inaantok na ko. At hanggang sa. Nakatulog na ko.

Accidentally fell in love with my ENEMYUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum