𝗦𝗶𝗻 𝘃𝘀. 𝗦𝗼𝗻

10.6K 230 22
                                    

DAY #1

"Tao lang ako, sadyang nagkakamali

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

"Tao lang ako, sadyang nagkakamali." Marami sa'tin sanay na sa paggamit ng kasabihang yan. Kumbaga excuse na natin yan kapag may nagagawa tayong kamalian. Ang problema, hindi naman lahat ng akala nating pagkakamali ay pagkakamali lang talaga. Meron tayong tinatawag na sin or kasalanan which is mas matindi kesa sa simpleng kamalian lang. Kaso, ang iba sa 'tin, we define sin na parang mistake lang sa buhay. But the truth is, Sin is not just a mistake, it's actually a curse.

𝐑𝐨𝐦𝐚𝐧𝐬 𝟓:𝟏𝟐 (𝐍𝐋𝐓)
𝘞𝘩𝘦𝘯 𝘈𝘥𝘢𝘮 𝘴𝘪𝘯𝘯𝘦𝘥, 𝘴𝘪𝘯 𝘦𝘯𝘵𝘦𝘳𝘦𝘥 𝘵𝘩𝘦 𝘸𝘰𝘳𝘭𝘥. 𝘈𝘥𝘢𝘮'𝘴 𝘴𝘪𝘯 𝘣𝘳𝘰𝘶𝘨𝘩𝘵 𝘥𝘦𝘢𝘵𝘩, 𝘴𝘰 𝘥𝘦𝘢𝘵𝘩 𝘴𝘱𝘳𝘦𝘢𝘥 𝘵𝘰 𝘦𝘷𝘦𝘳𝘺𝘰𝘯𝘦, 𝘧𝘰𝘳 𝘦𝘷𝘦𝘳𝘺𝘰𝘯𝘦 𝘴𝘪𝘯𝘯𝘦𝘥.

Nagsimula yung Sin nung time na dinisobey nina Adam at Eve si God. At mula nun, namana natin yung sumpa na yun magpahanggang ngayon. Mistake is just a product of sin. The worst thing about Sin is it separates us from the Lord. Sin destroys our relationship with others and it kills us spiritually, emotionally and physically. It's a serious thing that needs a serious solution.

𝐑𝐨𝐦𝐚𝐧𝐬 𝟔:𝟐𝟑 (𝐍𝐋𝐓)
𝘍𝘰𝘳 𝘵𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘨𝘦𝘴 𝘰𝘧 𝘴𝘪𝘯 𝘪𝘴 𝘥𝘦𝘢𝘵𝘩, 𝘣𝘶𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘳𝘦𝘦 𝘨𝘪𝘧𝘵 𝘰𝘧 𝘎𝘰𝘥 𝘪𝘴 𝘦𝘵𝘦𝘳𝘯𝘢𝘭 𝘭𝘪𝘧𝘦 𝘵𝘩𝘳𝘰𝘶𝘨𝘩 𝘊𝘩𝘳𝘪𝘴𝘵 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘰𝘶𝘳 𝘓𝘰𝘳𝘥.

But here's the good news, buti na lang dumating yung Son sa buhay natin. The Son of God came to save us and redeemed us from our sins. At sino yung Son na yun? Walang iba kundi si Jesus Christ. At ngayon, ito yung sinasabi Niya sa atin "Hindi ka lang tao, anak kita, kailangan mo lang maniwala."

𝘼𝙣𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙜𝙞𝙣𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖 𝙣𝙜 𝙎𝙄𝙉 𝙨𝙖 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣?

1. 𝗦𝗶𝗻 𝗯𝗹𝗶𝗻𝗱𝘀 𝘂𝘀

Unang ginagawa ng sin is binubulag tayo nito sa katotohanan. Nawawala yung kakayahan nating makita yung mga greatness na ginagawa ng Lord sa buhay natin. Natutuon yung atensyon natin sa worldly things kaya imbes na maging malinaw sa atin yung purpose natin sa buhay, nagiging malabo ito. Nawawalan tayo ng vision o kakayahang mangarap dahil sa kasalanan.

2. 𝗦𝗶𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮𝗹𝘆𝘇𝗲𝘀 𝘂𝘀

Paralyze means hindi makalakad or hindi makagalaw. Because of sin, naging limitado yung kakayahan natin para gawin yung mga magagandang bagay. Everyone of us, we want to do something great pero napipigilan tayong gawin yun dahil sa guilt na dulot ng kasalanan. Kumbaga ang nagiging mindset natin is, "para saan pa yung paggawa ko ng tama kung madalas naman akong nakakagawa ng masama." At dahil don, nasasanay tayong 'wag na lang gawin yung dapat talaga nating gawin.

3. 𝗦𝗶𝗻 𝗶𝗺𝗽𝘂𝗿𝗲𝘀 𝘂𝘀

Nadudungisan at nasisira yung original design ng Lord sa atin. Nagkakaroon tayo ng impurities na nagdudulot ng insecurity, shame at fear sa ating buhay. Sa halip na mamuhay tayo sa liwanag, nasanay tayo na magtago sa dilim dahil ayaw nating ma-expose yung mga mali natin. Nagpapanggap tayong okay lang sa labas, pero sa loob natin, unti-unti na tayong nawawasak.

𝘼𝙣𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙜𝙞𝙣𝙖𝙬𝙖 𝙣𝙜 𝙎𝙊𝙉 𝙨𝙖 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣?

1. 𝗧𝗵𝗲 𝗦𝗼𝗻 𝗼𝗽𝗲𝗻 𝗼𝘂𝗿 𝗲𝘆𝗲𝘀

Dumating ang Panginoon para muling ipakita sa atin na meron pang pag-asa, na hindi pa huli ang lahat para makabangon tayo sa pagkadapa. Through Jesus, nagkaroon tayo ng karapatan para masilayan ulit natin ganda ng buhay sa kabila ng mga pagsubok. God gives us vision para muli tayong mangarap at makita natin yung very purpose natin sa mundo.

2. 𝗧𝗵𝗲 𝗦𝗼𝗻 𝘁𝗮𝘂𝗴𝗵𝘁 𝘂𝘀 𝗵𝗼𝘄 𝘁𝗼 𝘄𝗮𝗹𝗸 𝗼𝗻 𝘄𝗮𝘁𝗲𝗿

We knew that Jesus is a limitless God, that means, He can brings out more of our potentials. Marami ka pang magagawa na matitindi at magaganda kung makikilala mo lang Siya ng lubusan. Kahit yung sa tingin mo is imposible na, kaya Niyang gawing posible kung maniniwala ka.

3. 𝗧𝗵𝗲 𝗦𝗼𝗻 𝘄𝗮𝘀𝗵𝗲𝘀 𝘂𝘀 𝗰𝗹𝗲𝗮𝗻

Sa pag-agos ng dugo ng Panginoon sa Krus ng Kalbaryo, doon na-restore yung purity natin, muling nabigyan ng kaayusan yung mga brokenness natin sa buhay, at napatawad tayo sa ating mga kasalanan. Jesus gives us new strength that built self confidence na nagbigay ulit sa atin ng kakayahan para humarap sa mga tao nang walang tinatagong bahid ng karumihan. Nasa sa atin na lang kung ito'y lubusan nating paniniwalaan.

We know that life is a matter of choice. So ang tanong ngayon, kanino ka sasama? Sa Sin or sa Son? Hindi pwedeng both, dahil iiwan mo ang isa at mamahalin mo ang pangalawa.

Ito lang ang masasabi ko, dapat dumating ka na sa punto na kaya mo nang sabihin ang mga katagang "AYOKO NG MABUHAY PA SA KASALANAN!" At maisigaw mo ang mga salitang, "GUSTO KO NG MAMUHAY SA MAGANDANG PLANO NG PANGINOON!"

21 DAYS DEVOTIONAL LIFEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora