"This is it, Xavina," sabi niya sa sarili niya. Paglabas niya ng kwarto, hinanap niya sa kasambahay nila ang kanyang mommy at daddy.

"Nasa garden po ang mommy at daddy niyo."

Binigyan niya ng ngiti ang kasambahay. "Salamat po Manang Imee."

Pagpunta niya ng garden, namataan niyang nag-uusap ang mga magulang niya. Binulungan ng daddy niya ang mommy niya at bigla itong tumawa. Napingiti siya nang maalala niya kung paano inilarawan ng daddy niya ang tawa ng mommy niya. Lumapit siya at umupo sa bakanteng upuan.

"How I love your mother's hyena laugh," natatawang bungad ng daddy niya. How she envied the relationship of her parents.

"I do not laugh like a hyena!" angal ng mommy niya sa pang-aasar ng daddy niya. They were married for thirty-two years—same years as the age of her brother. Kung titignan sila, para pa rin silang bagong kasal.

"Where are you going mija?" tanong sa kanya ng daddy niya. "She is indeed a copy of you, miel."

"That is one of our new designs. I am glad it looks beautuful on you," komento ng mommy niya sa suot niyang dress.

"Thanks, mommy. I am going out—having brunch with Liam today."

Nakita niyang nagsalubong ang kilay ng daddy niya. "Why are you going to meet him? Wala ba siyang mga paa para suinduin ka?" sarkastikong tanong ni Xander sa anak. Alam niyang hindi nito gusto si Liam bilang boyfriend niya.

"Irog," marahang sabi ng mommy niya sa daddy niya. "Ngayon lang sila magkikita ulit." Bumaling sa kanya ang mommy niya. "He is going to come here as well, right, mija?"

"Yes, mommy. I will just meet him today. It has been years since we saw each other."

Nilapitan niya ang ama at niyakap ito mula sa likod nito. "Daddy, you will always be my greatest love," sabi niya sa ama sabay halik sa pisingi nito.

"Not until you get married. He should not hurt you, or he will be in pieces."

"Daddy," sabi niya habang nakayakap sa daddy niya. "Don't worry."

"Mija, hayaan mo lang ang daddy mo. Gusto mo bang ipahatid kita sa driver?"

"Ma, ako na lang ang magdadrive. Pupunta rin ako sa office, wala pang nakukuhang assistant si kuya eh."

"Mas mabuting ipagdrive ka na lang ni Gil. You can't drive wearing those heels."

"Dad," hinawakan niya ang kamay ng ama niya. "I will be fine. Besides I have my drving shoes in the car. Mana kaya ako sa'y—always ready."

"That is my girl."

"Bueno, mag-ingat ka, mija," sabi ng mommy niya habang naka-abang ang mga bisig nito sa sa pagyakap sa kanya bago siya umalis. Sa kanilang pamilya, nakamulatan ang pag-aakap at paghalik sa pisngi bago umalis ng bahay. Ito ang mga katangiang nais dalhin ni Xavin kung siya man ay magkakaroon ng pamilya.

...

Habang nasa kotse, nakatanggap siya ng tawag. Itinabi niya muna ang sasakyan bago niya ito sinagot.

"Yes?"

"Delgado, are you driving?"

"Yes." Naparolyo ang mga mata niya nang margining ang tinig mula sa kabilang linya.

"How—did you pull over first?"

"Of course. Hindi naman ako sasagot sa tawag mo kung nagdadrive pa ako." Bumuntong hininga siya at tinignan ang oras. Mayroon pa siyang isang oras.

"Okay, okay. Are you on your way here?"

"Later. I have a brunch with Liam today."

Narinig niyang tumawa ng bahagya ang abogado sa kabilang linya. "Oh. So the so-called boyfriend is here. Hindi mo sinunod ang payo ko? You didn't ditch the guy?"

"You know, don't be all up in my cool-aid!" bulalas niya. "I am in a hurry, talk to you later."

"Where are you having your brunch?"

"Somewhere near the office. I am going to hang up now."

"Delgado—" Pinutol niya ang linya. Ang aga-aga, pang-asar ang lalaking yun, bulong niya sa sarili.

Imbes na hintayin si Liam sa restaurant ng hotel gaya ng napag-usapan nila,napagpasyahan niyang sorpresahin ito sa tinutuluyan nitong kwarto. Salamat na lamang sa mabait na front desk clerk na nagbigay sa kanya ng impormasyon. Huminga muna ng malalim si Xavina bago niya pindutin ang doorbell. Isang nakatapis na babae ang nagbukas sa kanya ng pintuan. Mataas ito at blonde ang buhok.

"Hi. Are you the one from the concierge?" Tumaas ang kilay ni Xavina sa kausap."Excuse me?"

"Because I called and I said we need some towels here."

Umiling si Xavina at ngumiti sa kausap. "I-I am sorry, I think I got the wrong room—"

"Honey, did they bring the towels?" Natigilan si Xavina. Kilala niya ang boses na yun. Liam. Pinilit niyang silipin ang kung kanino nanggaling ang boses na yun.

"Miss? What are you doing?" Hinawi niya ang babaing nasa harapan niya at pumasok sa kwarto. There she saw Liam in the flesh—half naked.

"Hey, miss, you aren't allowed to be here!" sabi ng babaing nagbukas ng pintuan.

Kitang-kita ang pagkasurpresa ni Liam sa presensya niya. "X-Xavina, you surprised me." Natigilan si Xavina. Umurong ang mga salita nais niyang sabihin.

"You know her, Liam?" tanong ng babaing nasa loob ng kwarto niya.

"Yes. She is my—"

"Finance," sabat ni Xavina. "I am his fiancé."

"Lexie, it isn't true," sagot ni Liam. Hindi makapaniwala si Xavina na sinasabi ni Liam sa harapan niya. She is in a state of shock, she can't believe what she is hearing.

"Liam, what are you saying? So it is true then? Who is she Liam!"

"Darling, I am his wife," buong ningning na sagot sa kanya ng babae.

"W-Wha—" Umurong ang mga salita ni Xavina sabay sa pagtulo ng mga luha niya.

"That is why I am meeting you today. I told you to wait for me at the restaurant—"

"You are meeting her at the restaurant!" Nagdiskusyon ang mag-asawa habang napapagitnaan nila si Xavina. Tahimik na lumihis si Xavina papalabas ng kwarto. Muling nagbalik ang mga sinabi ni Iñaki sa kanya. She should have ditched the guy. Seven years. Seven stupid years had just gone to waste. She felt her phone vibrated.

"Hello?"

"Where are you, Delgado?"

"Please, huwag naman sana ngayon," sagot niya habang lumuluha.

"What happened?" She can hear that he is worried.

"Oo alam ko na ang sasabihin mo. Ang tanga tanga ko. Alam ko na ang totoo, pero nagpakabulag lang ako. This is stupidity of the highest order!" hiyaw ni Xavina habang papasok ng elevator.

"Xavina, tell me your exact location. I will be there."

It Had To be You (editing)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن