Prologue

2.9K 93 20
                                    

Tatianna Blice Solais

It's kinda cliche how it started. A naive girl who's chasing a royal Decatoria.
My admiration for him since then made me not realize that I was slowly falling. And that's how I fell in love with the royal Thaddeo Serge Decatoria.

-

"Tati!" A voice from my side approached me. I turn my head up as I see Catalione standing over me.

"Bakit ang tamlay mo? Come on fix yourself, you need your energy." she said.

My mood suddenly lightened up. I immediately fix my things when I heard what she said. She really knows me.

"Salamat." masaya kong pagpapasalamat sakanya habang siya ay tumango tango na lamang.

Pagkatapos kong magligpit ay dumiretso na kami palabas ng classroom. We're on our way to the Garden kung saan madalas ang tambayan ng magkakapatid.

"Caty, sigurado ka ba? Baka magalit na naman si Thaddeo sa akin." saad ko na ikinailing nito.

"Hindi yan ako ang bahala sayo and besides, Yuen is there, so there's nothing to worry about. Baka sa akin pa malagot iyang si Thaddeo." irap nitong saad.

I'm trying to calm my self as I see the entrance of the garden. Hindi ko alam kung bakit ba ako kinakabahan, natatakot siguro akong maulit ang mangyari.

I heard a loud laugh when we finally step inside the garden. Isinantabi ko ang aking kahihiyan at hinayaang mangyari ang mangyayari. I just flashed a smile and think positive.

"Sila Tati!" Thaddius yelled. I simply smile at them when we reach the bench and sat.

"Thaddius boy!" Saad pa ni Catalione at nakipag highfive kay Taddius na nasa tabi ko lang.

"Devi Catalione." sambit ni Yuen na nasa harapan namin ng paupo na sana si Catalione sa tabi ni Thaddius.

Malakas akong napatawa nang napakamot si Catalione sa kanyang ulo at mabilis na lumapit at umupo sa tabi ni Yuen.

"Selosong Thaddeus, tsk tsk tsk!" the other Decatoria Boys came and occupied the two empty benches near of us. Nakita ko pa ang pagtingin sa akin ni Gunner, isa sa mga pinsan nila pero agad niya namang iniwas. Kahit naguguluhan ay nagkibit balikat na lamang ako. Araw-araw naman kasi siyang nakatingin sa akin.

Lahat na siguro ng mga Decatoria ay halos maitsura. No wonder why girls are simp for them. Kahanga hanga naman kasi talaga ang kagwapohan nila kaya sila pinag aagawan ng mga babae. They are the Face of the Royals.

Inangat ko ang paningin ko patungo kay Thaddeo na ngayon ay tahimik na simula nang dumating kami. Maingat kong kinuha ang bag ko mula sa aking kanan at inilabas ang ginawa kong Cookies kagabi.

"Ang sarap naman ata niyan, Tati!" pakikiusyoso ni Thaddius mula sa kaliwa ko.

"Gusto mo?" tanong ko. Tumango tango naman ito habang nakapostora ang nakakalokong ngiti sa aking mga labi.

"Maghanap ka rin ng isang Tatianna." saad ko at tumawa. He only glared at me but I didn't give attention.

Tumayo ako at bahagyang lumapit kay Thaddeo na ngayon ay katabi ng pinsan niyang si Logan. Ramdam ko ang paningin nila sa akin nang makalapit ako kay Thaddeo.

"Thaddeo, cookies from my heart." Nakangiti kong saad sakanya.

Halos kaltukan ko ang sarili ko sa kahihiyang ginawa ko. Rinig ko pa ang impit na pagtawa ni Catalione sa likuran namin habang mahina namang tumawa si Logan sa gilid ni Thaddeo.

He stands up and get the file of cookies on my hand. Halos mangiyak pako sa saya ng kinuha niya ito mula sa akin, ilang beses na ba akong nag effort sakanya pero hindi niya pinapansin.

Minsan nga ay binibigyan ko pa siya ng Cake na ginawa at pinaghirapan ko pero hindi niya ito tinatanggap, sa halip ay umaalis na lamang ito bigla. Minsan naman ay tinatapon niya lang ito sa kalapit na basurahan.

All of our eyes are looking at him, hinihintay kung ano ang susunod niyang gagawin.Nagtataka ko siyang tinignan ng maglakad ito papatungo sa Disposable Bin.

Itatapon ba niya?

Napasinghap ako nang itapon niya ito duon 'tsaka siya humarap sa akin at ngumisi. Naramdaman ko ang panunubig ng mga mata ko, hindi dahil sa kahihiyan kundi dahil sa dulot nitong sakit. All of my efforts vanished immediately without wasting time.

"Kuya." rinig kong tawag ni Thaddius.

"Bitawan mo ako Thaddeus Yuen, he need a slap!" rinig kong sigaw ni Catalione mula sa likuran ko, alam kong nagpupumiglas na siya ngayon kay Yuen at gustong gusto ng manapak.

Lumapit sa akin si Thaddeo habang nakapamulsa na ngayon." Stop pestering my life because honestly-" he cut his words and come closer into my ears.

"I will never ever like you, never." bulong nito atsaka lumayo na sa pagkalapit sa akin habang binibigyan ako ng malalamig na tingin pero nangingibabaw ang tingin niyang hindi ko mawari.

In just a snap, I found Catalione slapping Thaddeo hard straight on his face. Bahagya pang lumapit si Yuen kay Catalione at pinipigilan ito.

"Porket isa kang Decatoria gaganyanin mo na si Tatianna? Hell no. Tatianna is my precious and no one, even you, all of you can hurt my bestfriend. Naiintindihan mo ba ako, huh Thaddeo?!" galit na sigaw ni Catalione. Mas lalo pang nagbabadyang bumuhos ang mga luha ko ng marinig ang tinuran niya.

Walang sumubok na magsalita o pumagitna man lang, tanging si Yuen lang na hawak hawak parin si Catalione at pinapakalma ito.

"Hintayin mo, Thaddeo. Hintayin mong mapagod si Tatianna sayo at kapag tinigilan ka na niya, hinding hindi mo na siya makikita. Tara Tati!" banta pa ni Catalione. Pumiglas siya sa pagkakahawak ni Yuen atsaka ako hinila paalis duon.

"Caty." naiiyak kong tawag sakanya.

"Don't cry Tati, he's not worth it for your tears.I know a place." saad pa nito sa akin.

The next thing I knew, we're already at the Bar. 'Night Bar' basa ko pa dito.

"We're 21." rinig kong saad ni Catalione habang hawak hawak parin ang isa kong kamay tsaka kami pinapasok ng Guard sa loob.

Pagpasok palang namin ay usok at alak agad ang naamoy namin. Tinignan ko ang mga dagsang tao and some of them are students of Eligate U. kung saan kami nag aaral. May namumukhaan pa nga akong mga schoolmates namin.

Catalione is heading at the counter. Pagkarating namin duon ay agad niya akong pinaupo sa isang silya. "Hard drinks kuya." Tawag pa nito sa bartender.

"Drink and enjoy this night, Tati." sabi nito pagkatapos ibigay ang inumin saakin.

This is not my first time pero noong makatungga ako ay hindi parin ako nasasanay sa lasa ng alak pero agad din naman akong nakabawi at nasanay. Catalione is not on my side anymore, maybe she's enjoying her night here.

Kahit madami na ang nainom ko ay tumayo parin ako na nadadarag, sinubukan kong hanapin si Catalione sa kabila ng pagkalasing ko. Ngunit, bigla bigla nalang ang pagtilapon ko sa sahig ng may makabangga sa akin.

Dala ng kalasingan ay tumayo parin ako at lalampasan na sana ang lalaking nakabangga sa akin. Pero agad rin akong napatigil ng may isang braso ang pumigil sa akin at hinila ako.

"Tatianna, what are you doing here?"

As I look at him, I saw a pissed Thaddeo looking at me. But it's impossible, hindi nga niya masikmurang makatabi ako, kausapin pa kaya? Am I imagining things again?

"It's getting hot." I said as I remove the one button of my blouse. "Fuck." I heard him curse.

"Come over!" sigaw nito at tsaka ako hinila palabas. Dala ng kalasingan ay hindi na ako umangal at sumunod na lamang sa kanya.

"I want to kiss you." mahina kong saad nang makalabas na kami ng Bar. "What the hell."

Pinapasok niya ako sa loob ng kotse and the next thing I knew I'm kissing him and the rest is history.

-

Hiding BlessedKde žijí příběhy. Začni objevovat