Prologo

5 0 0
                                    

"Ang tagal kong hinintay ang araw na ito, ang araw kung saan may isang tao ang makaka-alala sa akin. Sa loob ng limang siglo, nag luksa ako dahil sa bawat limang dekada ng limang siglo, parati ko na lamang nakakalimutan ang nakaraan kong ala-ala. Ngunit palagi na lang akong nagtataka dahil sa tuwing may Ginoong dumarating sa bawat limang siglo, parang ang tagal ko na siyang kilala. Iyon pala ay ikaw 'yon, ikaw na na nakatago sa aking ala-ala na papawi ng lahat lahat"

"Guro, ano po ang ibig sabihin ng Pag-ibig? May narinig po kasi ako kahapon, nag-uusap po sila tungkol sa pag-ibig" nagtatakang tanong ng isang bata sa kaniyang guro habang siya'y nagpipinta

"Alam mo Aurelia, may mga bagay na hindi na dapat inaalam lalo na kapag ito'y sobrang mapanganib at maaaring sirain ang buhay mo" tugon ng guro sabay tingin sa pinipinta ng bata

"Sobrang mapanganib po pala ang umibig, sa tingin ko po ay ayoko nang umubig katulad nina Laura" tugon ng bata na siyag ikina-kunot ng kaniyang guro

"Aurelia, kapag ika'y nasa tamang edad na, maaari ka nang umibig dahil kaya mo na itong panindigan at ipaglaban. Ngunit sa edad mong iyan, hindi ka pa maaaring umibig dahil magiging mapanganib ito para sa iyo" paliwanag ng guro

"Hays... Ayoko na pong tumanda dahil ayokong umibig" dismayadong wika ng bata sabay tingin sa kaniyang guro

"Pang walong beses mo nang sinabi 'yan ngunit hindi naman nagkakatotoo..." bulong ng guro ngunit narinig pa rin ito ng bata

"Po? ngunit ngayon ko lang po nalaman ang tungkol dito at ngayon ko lamang po ito binanggit sa aking mga kakilala" nagtatakang saad ng bata

"Balewalain mo na lamang ang aking sinabi, may na-alala lamang ako" wika ng guro.

Dahil dito ay nabalot ng katahimikan ang dalawa kaya pinagpatuloy na lang ng bata ang kaniyang pagpipinta. Ngunit ilang sandali lang ang nakalipas ay biglang may mapangahas na umakyat sa bintana ng silid

"Ahhh! Guro, sino ang mapangahas sa iyan?!" Sigaw ng bata at dahil sa pagkakataranta niya ay na nalagyan niya ng mantsa ang kaniyang vestida

"Guro, may mga Hapon po na sumalakay sa kabilang bario, si Tomas po ay nasugatan!" nagmamadaling sabi ng binata.

Ilang sandali ay hindi pa nakakasagot ang guro kaya napatingin siya sa batang kasama nito. At pagkatapos non, ang galit sa kaniyang mata ay napitan ng lungkot

"Susunod na ako, hindi ka rapat nandito, huwag mo siyang titigan!" galit na sigaw ng guro sa binata

"Guro, bakit hindi niya po ako maaaring tignan?" takang tanong ng dalagawa sabay tingin sa guro nito "at sino po siya?" dagdag pa nito

"Huwag ka nang maraming tanong. Marco, umalis ka na, itakas mo na sina Risa" utos ng guro

"Guro, sa palagay ko po'y nakita ko na ang binatang iyan" saad ng bata sabay tingin sa binata

"Ako rin... T-te recuerdo, Aurelia, ikaw na—" hindi na natapos ng binata ang sasabihin niya nang putulin ito ng Guro

"Tigilan niyo na ang kahibangan niyo, huwag na kayong gumaya sa iba na mabilis magpadala sa damdamin at muling inuulit ang nakaraang pagkakamali" galit na sigaw ng Guro

AUTUMN - BEN&BEN
Sobrang relate sina Marco at Aurelia sa kantang ito, lalo na sa line na "Why can't we be together baby? Why does it take so long" kasi ilang centuries na silang naghihintay na sumang-ayon ang tadhana sa pagmamahalan nila pero wala pa rin kasi nga cursed si Aurelia :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Te Recuerdo (Chasing The Time #3)Where stories live. Discover now