12- Sentry Training

Magsimula sa umpisa
                                    

Nang maubos na ni Kam ang kanyang kape ay nagsimula na siyang mag-aral. Oo, dinala n'ya lahat ng kanyang textbooks at notebooks.

She enjoyed the silence. In fact, she thought Cole's presence was calming and reassuring. She felt safe and she didn't feel alone. It was a big change for her.

And she appreciated it. She liked that Cole was there with her.

"Caedis. Hey, Caedis."

"Hmm?" sagot ng dalaga. Teka, bakit ang bigat ng pakiramdam n'ya? At ano 'yang kumikiliti sa ilong n'ya?

"Gising na, Caedis."

Gising?

Gulat na napabalikwas si Kam nang maintindihan ang nangyayari. She fell asleep! As in bagsak ang mukha niya sa kanyang libro na nasa ibabaw ng maliit na mesa.

"What the hell?" aniya nang makita ang paatras na si Cole at may hawak pa itong nirolyo na toilet paper.

Walang hiya talaga ang lalaking ito. 'Yun yata ang ginamit nito para kilitiin ang ilong n'ya. How she wished she sneezed on his face. Tsk!

"Haay, salamat! Nagising din ang mantika," palatak nito kaya nakatanggap tuloy ito ng masamang tingin.

"How long have I been asleep?"

"Two hours," balewalang sagot nito. Hindi na niya makita ang erotic novel nito. Nakasuot pa nga ito ng garb.

"Hindi mo ako agad ginising," pagmamaktol niya.

"Ang sarap mo kasing tingnan matulog. Maganda ka..."

Namula ang dalaga. Maganda raw s'ya oh. Nagandahan si Cole sa kanya kahit natutulog s'ya.

"... kahit tulo-laway ka," dagdag nito.

Inis na binato ito ng dalaga ng makapal na textbook na nasalo naman nito nang walang kahirap-hirap saka niya pinahid ang gilid ng kanyang bibig.

Tsk. Meron nga pero konti lang naman.

Tumawa si Cole. Libang na libang. He tossed her book back at her at nasalo n'ya 'yun.

"Bakit mo ba ako ginising?" paasik na tanong niya. Iniligpit na niya ang kanyang mga gamit sa kanyang backpack.

"Well, hindi ko nasabi sa'yo na isa sa mga kondisyon ng Director sa paglabas mo ay ang continuous combat practice natin kaya magpalit ka na ng damit. We will train."

Napatingin si Kam sa kanilang maliit na cabin. Mahal ang ibinayad niya doon pero hindi 'yun malaki.

"What? Where?"

"When? How? Why?" walang kwenta na dagdag ni Cole habang may kinukuha sa luggage nito. Dalawang metal rods na parehong two and a half feet ang haba.

"Seryoso ako, Bloodworth."

Itinuro nito ang mukha. "Do I look like I'm joking? Seryoso rin ako."

"Saan nga tayo magti-training?" singhal niya rito at ngumisi naman ito.

Sa ibabaw ng tren sila nagpunta. Sa totoo lang, parang liliparin si Kam ng hangin dahil sa bilis ng takbo niyun. She planted her feet firmly on the roof of the train but she still felt uneasy.

"A-Are you... sure this is a good idea?" she tried to balance herself in the middle of the roof. It wasn't narrow but she was still uncomfortable. Paano kung liparin nga s'ya ng hangin?

She would really kill Cole Bloodworth. For real.

At ang mokong, kampante lang itong nakatayo na para bang hindi man lang nito ramdam ang hangin.

Blood MenaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon