Ako si Mia Alverez 22 years old. May katamtamang tangkad, maputi ang balat at may mahabang buhok.
Nandito ako ngayon sa sementeryo dinalaw ko muna si mama bago ako umalis papuntang Maynila. Ako na kasi ang papalit sa kanya bilang kasambahay sa pamilya ng mga Oxford. Naging kasambahay nila si mama sa mahabang panahon, umuwi lang si mama nang magkasakit siya hanggang sa binawian na siya ng buhay.
Nag-iisang anak lang ako ni mama, si papa naman hindi ko na nakita o nakilala manlang simula nang pinanganak ako ni mama.
Kaya mula noon si mama na ang nagpalaki at nag-alaga sa'kin. Hanggang sa dumating yung time na pumasok na ako sa high school at hindi na sapat yung kinikita ni mama sa pagtitinda sa palengke para tustusan ang pag-aaral ko. Kaya nag-desisyon si mama na lumuwas ng Maynila para magtrabaho. Naging kasambahay siya ng mga Oxford sa Manila. Habang ako naman naiwan sa tita ko rito sa probinsiya.
After mamatay ni mama ay tinawagan ako ng amo niyang babae. Si maam Elizabeth, sabi niya sa akin gusto niya raw ako paaralin sa Maynila bilang tulong na rin sa mama ko na matagal ring nanilbihan sa kanila.
Noong una hindi ako pumayag, hindi ko naman kasi sila kilala. Sa ilang taon na naging kasambahay nila si mama never ko naman silang nakita or nakilala. Everytime kasi na bumabalik si mama galing bakasyon niya rito, gusto na sana niya akong isama kaso ako lang yung humihindi. Hindi kasi ako sanay tumira sa ibang bahay na hindi ko kilala ang mga nakatira.
Pero bigla rin pumasok sa isip ko na nag-aaral pa pala ako. Wala na si mama para tulungan ako sa pag-aaral ko lalo na medyo mahal ang tuition sa pinapasukan kong University dito sa lugar namin. Wala rin naman silang kakayahan ng tita ko na sagutin ang pag-aaral ko.
Kaya hindi rin nagtagal pumayag na rin ako sa gusto ni maam Elizabeth. Pero sinabi ko na magta-trabaho nalang rin ako para kahit papano masuklian ko yung tulong na gagawin nila sa'kin at pumayag naman siya, at bibigyan niya parin daw ako ng sahod kahit na siya na ang magpapa-aral sa'kin. At tsaka sabi naman ni mama sa'kin na mabait naman daw sila. Meron silang anak na lalaki na halos ka-edad ko lang rin daw.
After kong dalawin si mama ay agad na akong umuwi para mag-impake ng mga gamit ko. Bukas na kasi yung flight ko papuntang Maynila. Binook na rin ako ni maam ng ticket.
Kinagabihan ay agad kong pinuntahan si Tita sa kanyang kwarto para makapag-paalam at makapagpasalamat na rin para sa lahat ng ginawa niyang pag-aalaga sa'kin.
"Oh Mia, andiyan ka pala. Halika pasok ka." Agad naman akong pumasok sa kwarto at agad na niyakap si tita.
"Oh bakit? Okay ka lang ba, may masakit ba sayo?"
"Wala naman po tita. Gusto lang po kitang yakapin kasi mamimiss po kita ng sobra."
"Uhmm ako rin Mia, mami-miss rin kita. Basta ipangako mo sa'kin ha, na mag-iingat ka roon. At lagi mong aalagaan ang sarili mo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa'yo."
"Huwag po kayong mag-alala Tita, hindi ko po pababayaan ang sarili ko. Kayo rin po 'wag niyo rin po pababayaan ang sarili niyo."
"Oo pangako. Basta mag-iingat ka roon ha."
"Opo ta, salamat po sa lahat-lahat. Mahal na mahal ko po kayo."
"Mahal na mahal din kita Mia."
After kong makapag-paalam kay Tita ay lumabas na ako ng kwarto at dumiretso na ako sa kwarto ko para magpahinga. Maaga pa kasi akong gigising bukas kasi maaga pa ang flight ko. Habang nakahiga at nakatingin sa bubong ng kwarto ko ay bigla kong naisip kung ano kaya ang mangyayari sa'kin, sa buhay ko pagdating ko sa Maynila? Ano kayang pagbabago ang mangyayari sa'kin sa bahay ng mga Oxford? Mababait kaya talaga sila katulad ng sinasabi sa'kin ni mama?.
أنت تقرأ
𝑯𝒂𝒕𝒆 𝑻𝒐 𝑳𝒐𝒗𝒆
عاطفيةSi Mia ay isang babaeng probinsyana na may mataas na pangarap para sa kanilang dalawang mag-ina. Siya ay lumuwas ng Maynila upang mag-trabaho sa pamilyang Oxford na siya ring pinagsilbihan ng kanyang namayapang ina at para na rin magpatuloy sa kany...
