Perfect 19: Confused dahil sa selos?

Start from the beginning
                                    

"What?" tanong namin sabay ni Ericka.

"Change." Sagot nito. "Choose the one who'll change for you. A man who truly loves you, can change himself to be a better man for you.

"Ah," sabi nanaman ni Ericka. "Either the good become bad, or the bad become good. Like me, I'm the combination of good and bad. But as of today, I'm sure, I'm the bad one and I'll never change for love."

"Because you never love someone before." I stated.

"Okay, you want some Ericka real talk advice? Go on, sagutin mo silang dalawa. Paghiwalayin mo ng lugar para hindi ka mahuli. There, Ash. You can have both your betweens."

Napatalon naman ako ng may narinig ako ng katok mula sa pinto. Agad kong in-off 'yung phone ko at mas lalong sumiksik sa loob ng kumot.

"Kain na." boses ni Hunter.

Hindi ako sumagot, pero alam ko lumalapit si'ya sa'kin. Naiinis padin ako sa kanya! Pagkatapos ng ginawa niya sa'kin nung araw na hinalikan niya ako? Si'ya pa may ganang mang cold treatment sa'kin?

Pumikit ako at nagflashback nanaman sa utako ko 'yung scenario namin dalawa.


"If you want to kiss her hard, just kiss her hard. No rules." Sabi ni Hunter sa'kin at tulalang nakatingin sa mukha ko.

Ako? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Unti-unti na ata nawawal sa wisyo ang pag-iisip ko.

"Nagcocontradict kayong dalawa ni Garreth.."

Ewan ko kung bakit ayan ang unang lumabas sa bibig ko. Napaatras naman si Hunter sa sinabi ko at kinuha ang kamay ko sabay bigay nung susi.

"Para saan 'to?"nakita ko si'ya naglalakad na palayo sa'kin. "Saan ka pupunta?"

"Maglalakad pauwi." Hindi padin ako nililingon nito.

"Seryoso ka ba?!" sigaw ko dahil malayo na si'ya.

Sumakay agad ako ng sasakyan at pinaandar ito. Nang maabutan ko si Hunter dinahan-dahan ko 'yung pagmamaneho.

"Sakay, Hunter, ano ka ba!"

"Ashley, bigyan mo 'ko ng oras para mag-isip." Wala padin pakialam ito sa'kin.

"Mag-isip? Pagkatapos mo ko halikan? Tapos ngayon ganito? You idiot! Sakay o pareho tayo maglalakad?!"

Napahinto si Hunter at tumingin sa'kin. Sumakay naman si'ya kahit feeling ko labag talaga sa kalooban ni Hunter 'yon. Why so moody? Agad agad?

"Nagiging magulo ka na, Hunter." Sabi ko.

"Mas magulo ka, babae. Simula ng pumunta tayo dito, naging magulo ka na."

"Ako pa? Eh ikaw nga 'yung nagbago!"

"Hindi ako 'yung nagbago. Basta ako ginagawa ko lang 'yung responsibilidad ko sa'yo."

Narindi ako sa sinabi niya. Pinabilis ko tuloy 'yung takbo ng sasakyan. Hindi naman ito umiimik sa byahe hanggang sa familiar na sa'kin 'yung daan.

Napapreno ako. "Responsibilidad mo din ba na ligawan ako?!"

"It's my choice." Sagot ni Hunter. "At responsibilidad ko din ng mapasagot ka ng oo, at ako ang piliin mo. Pero pakiramdam ko nahahati ka na sa dalawa. Kahit alam ko nung una hindi si'ya 'yung tipo mo."

"Bakit mo ako niligawan kung hindi din ako 'yung tipo mo?"

Natahimik si Hunter sa sinabi ko. Hindi nga pala niya alam na narinig ko sila ni Josa. Hindi ako ang tipo niya at tanggap ko 'yon. I'm just being me. Pinaandar ko nanaman 'yung sasakyan at mabilis ipinasok sa lugar nila.

Nakita ko si Josa na pababa ng hagdan.

"Diba si'ya 'yung tipo mo?" turo ko dito.

Tiningnan ako ni Hunter ng masama. "Si Garreth ang tipo mo?"

"H'wag mo binabalik sa'kin 'yung tanong!" reklamo ko.

"Sagutin mo muna 'yung tanong ko!" sabi ni Hunter.

"Hindi ko na nga alam! Naguguluhan na ako! Akala ko dati kilalang kilala ko na 'yung sarili ko pero ngayon, nag-iiba. Parang hindi na ako."

"Because you're starting to fall inlove, pero hindi mo pa alam kung kanino."

Nanigas ako. Me? Falling inlove? I think he's right... But I don't know with whom.. Kailangan ko ba gumawa ng paraan para marealize kung sino sa kanilang dalawa 'yon?

Bago pa ako sumagot lumabas na si Hunter, agad naman ito nilapitan ni Josa. May sinabi ito pero hindi ko alam kung ano. Lumabas na lang din ako.

"Uhm, Ashley, pwede ko ba mahiram si Hunter?"

Nagtaas ang kilay ko. Bakit nagpapaalam sa'kin ang babae na 'to?! Ano mamamalengke nanaman si'ya kailangan niya ng kasama?

"Why?" he's my bodyguard afterall.

"Sa bayan. May bibilhin lang sana ako.."

Napalunok ako at nakita kong ngumiti ng kaunti si Hunter. Pagdating kay Josa ngumingiti si'ya tapos sa'kin kanina puro confusion ang binabato niya!

"Okay lang ba, babae?"

Pakiramdam ko namumula na ang buong mukha ko. "Why not?" shiat, buti hindi ako nabulol. "Hindi ko naman si'ya boyfriend." Tumalikod ako at umakyat ng padabog.

Mararating niya na ang huling hakbang ng matigilan si'ya sa boses ni Hunter.

"Babae.."

Sabi na nga ba, hindi niya ako matitiis! I knew it! It's always me. Nagbago na ang feelings niya kay Josa.

Kahit pinipigilan niya 'yung ngiti niya alam ko medyo halata na sumaya 'yung mood ko. "Yes?"

"Yung susi ng sasakyan, hawak mo."

What the heck!

Ibinatoko sa kanya 'ung susi ng sobrang lakas. Napansin 'yun ni Josa. Tumalikod na ulit ako dahil pulang pula na 'yung mukha ko pati 'yung balat ko sa kamay namumula na din ata sa sobrang galit ko!

Narinig ko umandar 'yung sasakyan. Nilingon ko sila, paalis na ito. Hinubad ko 'yung tsinelsa ko at ibinato ng sobrang lakas sa kanila. Pero hindi ito tinamaan.


"Damn you, Hunter!"



Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now