Chapter 5:

1K 44 6
                                    

Upang makawala sa kanyang pagkapulupot sa puno ay nirelaks ni Nickolas ang kanyang sarili. Unti-unti niyang ibinabalik sa normal ang kanyang katawan.

"Bwahahahahahaha!" Biglang may dumagundong na tawa sa tabi niya. "You're so funny, Nickolas! Hahaha! Anyway, sinundan kita para ibigay ito." The Kapre handed Nickolas something.

Napatigil si Nickolas sa kanyang ginawa at napatingin sa Kapre. "A-ano 'yan?" Nagtatakang tanong nito sa Kapre at biglang bumitaw ang kanyang katawan sa puno.

"Ingatan mo ang tabakong ito, magagamit mo ito sa kinabukasan."

"Ta-tabako sa kinabukasan? Paano? Wala akong planong mag-tabako."

"Hindi ang tabako ang kailangan mo kundi ang abo nito."

"Pwede bang ipaliwanag mo sa akin ang lahat, Jerico?"

"No dude. It's not the right time. But just keep it, it's for you." Maraming ihinabilin ang kapre kay Nickolas. Maraming ibinatong katanungan ang bata ngunit wala ni isang sinagot ang kapre bagkus iniwan na lamang si Nickolas na nagugulumihanan ang isipan.

He had to move on, he wasted too much of his time now. Pakamot-kamot na naglakad si Nickolas upang hanapin ang kubong nakita niya kanina nung siya'y nasa himpapawid pa.

He heard some movements sa may di kalayuan, mabilis niya itong tinungo. May parang kung anong lumulundag, lumulukso o mas tamang sabihin na nagpalipat-lipat ng talon sa bawat puno at halaman. Naging maingat si Nick sa kanyang bawat galaw, naging alerto, baka kung anong klaseng nilalang na naman ang kanyang makakasalubong sa gitna ng kanyang paghahanap kay Apo Alibangbang.

May sumikdong kaba sa kanyang dibdib nang makita kung ano ang nagpatalon-talon sa mga halaman. Isang parang paru-paro na parang tipaklong ngunit bakit mukhang tao ito? May mahabang balbas at buhok na puti na parang ermitanyo?

'Siya na kaya si Apo Alibangbang?' Ang tanong na lumabas sa isip ni Nickolas. He had to be quick, sinundan niya ang nilalang na'yon. Naging mas mabilis ang pagtalon ng hinahabol niya. Nahirapan si Nickolas dahil sa napakaliksi nito. Sa kanyang paghahabol nakita niya ang isang kubo, 'Sana ito na ang hinahanap ko, Lord.' Pipi niyang panalangin. Hindi na niya nasundan ang nilalang na iyon bagkus ang kubo na lang ang kanyang tinungo.

Bukas ang pinto ng tahanan na iyon, "Paano kaya nabubuhay ang nakatira dito?" The nipa-hut was located in a far-flung area, walang kapitbahay, napakalayo nito sa kabihasnan at napapalibutan ng kung anong misteryo at tinitirhan ng iba't-ibang klaseng maligno ang kagubatan.

Maingat na lumapit si Nickolas sa bungad ng kubo, naging mas lalo siyang mapagmatyag sa paligid. Oo nga't may taglay siyang kapangyarihan ngunit alam niyang ang lahat ng iyon ay may hangganan at kapag siya'y nalingat maaaring buhay niya'y mawalang saysay at sa langit siya'y kay San Pedro makikipag-away.

"You're too clever, Young Man!" Napaatras si Nickolas nang may biglang sumulpot sa kanyang harapan. It's the creature he saw awhile ago. Ang nilalang na kanyang sinundan kanina sa kagubatan, ang taong nagmumukhang paru-paro na mukha ding tipaklong...

"Si-sino ka?"

"Alam kong darating ka sa araw na ito, Nickolas. Pasok ka ng maliwanagan ka." Ang paanyaya kay Nickolas. Nagdadalawang isip man ngunit pumasok siya sa paningin niya ay harmless naman ito. Hindi niya winala ang posibilidad na bitag ito sa kanya ng ibang nilalang kaya nag-ingat ito. Sa bungad pa lang ng kubo ay pinaikot na ni Nick ang kanyang paningin sa loob ng bahay. He was amazed of what he had seen. 'Isa ba talaga itong kubo?' Ang kanyang pagkamangha dahil hindi isang ordinaryong kubo ang kanyang pinasok. Mukha itong isa itong palasyo sa gara, ang mga kagamitan ay nagkikintaban sa kinang. Ang mga upuan ay yari sa kahoy na wari'y gawa pa no'ng sinaunang panahon ngunit napakatibay pang tingnan.

"Na-nasaan ako?" Ang naibulalas niyang tanong.

"Pumasok ka ng maipaliwanag ko sa'yo ang lahat Super Patotoy." Ang wika ng nilalang. "You don't have to worry, you're safe here." Dagdag pa niya.

Sinunod ni Nickolas ang kanyang turan. 'Ang galing namang mag-English nito.' He thought.

Napatitig si Apo Alibangbang sa kanya na wari bang narinig nito ang kanyang sinabi.

"Hindi na tayo magpaligoy-ligoy pa, Super Patotoy. Umpisahan mo ng magtanong." Ang sabi ng matanda.

"Bago po ang lahat Apo Alibangbang, pwede po bang tawagin niyo na lang po ako kay Nick or Nickolas. Mukhang ang laswa po no'ng isa eh." Ang nahihiyang pakiusap ni Nickolas na ikinangiti na lamang ni Apo Alibangbang. "Una pong katanungan, bakit po ako ang binigyan ng kapangyarihang ito?" He continued...

Napatayo si Apo Alibangbang at naglakad-lakad sa harap ni Nickolas.

"Dahil sa di iyan tinanggap ng unang taong dapat umangkin sa katungkulan at kapangyarihang iyan kaya ipinasa sa'yo." Napakunot ng noo si Nickolas.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Walang ibang hahawak sa kwintas na iyan kung hindi kadugo ng unang pinagkatiwalaan. Kung tinanggihan ng una ay mamanahin ng susunod na salinlahi." Mas lalong naguluhan si Nickolas. Sana hindi tama ang kanyang nasa isip.

"Sino po ang unang pinagkatiwalaan sa kapangyarihan?" Napalunok ng laway si Nickolas habang nagtatanong.

"Ang iyong ama." Halos mahulog sa kanyang upuan si Nickolas sa narinig niyang rebelasyon.

"Si Tatay Sakong? Pero bakit? I mean, bakit di niya tinanggap?" Ang sunod-sunod niyang tanong.

"Malaki na ang Tatay mo noon nang amin siyang matagpuan, may isip at umiibig na. Hindi niya kinayang ipagpalit ang pagiging Super Patotoy sa kanyang pag-ibig." Ang pagkukwento niya.

"Ano pong ibig niyong sabihin? Hindi ko maintindihan."

"Mas matimbang ang pagmamahal niya kaysa sa ibinibigay namin."

"Pero pwede naman niyang pagsabayin diba?"

"Hindi niya matatanggap."

"Pero bakit?"

"Maiintindihan mo rin sa tamang panahon, Nickolas."

"Apo Alibangbang naman eh. Nagpunta nga ako dito upang magtanong."

"At hindi lahat ng tanong ay maibibigay agad-agad ang kasagutan." Napakamot na lang ng kanyang ulo si Nickolas. Marami siyang itinanong sa matanda tungkol sa pwede niyang gawin at ano pang ang kanyang kapangyarihan. Hindi naman nagdalawang isip ang matanda na ihayag lahat kay Nickolas. Ang mga dapat at di niya dapat gawin sa kanyang kapangyarihan. Inulit-ulit sa kanya ni Apo Alibangbang na dapat sa kabutihan lamang ito gamitin. Sa batang isip ni Nickolas ay di niya lubos maisip na ganito na ang kanyang pinaggagawa imbes na naglalaro kasama ang kagaya niyang bata.

Hindi pa rin mawala sa isip ni Nickolas ang kanyang natuklasan tungkol sa kanyang ama ngunit binalaan siya ni Apo Alibangbang na walang ibang makakaalam sa pagiging Super Patotoy niya kahit pa man ang kanyang ama.

A/N: Quick update lang po'to kaya di masyadong pinag-isipan. Busy lang kasi sa niyugan sa Pinas eh... Nawiwili sa bakasyon kasama si Juan Tamad. Pero salamat po sa lahat ng nagbabasa... ~Cory_Khong

HIWAGA Book 2: NICKOLAS, Ang TagapagligtasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon