Misunderstanding

12 4 3
                                    

Sun



Bati na kami ulit kaya maganda 'yung simoy ng hangin sa loob ng condo namin, Sunday ngayon walang work. Nakatulog ako saglit tapos pagkagising ko naiba 'yung simoy ng hangin sa condo. Kanina ko pa kase kinakausap si Riki pero ayaw niya akong sagutin.


"Riki? Anong problema?"


"I-tanong mo kay Gab, sino ba 'yan?" Naiinis niyang tanong, ha? Si Gab nag-chat siya kanina sa'kin.


From: Gab

Sana magkita tayo ulit, love u!


"At nag-i love you pa nga! Ha! Huwag kang makikipagkita sakaniya." Kumunot ang noo ko, kaibigan ko si Gab simula high school, normal lang sa'min mag-i love you han pero gusto niya ako dati, dati.


"Bakit ba ang bilis mong magselos? Kaibigan ko lang 'yun bawal ba mag-i love you siya sa'kin, ikaw nga puro ka-i love you do'n sa girlbestfriend mo kuno!" 


"Kaibigan ko 'yun--"


"Oh, diba? Kaibigan mo eh, normal lang naman 'yan, pustahan pa may gusto 'yon sayo!" I shouted at him.


"Bakit 'yang Gab na 'yan sigurado ka bang kaibigan lang ang turing niya sayo?"  He shouted back.


Huminga muna ako saglit at nagsalita ulit. "Pagod na ako magsabi sayo na ikaw lang ang mahal ko, mahirap ba 'yan paniwalaan?" 


"Oo, kase kung mahal mo talaga ako hindi mo ako paghihinalaan sa mga bagay na hinding-hindi ko magagawa sayo." I scoffed.


"Bakit ikaw hindi mo ba ako pinaghihinalaan?" I shot back.


"Iba ang selos sa walang tiwala, Sun." Sige, edi siya na. "Naiisip ko nga bakit mo ako pinatulan dati, eh gustong-gusto mo si Hoon noon, diba? Siguro rebound lang ako, tama ba ako? 4 years na rebound mo pa din ako." Sinampal ko siya ng malakas, naiyak ako sa sinabi niya. 


"'Wag na 'wag mo i-dadamay si Hoon dito, Riki!"


"So, tama nga ako? Tangina, ang tanga ko naman. Nagmahal ako ng tao na hindi naman ako ang mahal, sinagot mo lang ako kase nasaktan ka ginawa ni Hoon. Hindi mo ako mahal. Tangina, mahal na mahal kita hinding-hindi ko magagawa 'yung pinagsasabi mo na may ibang babae ako..." Umiyak siya at daling-dali lumabas sa condo, iniwan niya ako na umiiyak.


Napa-isip ako sa sinabi niya, putangina naman. 

Afterglow (Lover Series #3)Where stories live. Discover now