Chapter 154: Sincerity: Punishment

69 7 0
                                    

Cleress Xiashin Pov:

It's already 1:02 pm.

No choice ako kundi sumunod Kay Azhi palabas ng restaurant.

Baka kasi di na ako balikan ni Casfin baka maligaw na naman ako.

"Azhi.." Pagtawag ko pero para lang syang walang narinig.

Dugdug

"A-zhi.. C Casfin po?" Kinakabahan na tanong ko.

"Busy" Tipid na usap nito ng di ako nililingon.

Napabuntong hininga ako.

Dumiretso na ito sa parking lot. Di na ako nangahas na lumingon sa paligid kasi alam kong nakakatakot.

May pinindot ito sa device na hawak at tumunog yung red car di kalayuan.

Lumapit na ito sa kotse.

"Get in" Malamig na usap nito at binuksan yung car door.

No choice akong pumasok sa loob.

Pumasok narin ito sa kotse at naupo sa driver seat.
Tinanggal nya ang suot na hoodie at pinalitan ng black long coat.

Napalunok ako ng ayusin nito ang seatbelt ko. Di pa pala naka-attach nakalimutan ko.

"Ahm..Ba-kit po kayo nandito?"

Ay Mali!

Napatampal ako sa noo.

Dapat ang sasabihin ko 'bakit ngayon lang kayo nagparamdam!?'

Seryuso ako nitong tinapunan ng tingin.

"Why? Is it bawal? Are you forbidding me to be with my girlfriend?!"

*DAG!*

Padabog nitong i-sinara ang pinto ng sasakyan.

"H-indi po.."

Bagaman nakaramdam ako ng kiliti sa loob ko pero mas pina-pangunahan ako ng kaba na nararamdaman ko.

"Tsk!"

Pinaandar na nito ang kotse.

Nadagdagan na naman ata atraso ko.

Pasulyap sulyap ako kay Azhi. Samantalang busy lang sya sa pagmaneho.

"Ehm." Tikhim ko para basagin ang katahimikan sa pagitan namin.

Dugdug
Dugdug

"A-zhi? Pwede p-o ba kitang makausap?"

Kinakabahan na tanong ko habang nakalingon sa kanya pero tutok lng sya sa daan.

"Woy! Azhi Pansinin mo ako" Nakangusong usap ko.

Pero di parin ito sumasagot.
Napakagat na ako sa labi ko.

"You're already talking" Sarcastic na sagot nito na nagpabusangot sakin.

"G-alit pa po ba kayo sakin?" Malungkot na tanong ko.

Di ko man lang itong narinig na tumugon.

Mas lalo akong dinalaw ng kalungkutan.

"Azhi..Sorry na po.. kausapin nyo po ako.." Nakayukong usap ko.

Dugdug
Dugdug

Ano gagawin ko?

"I am aware that he was the first one you met before me"

Napalingon ako Kay Azhi. Sa Daan lang tutok ang atensyon nito.

Dugdug

"I also know that he is important to you"

Mas lalo akong dinalaw ng matinding kalungkutan sa sinasabi ni Azhi..

Book 2 (WTCHMTSG): When The Campus Hearthrobs Fall In love with the simple girlsWhere stories live. Discover now