"Bakit naman?" Natatawa nitong tanong







Napakamot ako sa batok







"H..hindi pa po ako handa para diyan" alanganin kong sagot







Buti at hindi na siya nagtanong pa dahil nakakailang ang usapan na mga ganiyan, pinagpatuloy ko ang pagsubo, ilang minuto palang ang nakakalipas nang matapos na si Mang Ador at nagpalaam ng umalis upang maiuwi na ang uulamin ng kaniyang pamilya, yung Isabella palang tinutukoy ni Kuya August kanina ay yung babaeng may gusto sa kaniya, yung titig na tutig sa kaniya na akala mo kapag pumikit lang ng isang segundo mawawala sa harapan niya si Kuya August?







"Hindi ka nagpaalam kanina? Pinag alala mo mga tao doon, lalo na ako" seryoso niyang sabi at inabot ang baso ng tubig







"Busy kayong lahat kaya hindi na din ako nang istorbo pa"







"Huwag mo nang uulitin iyon, nasa pangangalaga kita sakin ka pinagkatiwala ni Yvo kaya habang nandito ka sa Hacienda ko sundin mo ang mga gusto kong sundin mo" napatigil ito sa paggalaw ng kaniyang pagkain "tumingin ka sakin"






Puno ng takot akong nag angat ng tingin, kanina nang kasama namin si Mang Ador ay hindi naman ganiyan ang uri ng tingin na binibigay niya sakin tapos ngayon mas nakakatakot pa siya sa nakakatakot!!







"Ayoko nang maulit yung ginawa mo kanina" he said







Tumango ako at nilaro ang daliri sa ilalim ng lamesa







"Ano ang sinabi ko sayo noon? Huwag mo akong sagutin ng tango, ginagamit ang bibig para makapag salita at makipag usap kaya gamitin mo ang bibig mo kapag kinakausap kita" mahinahon lang ang pamamaraan ng pagsabi niya sakin nun pero may bahid ng inis, kagaya pa din siya noon....







"May mga rules akong ibibigay sayo habang nandidito ka" umayos ito ng upo at pinag cross ang dalawang braso





"Una, Magpaalam ka kung gusto mong umalis"







Tinaas niya ang isang daliri at pinakita iyon sa akin, sabay taas pa ng isa







"Pangalawa, ayoko ng sinungaling....kapag nalaman kong nagsisinungaling ka sa akin ay may parusa akong ibibigay sayo"






Tatlong daliri na ang tinaas nito







"Pangatlo, gusto kong sumama ka sakin sa mga lakad ko, i want you to stay beside me while i'm working"






"P...paano kung ayoko? Kung may gagawin ako? Kung tinatamad ako?" Kunot noo kong tanong







"That's not my problem anymore" kibit balikat niyang sabi "give me your car keys"







"Bakit?"







"Para hindi mo ako takasan" ngumisi ito "you're going to stay here with me for two months"







I know!







Wala na, sira na ang plano ko!







Binigay ko ang susi ng kotse ko sa kaniya ng matapos na kaming kumain, pinaikot ikot niya iyon sa hintuturo bago pinasok sa loob ng bulsa....







Ginagawa niya lang ang mga ito dahil alam niyang malaki ang tiwala sa kaniya ni Kuya Yvo kaya lahat ng sasabihin niya ay walang ibang mga meaning, gusto niya lang ang kaligtasan ko para makauwi akong safe.






"Come walk with me. Let's get some air"







Nabigla ako ng akbayan niya ako at hinila palabas, tinulak ko siya palayo. He chuckled lowly, sinisipa sipa ko ang mga maliliit na batong madadaanan habang siya naman ay nakapamulsa ang dalawang kamay at pinapanood ang ginagawa ko.







"Gusto ko nang bumalik sa kwarto ko, inaantok pa ako..." halos pabulong ko nalang na sabi







"Ayaw mo ba akong kasama?"







Oo "hindi naman, inaantok lang talaga ako"







Nang iangat ko ang aking ulo ay nasa harapan ko na siya, napaatras ako hanggang mapasandal ako sa puno, nilapat nito ang isang palad sa puno habang ang isa naman ay nasa bulsa pa din, ilang beses akong napalunok dahil sobrang lapit na ng mukha niya, tumatama na ang tungki ng kaniyang ilong sa ilong ko at unti galaw ay maglalapat na ang labi naming dalawa!!! Aware ba siya sa ginagawa niya?!!







Napakuyom ako ng kamao






"I'm glad you came here..." he whispered "i like having you here, Carrots"







"Kuya August, ang lapit mo" tinagilid ko ang mukha upang hindi tuluyang magdikit ang labi naming dalawa







Alam kong naririnig na nito ang malakas na pagtibok ng puso ko, nakakahiya iyon!!








"Im sorry" lumayo na ito sakin "matulog ka na, may gagawin pa ako"







Naglabas ito ng sigarilyo at lighter, sinindihan niya ang dulo ng sigarilyo bago inipit sa dalawang labi at nagbuga ng usok.






Nakita niya parin akong hindi gumagalaw sa kinatatayuan, ngumisi ito at nilahad ang sigarilyo na hawak....







Sinubukan namin yan ni Steel ilang beses na pero hindi kami natututo manigarilyo dahil lagi kaming inuubo at nasusuka.






"Want to smoke?" Kuya August







Umiling ako







"Good boy" he smirked







Naalala ko ang una naming pag uusap.....







"Matulog ka na"







Dahan dahan akong tumango







(Watching Inuyasha ang Author ngayon)

Stolen HeartWhere stories live. Discover now