Pero mapapanatag ba talaga s'ya? 'Yung totoo?

"Ugh!" Cole groaned.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Deus.

"Yeah," matamlay na sagot ni Cole. Ano pa nga ba ang masasabi n'ya?

Bakit ba siya nag-aalala sa kaklase n'yang 'yun? 'Di ba mas mabuti nang wala ito for a few days para malamangan n'ya ito?

Tama!

Naagaw ni Auberon ang atensyon nila nang bigla na lang itong pumasok nang nagdadabog pero agad namang lumiwanag ang mukha nito nang makita si Deus.

"Babe!" palatak nito saka umupo sa kandungan ng lalaki.

Agad na napangiwi si Cole at napasimangot si Tiana. Hindi talaga sila masanay-sanay sa Public Display of Affection ng dalawa.

"May kamay ka naman, Auberon. Matuto kang kumatok. Hindi mo 'to kwarto," biglang sabi ni Tiana na lukot ang mukha at napalabi lang si Auberon.

Napansin din ni Cole ang disappointed na tingin ni Deus sa kakambal.

"Okay, aalis na ako. I'll see you all in a week," ani Malik saka humakbang na papunta sa pinto.

"Week? Saan ka nanaman pupunta?" kunut-noong tanong ni Cole.

"Nagpapasama si Tryx sa akin. May mission siya sa Apary."

"Mission? But you're just a Sophomore. Bakit ka sasama? That's dangerous," sabi ni Auberon.

"Reconnaissance lang naman. Walang labanan na magaganap as long as manatili kami ni Tryx sa hotel room namin," sagot ni Malik na may pilyong ngiti sa mga labi.

"Baboy ka talaga," naiiling na komento ni Tiana.

"Umalis ka na nga!" natatawang pagtataboy naman ni Deus at humalakhak nga si Malik nang umalis.

Naiwang tahimik si Cole. Ano 'yung sinabi ni Malik? Sino ang sasamahan nito?

"Cole, 'di ba may klase ka pa? Why are you still here?" nagtatakang tanong ni Deus kaya agad na napatayo si Cole.

"Right," aniya saka mabilis na tumayo.

Malalaki ang hakbang na nagtungo siya sa Akadēmos. Ayaw n'yang ma-late sa klase n'ya.

One week na mawawala si Tryx! Ilang beses na nag-echo iyun sa utak ng binata.

So, sino ang isasama ni Kam sa trip nito papuntang Macon? Mag-isa lang ba ito?

Masyadong delikado!

"Ugh!" nasabunutan na lang niya ang sarili saka umikot para makahakbang papunta sa opposite direction.

Papunta sa Autorité kung saan naroon ang opisina ni Director Brisbois.

—-

"There you go," napangiti si Kam nang maipasok n'ya sa overhead bin ang kanyang dalang maliit na luggage.

Umupo siya sa komportableng bench na magsisilbi ring kama niya sa loob ng limang araw niyang train ride mula Morland papuntang Macon.

Malaki ang private cabin niya at may magkaharap na upholstered bench at sa gitna ay may maliit na mesa. Meron din siyang private toilet and bath kaya hindi na niya kinailangang lumabas pa ng cabin. Magro-room service na lang siya ng pagkain.

"Okay. Magbabasa na lang ako ng lessons pampalipas-oras," aniya saka naghalungkat na sa kanyang backpack.

Buti na lang talaga pinayagan siya ni Director Brisbois na bumiyaheng mag-isa. Isasama n'ya sana si Tryx kaso may mission pala ito sa Apary kaya solo traveler s'ya ngayon. Humingi siya ng two-week leave at kukuha na lang siya ng makeup exams para sa mga na-miss niyang klase.

Blood MenaceWhere stories live. Discover now