Chapter 11

113 13 0
                                    


Phillian is a good friend of mine, he's the only man l treat as a friend. My parents are a bit strict, specially my father, at ngayon na ako na lang ang natira nilang anak mas naging mahigpit sila sa akin. Ganoon rin ang tita at tito ko.

Hindi na nila ako napigilan nang magtrabaho ako sa Mircus pero sinusundo pa rin ako ni papa gamit ang motor niya. 10:00 AM to 8:00 PM siya nagtratrabaho sa factory na pagmamay-ari ng isa sa mga kamag-anak namin. Nag-aalala rin ako kasi minsan nagbubuhat siya ng mga mabibigat na bagay. Matanda na ang mga magulang ko, dapat nagpapahinga na lang sila sa bahay.

"Nasabi na ba ng tita Sandy mo sa'yo 'yung tungkol sa scholarship sa New York University?" my mom opened the topic while we're having dinner.

We already talked about tita's offer, na sa New York ako mag-aral, sa bahay nila ako titira. My tita was promoted and she'll move to New York this July. She has connections since his husband, my tito, is a well known man.

Wala naman iyong problema dahil sa nasabi ko na iyon sa mga kaibigan ko at plano rin nilang mag-aral sa New York kasama ako... though it was already planned l'm still not completely happy. Parang may pumipigil sa akin na 'wag tumuloy.

Hinawakan ni papa ang kamay ko."Anak, 'wag mo na kaming alalahanin ng mama mo. Maayos lang kami. " nakangiting sabi niya.

Tumingin ako kay mama at nginitian niya lang din ako. "Bumubuti na ang lagay ko at pangako hindi ko na masyadong papagurin ang sarili ko." Umupo sila sa mga katabi kong umupo saka ako niyakap. "Pasensya ka na kung mahirap lang tayo at kailangan mong mahiwalay pa sa amin. Balang araw giginhawa rin ang buhay natin, makakaahon din tayo sa lahat ng paghihirap at sakit na nararanasan natin ngayon." naiiyak na sabi ni mama.

Nang makita ko ang pag-asa sa mga mukha ng magulang ko hindi ko mapigilang maiyak. Imbis na sila ang bigyan ko ng pag-asa ako itong nawawalan ng pag-asa.

I hugged them both, I'm so lucky to have such loving ang caring parents. I treasure these two so much.

Pero kung gaano ako kaswerte sa mga magulang, kabaliktaran naman niyon ang pagkamalas ko sa pag-ibig.

° ° ° ° °

Team Artesian
Thursday, 9:09 PM


Chabby:

Guys, sabi ng mommy teacher ko next saturday na raw ang seniors' night.



Clarence:

Omg! I'm so excited!



Karl:

Sinong walang kapartner dyan? Free ako. Single and ready to mingle.



Aivy:

Ay walang nag heart?

Ayos lang 'yan Karl, ang importante buhay.


Vin:

@Karl mga babae na umayaw pre.


Karl:

Edi wag

Lason kayo girls.


Zarina:

Nagsalita ang babaero


Sharlene:

Uy btw, may chika ako, alam niyo ba nakita ko si ma'am Ritchelle at sir Dohyun kanina sa science laboratory. Sila lang dalawa at ang lapit ng mukha nila sa isa't isa, parang gusto nila magkiss.


Chabby:

Oh my goodness! Is that for real? But sir Do said he's not into ma'am Ritchelle, right?

Or maybe he was just denying it because they're both professionals working in the same school.


Zarina:

Chabby, there are teachers who fell in love with each other and even got married. So that's not a big deal if they're dating or whatsoever as long as they're both financially stable and their relationship won't affect their professions.


Karl:

Very well said babe.

Kaya crush na crush kita eh ;)


Zarina:

Kilabutan ka nga Karl, hindi kita type.


Vin:

ahahahaha double kill pre

Ang chismosa niyo girls, sa totoo lang.


Clarence:

Ano ba 'yan! Sana kinunan mo ng litrato, Sharlene.


Sharlene:

Nahuli ako no'ng isang guard eh.


Karl:

Deserve

° ° ° ° °

I turned off my phone and stared on the ceiling of my room.

Those emotions l saw on his eyes, those stares l've noticed in my peripheral vision, when l caught him smiled at me...totoo nga kaya ang mga iyon o mali lang ang pagkakaintindi ng puso ko? I'm so hopeless, wanting for more but didn't get the answer l desire.

Kung puwede ko lang pigilan ang sarili kong nararamdaman na huwag sa kaniya matagal ko nang ginawa.

Loving him is confusing, it cause me to overthink.

They say age doesn't matter...but l think it does, because that's what l feel.

Watch Me Fall Again Where stories live. Discover now