Cute

Paubos na ang kinakain namin ng umupo si Alex sa pwesto namin at dun kumain imbes sa lamesa ng mga tropa nya ngayon nakatingin samin ng may pagtataka. napatingin din kami ni davien sa isa't Isa sabay taas balikat dahil sa pagtataka inubos nalang namin ang kinain namin at tatayo.

ng tatayo na kami bigla nagsalita si alex

" Wait for me " etong englishero na'to

" You can eat alone " Sabi ni davien sabay lalakad ulit at ako naman aalis na sa upuan ng mag salita sya ulit

" Just wait for me, malapit na toh " tinignan ko kinakain nya at oo nga paubos na toh, mukha din kawawa kung iiwan namin dito kaya umupo ulit ako at hintayin nalang sya matapos.

nagulat pa sya ng umupo ako

" Finish your food " sabi ko na sa kanya na nakatingin padin sa'kin na may gulat si davien naman bumalik din at umupo

" at ba't mo naman naisipan umupo dito at ipaghintay kami matapos ka?" Tanong ni davien na naiinis

" Why? bawal ba 'di ko alam na patapos na kayo ng dumating ako. " Sabay subo ulit ng pagkain nya at inosenteng ngumunguya habang nakatingin kay davien

This jerk is so cute too.

ng matapos sya ay sabay sabay kami tumayo akala namin ni davien ay pupunta na sya sa mga tropa nya pero kasama lang namin din sya naglalakad palabas ng canteen.

'di ko talaga alam kung ano trip nitong si alex e

pagkatapos ng klase na toh uuwi talaga ako at matutulog Sabi ko sa isip ko habang naka talumbaba at nakanganga dahil wala naiintindihan sa sinasabi ni sir

Lollipop sarapppp Anu yun omg ang daming candy! nasa heaven ba ako WAAAAH PATI CHOCOLATE! OMGGGGG kumuha ako ng Isang lollipop at dinilaan yun kinagat kagat pero 'di ko makagat

bigla nalang nawala lahat at napadilat ako nge kala ko totoo na napatingin ako sa katabi ko na namimilipit sa sakit ang kamay nagtataka akong nagtanong

" Anong nangyari sayo teh?" Sabi ko sabay kinukuha kamay nya na may kagat kagat ng ngipin

" Teh abno kaba ba't mo kinakagat kagat kamay mo " inis kong sabi sa kanya

ma iyak iyak sya tumingin sakin

" Ikaw kaya kumagat nito " naiiyak nitong sabi

" Ako??" Tanong ko

" Oo! dinilaan mo panga tas bigla mo kinagat " Sabi nya

Napalunok ako

" gagi sorry teh, nakatulog pala ako kala ko totoo na nakikita kong mga candy tyaka chocolate panaginip lang pala yun " Sabi ko sa kanya habang hinahawakan daliri nya na nakagat ko

" De joke lang, okay na ako hinawakan mo na eh " Sabi nya sabay ngiti sakin

" Abno " nasabi ko nalang

" Ano kukunin mo pagka graduate natin dito ng grade 12? "

" Business ad " tipid kong sabi

" Yun ang gusto mo? " Tanong nya

" Hindi syempre, gusto ko mag tourism kaso wala akong magagawa need ko mag aral ng business dahil sakin ipapasa ni daddy yung company nya " Mahaba kong sabi

" Feeling ko makikita kita someday naka uniform ng flight attendant " napangiti ako sa sinabi nya

" sana nga " after ng pag uusap namin ay lumabas na kami dahil uwian na

Pagdating ko sa bahay nasa lamesa si daddy at mommy lumapit ako sa kanila at ni kiss sila sa pisngi

" Crisha we need to talk " kinakabahan akong tumingin kay daddy at mommy na sumenyas na umupo ako

ng nakaupo ako ay nilagay ni manang ang malamig na tubig sa tabi ko agad ko kinuha yun at ininom

" Crisha pagkatapos mo grumaduate Ikaw na ang mamahala ng kompanya ko " Pag uumpisa ni daddy

" I know po dad " pagsabi ko

"Okay, and then papakasalan mo si Alex " gulat ako napatingin sa kanya

" Dad? what do you mean??? Ba't ko sya papakasalan? like yeah i do like him, but dad 'di nya ako gusto. ayaw ko magpakasal sa taong 'di ako mahal. Kaya ako magdidesisyon kung sino papakasalan-"

" Stop it crisha. Kung ano na yung sinabi ko yun na yun "

" But dad, mom?" Yumuko nalang si mommy naiinis akong tumayo papuntang kwarto. naririnig ko pang tinatawag nila ako pero di ko na sila tinignan pa at dineretso ang paakyat at ni lock ang pinto

nasa sulok ako ng kwarto ko nag tatampo ng bigla nag ring ang selpon ko lumapit ako dun at Isang register number ang tumatawag ni answer ko yun

" Hello?" unang Sabi ko

" I know alam mo na about sa pagpapakasal sa'tin ng magulang natin "

oh tignan mo si abno pala toh e

" Oh tapos?" Nasabi ko nalang

" You agree with it?" tanong nya

" No. Why would I? ayaw ko mag-pakasal sa taong 'di ako gusto at mahal " Sabi ko

" then make fall in love " gulat na gulat ako napatingin sa selpon ko

" What the f*ck alex Anong sinasabi mo "

" Make me fall more crish and you'll see "

" Ba't ako?? Bakit kasi 'di kanalang kasi umayaw ha " inis kong tanong

" Ayaw ko, ba't ko gagawin yun. " nagtataka na ako sa mga pinagsasabi nya

" Hello po, Ibang Alex po ba tong kausap ko? "

" Silly, let's meet tomorrow. " kalmado nyang sabi

" Anong meet tomorrow?, Saan ba? " Mabilis kong tanong 'di ko alam bigla ako na excite eh

narinig ko ang mahinang tawa nya sheet beh pati tawa ang gwapo

" Susunduin kita bukas jan "

" Luh teh parang wala naman kaming sasakyan nyan "

" basta.. I need to sleep na crish "

" Edi matulog ka " Sabi ko

" 'di kapa matutulog? " Alex

" Hindi pa " Sabi ko ng mahina habang nakatingin sa kisame ko

" Then mamaya nadin ako mag ssleep" Alex

" Kala ko ba inaantok kana? " Tanong ko ng malumanay na

" mamaya kapa matutulog, let's talk muna " Alex

" Alam mo siguro palusot mo lang na tinawagan ako para about sa kasal pero totoo gusto mo lang ako kausap " Sabi ko asyumera kasi ako

" True " maikli nyang sabi napangiti ako

" Kimmy lang yun " Sabi ko

" I know but it's true "alex

Nag usap pa kami ng kung ano-ano nang naramdaman ko na yung antok humikab ako at alam nyang narinig nya yun

" Papatayin ko na tong call, so you can sleep na " he said

" Okay bye bye good night " inaantok kong Sabi at tumagilid sa kama at inilagay sa tabi ang selpon

" Goodnight crisha have a good night sleep"

at opo nakatulog ako na may ngiti sa labi.






MAGKABABATA (Complete)Where stories live. Discover now