Napalingon naman kami dito.

"Daddy!" Masiglang saad ni Miss Mandy.

Bahagyang nagulat ako nang makita si Mr. Leandro na papalapit sa kinaroroonan namin. Nang makita ako nito, ngumiti ito ng matamis sa amin.

"Nagkita ulit tayo, Elizabeth." Bati nito sa akin halos may matamis na ngiti na gumuhit sa labi nito.

Lumabas na lamang sa likuran nito si Sir Dylan. Ngayon ko lang napansin na kasama pala niya ito.

"Hello, Sir. Good morning." Magalang na bati ko sabay bow dito.

Pagkaangat ko ng ulo, nakita ko naman na ngumiti sa akin si Sir Dylan kaya nginitian ko rin siya ng natural. Sa lahat na nagtatrabaho dito, siya lang napakabait saming mga janitor at janitress. Kaya crush siya ng mga babae dito e.

Napaatras bahagya ako na mabilis na lumapit si Miss Mandy sa dalawa halos nabangga niya ako. Parang tuloy hinarangan niya ako nito sa dalawa kaya nasa likod na ako nito.

"Daddy, bakit nyo pala ako pinatawag?" Medyo maldita na tanong nito sa ama.

Palihim na pumasok na lamang ako sa loob ng office ni Sir Leandro. Kailangan ko nang maglinis, pag tumagal pa ako doon baka sabihin niyan nagfe-feeling ka-level ko sila. O di kaya napaka-chismosa ko.

MANDY YU POV:)

Kakatapos lamang ng meeting namin about sa Reach Out Program ni Mr. Kailes. Ngayon lunes na ang punta namin sa bicol at baka aabutin kami ng one week doon kaya matagal kami mawawala sa Uphone.

Pagkalabas ng conference room, nakita ko naman si Dylan na naglalakad na paalis habang may kasabay rin ito sa paglalakad. Nakita pa niyang nagtawanan pa ito na dahilan nagpakulo sa dugo niya.

"Nginitian na nga niya kanina yung janitress, pati pa naman yang babae na yan? Tsk! Ang chickboy niya!" Mahinang anas ko. Sa inis ko, nanggigil naman ako halos kinagat ko ang lover lips ko.

Padabog na sinundan ko nga ito. Nang makita kong umiba na ng ruta ang babae mabilis na lumapit ako kay Dylan at marahas na kinurot ito sa tagiliran nito.

"Ouch! Para saan 'yon?!" Tanong nito habang sapo ang kinurot ko.

"Naiinis ako," gigil na sabi ko sabay hirap.

"Kung naiinis ka, kailangan bang mangurot ka?"

"E sayo ako naiinis kaya deserve mo yang kurot ko!" Sumbat ko dito.

Nang makita niyang nangagalaiti ako sa galit at sabayan pa pamumula ng pisngi ko, natawa na lamang ito. Napatigil naman ako sa paglalakad nang makitang tinawanan lamang niya ako. Natatawang tumigil rin siya sa paglalakad at tiningnan ako.

"Why?" Natatawa pa ring tanong niya sa akin.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Nakataas-kilay na tanong ko dito sabay cross arms.

Tinikom naman niya ang bibig niya.

"Next time ah?! Wag ka nang ngingiti sa mga babae," anas ko.

"Bakit naman?" Naging cold ang mukha na tanong nito. Nasa bokabularyo na talaga niya pagiging kasing tigas ng yelo.

"Kung di mo naman gusto yung babae, wag mong bibigyan ng killer smile. OKAY?!!" Diniin ko pa ang huling sinabi ko.

Nagtaka naman ako nang humakbang ito papalapit sa akin. Kinabahan naman ako sa gagawin nito. Nang nasa harapan ko na siya at malapit na kami sa isa't-isa, tiningnan niya ako ng seryoso sa mga mata. Nagtaka na lamang ako nang may gumuhit na napaka-gandang ngiti sa labi niya.

Nagtaka naman ako sa ginawa niya.

"Para saan yan?" Napakunot-noong tanong ko sa kanya.

"Alin?" Nakangiti pa ring tanong niya sa akin.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now