Bilang isang iskolar, isang estudyanteng pinagsasabay ang paga-aral at pagta-trabaho para mabuhay ay hindi isang biro ang makipagbuno at makipaglaban sa mga hamon ng buhay. Kahit mahirap, kahit nakakapagod at kahit nakalulungkot. Wala akong ibang pamimilian kungdi magdoble kayod para maitaguyod ko ang aking sarili at para na din makapagtapos ng aking pagaaral.
"Naglunch ka na?" tanong ko kay Austin. Isa sa mga kasamahan ko sa trabaho. Pinakita naman niya sa akin ang isang plastic ng potato chips na kaniyang kinakain.
"Ayan lang ang lunch mo?" tanong ko at inagaw ito sa kaniya. Minsan talaga ay hindi ko alam kung ano ang trip ng lalaking ito sa buhay. Sino ba namang matino ang kakain ng potato chips bilang tanghalian?
"Kumain ka ng kanin. Paano ka mabubusog niyan? Wala ka bang-" tanong ko pa ulit pero napangisi na lang siya sa akin at inagaw muli ang kaniyang kinakain.
"Diet ako" sagot niya. Napangiwi na lang ako at kulang na lang ay ihampas ko sa kaniya ang bitbit kong gitara.
"Magkaiba ang diet sa ginagawa mong 'yan, Austin. Sino ba namang isa't kalahating abnormal ang kakain ng chichirya para maging tanghalian?" tanong ko ulit sa kaniya.
"Ito gusto ko eh. Pakialam mo ba?" tanong niya pa. Wala na din akong lakas ng loob para magsimula ng argumento kaya hindi ko na lang siya pinansin at nag-time in na para sa aking shift sa trabaho.
"Hayaan mo na 'yang si Austin. College pa lang kami, ganiyan na talaga 'yang kumag na 'yan" sagot naman sa akin ni Dustin. Ang anak ng may-ari ng pinapasukan kong Japanese Restaurant.
Bali si Dustin na din minsan ang nagma-manage nitong nasabing restaurant. Ilan lamang ako, ang aming Manager at si Austin ang nagta-trabaho rito. Laking pasasalamat ko na nga lang din sa ama ni Dustin dahil binigyan niya ako ng opurtunidad na makapagtrabaho dito kahit na limitado lang ang oras ko dahil sa aking pagiging estudyante kaya kapag restday ko lang o di kaya'y kapag wala kaming klase ay dito na ako dumi-diretso para magtrabaho at kumita ng pera.
"Kami na muna dito, Sean. Wala pa namang masyadong tao at magpahinga ka muna" sabi ni Dustin kaya sinamaan naman siya ng tingin ni Austin.
"Bakit siya pagdating, pahinga muna? Eh ako direkta kusina at trabaho agad?" tanong nito na nagrereklamo sa kaibigan.
"Syempre, consideration naman. Alam mo namang kagagaling lang sa eskwelahan niyang si Sean. Hayaan mo namang magpahinga muna kahit saglit. Hindi naman 'yan robot. Eh ikaw? Ano ba ginagawa mo bago pumasok?" sagot ni Dustin at tinanong din si Austin. Iling lang ang nasagot nito at pinagpatuloy ang kaniyang pagkain ng potato chips.
Sakto naman na naglabas si Kiko ng dalawang bento meal at inilapag ito sa lamesa kung saan kami naguusap-usap.
"Oh kumain muna kayo bago kayo magtrabaho" sabi ni Dustin kaya napataas naman ang kilay naming dalawa ni Austin.
"Walang bayad 'to ha? Hindi ito ikakaltas sa sahod namin ha?" tanong niya at naniniguro muna.
"Dust. Sure ka ba? Baka joke time lang to ha?" tanong ko rin naman dahil para kasing biro na bigyan niya kami ng pagkain at galing pa talaga ito sa aming menu.
"Kumain na kayo bago pa magbago isip ko. Dami niyong tanong eh" masungit na sagot nito.
"Thank you, bestfriend!" tuwang-tuwang sabi ni Austin at yumakap na rin muna kay Dustin na siyang matalik din nitong kaibigan.
"Thank you, sir. Este, Dust" sabi ko bilang pasasalamat. Minsan talaga ay hindi ko naiiwasang tawagin siyang 'sir' lalo pa't siya ang anak ng may-ari nitong restaurant.
