Chapter 15 Jealous

Start from the beginning
                                    

Nakaupo sya at parang ineexpect na nya na susundan ko sya.

"Love." Yun palang ang sinasabi ko ay tinapik na nya ang katabing upuan na inuupuan nya.

" Yun palang ang sinasabi ko ay tinapik na nya ang katabing upuan na inuupuan nya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Agad naman akong naupo sa tabi nya at hinawakan ang kamay nya.

"Ayokong makipagkita ka kay Justin, pero ayoko namang masakal ka." Sinasabi nya yon habang nilalaro ang daliri ko sa kamay.

"I understand, love. Bakit daw ba gustong makipagkita ni Justin sakin?" Tanong ko sakanya.

"I don't know. Pinatayan ko agad si Heira ng tawag e. Naiinis ako sa kapatid ko, nagpapakatanga kay Justin. E halata namang mahal ka pa nung ex mo." I'm shookt!

"Ha? Anong mahal pa ko ni Justin? No, love. Nung last time na nag usap kame kinwento nya sakin kung gano nya kamahal yung kapatid mo." Napapailing naman sya sa sinabi ko na parang di naniniwala.

"Ewan, naiinis pa din ako." Hay!

"Isasama kita pag nagkita kame para di ka nag iisip ng kung ano ano. Okay ba yon?" Napatingin naman sya sakin at halatang pinipigilan ang sarili na mapangiti.

"Mamaya daw sa may Golden Plaza, 7pm." Agad ko naman syang niyakap dahil alam kong selos na selos talaga sya kay Justin.

Makalipas ang ilang oras ay paalis na kame papunta sa plaza.

"Nandun na daw si Justin." Sabi ko kay Ken, nagtext kase sakin at sinabing nasa may plaza na daw sya.

"Hmm." Yun lang ang tanging sagot nya at nagpatuloy na sa pagmamaneho.

Pagkarating namin sa plaza ay natanaw ko na agad si Justin na nakaupo sa may bench.

"Sige na, puntahan mo na. Dito muna ko sa kotse." Kinulit ko pa sya na sumama sakin pero ayaw talaga nya.

Paglapit ko kay Justin ay agad itong tumayo at niyakap ako.

"W-wait." Naitulak ko sya sa pagkabigla ko. Napalingon pa ko sa direksyon kung saan nandun ang kotse ni Ken.

"S-sorry, Sel." Yun lang ang sinabi nya at napahawak sa batok nya.

"Bakit mo ba ko gustong makausap?" Agad kong tanong para matapos na.

"May problema kase ko at alam kong ikaw lang ang makakatulong sakin. Can you please help me?" Kitang kita sa mukha nya na problemadong problemado talaga sya.

"Ano yon? Bakit di ka kay Heira magpatulong? Bakit sakin pa talaga?" Napabuntong hininga naman sya.

"Ang hirap kase ipaliwanag pero naghiwalay na kame ni Heira." Nagulat ako dahil bakit parang ang bilis, samantalang malapit na silang ikasal.

"Ha? Bakit? Tsaka pano?" Sunod sunod kong tanong sakanya.

"Di ko alam, parang biglang naglaho yung feelings ko sakanya. Hindi ko din maintindihan yung sarili ko. Pero everytime na nakikita ko kayo ni Ken na magkasama, nasasaktan ako." Wala akong makuhang salita sa bibig ko, pakiramdam ko ay napipe ako ng mga sandaling yon.

"Alam ko nabigla ka, pero alam kong ikaw ang makakasagot sa tanong ko." Napapailing pa ko sa kanya dahil naiinis din ako.

"Mahal pa kita, Selene. Walang nagbago, ikaw pa din." Saktong pagsabi ni Justin ng salitang yon ay ang pagdating ni Ken at ang pagsapak din sakanya nito.

"Gago ka!" Hindi natigil si Ken sa pagsapak kay Justin kahit na hinihila ko na to.

"Please stop! Ken! Ano ba!!" Sa pagsigaw kong yon ay tumigil na sya at tumayo. Sobrang sama ng aura nya. Nakakatakot.

"Tangina mo, Justin! Wag na wag ko ng makikita yang pagmumukha mo!" Galit na galit na sigaw ni Ken sakanya.

Bugbog na bugbog ang mukha ni Justin dahil sa mga natamo nitong suntok galing kay Ken.

"Selene! Tara na!" Kahit pa gusto kong tulungan si Justin ay di ko na nagawa dahil baka mas lalo pang magalit si Ken.

Habang nasa byahe kame ay walang umiimik saming dalawa. Nakakabingi ang katahimikan. Hanggang sa makarating kame sa bahay ay wala syang sali salitang bumaba at dumiretso sa kwarto nya.

Pagdating ko sa kwarto ay napahawak nalang ako sa ulo ko. Ano bang nangyayare? Nababaliw na ba si Justin? Bakit kung kelan okay na ko saka pa sya bumabalik?

A/N: Hello puu! Pacynthia ngayon lang ulit nakapag-UD. Sana ay magustuhan nyo to kahit pa buhol buhol na ang utak ko kakaisip sa scene na to! Huhu, lavyu mga kaps! 🥺

I Met The Mafia Boss | COMPLETEDWhere stories live. Discover now