"Pa-Pasok na ako" She takes a few steps backward and turns her back on him.

"Ano ba meron sa lalaking yun bat ganun, pag tinititigan nya ako ang bilis ng tibok ng puso ko, should I stop drinking this alcohols yun yung nagpapabilis ng heart beat eh, nag eexercise naman ako"

Pagpapatuloy na pagsasalita sa kanyang isip hindi na nya napansin ang mga lumot na hindi pa natatanggal malapit sa pool at natapakan ito kaya nadulas sya, tinanggap na nyang mahuhulog sa tubig at pinikit ang mata ngulit ilang sigundo na ang lumipas hindi padin sya nabasa unti unti nyang binukas ang mata at nakita ang isang morenong binata na kani-kanina lang ay kausap nya

"Mag ingat ka nga di pa nga tayo kinakasal mamatay ka na" pang aasar ni Marx kay Glaiza na ikinasimangot ng dalaga

"Bitiwan mo nga ako!" At binitawan naman sya ni Marx dahilan para mahulog sya at tuluyang nabasa

"madali lang ako kausap" huling sinambit ni Marx at tuluyang pumasok sa loob

"Buwiset! Buwiset kang kalbo ka!" Inis na inis na si Glaiza

Kinabukasan

"Salamat po sa pagpapatuloy" Pagpapasalamat ng tatlo sa mag asawang Tolentino

"Wala yun, welcome kayo dito since kaibigan naman kayo ni Glaiza" Nakangiting sagot ni Martha sa tatlo

"Dalawa lang kaibigan ko dyan di ko kilala yang isa... Aray" Napahiyaw si Glai ng 'aray' nang kurutin sya ng nanay nya sa tagiliran habang si Marx ay nag pipigil ng tawa "Mauna na nga ako tara na kuya, bye po" Pag papatuloy nya at bumeso sa mga magulang nya

"Tamang tama isabay mo na sila" Pagsu-suggest ni Ben sa kanya

"Di po kasi ako sa opisina dederetsyo di po namin madadaanan bahay nila" Sabat ni Glaiza sa tatay nya... Tataytatayan nya

"Ay ok na po kami magco-commute nalang po kami" Dagdag ni Cabin

"Ganito nalang ihahatid nalang namin kayo sa may sakayan para madali nalang" Pagpiprisinta ni Natasya sumang-ayon naman sila dito

-----------------------

Tahimik ang bawat sulok ng Van

magkatabi sina Cabin at Trina, Natasya at Carlos, at syempre Marx at Glaiza

unti unting nakakatulog si Glaiza at napapahiga sa balikat ni Marx, dahil may kaunting kataasan si Marx bahagya syang bumaba para maka sandal ng maayos ang ulo ni Glaiza sa balikat nya habang ang iba ay kinikilig ng tahimik para di maistorbo ang dalawa

---------------

Dumaan muna sila sa isang charity na sinosoportahan ni Glaiza at saka tumuloy sa opisina

Hindi makapag trabaho ng maayos si Glaiza dahil sa mga kaganapan kagabi. Anim na salita lang ang umiikot sa isip nya

"Pandesal sa sandong basa"

-----------------

Kumatok sa isang pinto si Carlos at agad naman syang pinag buksan ng dalaga

Trina: Oh Carlos ikaw pala napadalaw ka?

Carlos: Diba nangako ako na ititreat kita

Trina: Ah yun ayos na yun di naman mahalaga yun

Carlos: Trina you saved my life kung di ka dumating edi sana wala na ako dito

Trina: Ay grabe ka napatid ka lang naman, OA mo

Napakamot ng ulo si Carlos at ngumiti

Carlos: Lagi mo nalang ako binabara, so? tara na?

Trina: Saan naman tayo pupunta?

Carlos: Ikaw kung saan mo gusto

Trina: Sabi mo yan ha

Nag bihis si Trina at sumama kay Carlos sa kotse nya at tumungo sa isang part

Trina: Eto tikman mo to

Carlos: Ano yan?

Trina: Isaw

Carlos: Ah yung chicken intestine?

Trina: Oo, uy baka di sanay yang richy tyan mo ha

Carlos: Grabe ka sa richy tyan ha nakakakain na ako ng ganito pinilit kasi ako ni Glai kaya nakakain na ako nito

Trina: Ok sabi mo yan ha di ko na kasalanan kung-

Pinahid ni Carlos ang maliit na dumi sa gilid ng labi ni Trina gamit ang daliri nya natigilan naman si Trina sa ginawa ni Carlos kayo napatitig sya dito at laking gulat nya nang nakatitig din si Carlos sa kanya


To be Continued...

TimelineWhere stories live. Discover now