Chapter 33: Chosen

Start from the beginning
                                    

"Okay lang po ako, sanay na ako sa pananakit nya." tumingin ito diretso sa aking mga mata at saka kumawala ang butil ng iyak sa kanyang kaliwang mata.

"Palagi ba to?" tanong ko na syang tinanguan nito.

"Matagal ka na ba don nag tatrabaho? Eh kung sinasaktan ka naman pala, edi sana umalis ka na." kaunting pananaray ni belle. Kaagad ko tong sinuway.

"Pag katapos ng exam nagtrabaho na ako dun. Sanay ako sa pananakit nya dahil kahit sa bahay ay inaaraw araw nya iyon. Tatay ko sya, kaya hindi ko kayang isumbong sa iba." paliwanag naman nya at napayuko.

"Hindi kaya modus mo to dahil gusto mong mapalapit at makuha muli si gabb? Planado to noh?" panghuhuli ni dian.

"Tigil na ano ba? Kita nyo naman yung kalagayan eh." panunuway ni sheki kaya nag thank you ako sa kanya.

"Matagal ko nang hindi ginusto si gabb, simula nung nalaman kong she's courting coco  Di ko na ipinilit sarili ko, siguro nang aasar lang talaga ko nung mga oras na nilalandi ko sya." paliwanag nyang muli.

"Bat ka nya sinasaktan?" tanong ko.

"Nalaman nya yung tungkol sa pagkakagusto ko kay gabb, pag kakagusto ko sa babae. Ayaw nya na akong palapitin sa inyo, katulad nung kanina. Nakita nyang kinakausap ko si sela, kaya sya umusok sa galit." pag sasabi nya ng totoo.

"San ka ngayon?" tanong ni belle.

Natagalan kami ng pag sagot, napatahimik ang lahat.

"Uuwi ka na lang ako-

"Sa bahay." seryosong sagot ni coco. "Sumama ka na samin." inayos nya ang upo nya at saka pinaandar kay cole ang sasakyan.

Habang nasa biyahe kami pauwi ay kinausap ako ni Princess.

"Ate alam kong hindi maganda ang unang pag kikita natin. Sorry about don at thank you naman sa tulong kanina." naiiyak nyang pasasalamat.

"Ayos lang yon ha? Smile na, safe ka samin" saad ko at hinawakan ang kamay nya sabay ngiti.

"Gago mga be!" nabigla ang lahat sa pag sigaw ni sheki.

"May ginawa ba kayong kasalanan kanina sa mall?!" tanong nya at napatigil si cole sa pag ddrive.

"Ako wala akong ginawa."

"Ako din."

halos lahat kami'y mag kakasama kaya alam kong wala kaming ginawang mali.

"Shekinah bakit ba? Kinakabahan kami sayo" tanong ni belle.

"Eh may tumatawag sakin ngayon." pinakita nya ang cellphone nya at nakita naming may tumatawag na police.

"Lagot kayo gago" alarmang saad ni cole.

"Sagutin mo na lang." saad ko, wala naman sigurong dapat ika bahala. Sinagot nya ito at pinalitang niloud speaker nya ang call.

"Hello?" kinakabahang panimula ni sheki.

"Hoy gago bat antagal mong sagutin?!" sabi nung tumatawag kay sheki, medyo pamilyar ang boses nito.

"Hello? Alice??" nagulat nang tanong ni sheki. "Gago ka anong ginawa mo? Nasa police station ka ba?" tanong ni sheki sabay ngatngat sa kuko nya dahil sa kaba.

"Huh? Siraulo ba kayo? Anong police station?" naguguluhang tanong ni alice.

Tinignan naman ni sheki ang cellphone nya at napatawa ito.

"A-anong itinawag m-mo?" tanong ni sheki at halatang nag pipigil ito ng tawa. Inoff na nya ang loud speaker at saka inilpit ang telepono sa kanyang mga tenga.

Inintay na lang naming matapos ang tawagan nila para makausap si shekinah.

"Anong nangyari?" panimula ni belle.

"Wala kinakamusta lang tayo." paliwanag ni sheki.

"Eh ano yung police?" tanong ni laney.

"Wala si alice yon HAHAHAHAH" napahalakhak na nga sya, naalala ko naman yung kanina. Yung number, kay alice yon, pinaltan nya nang police ang contact name nito para takutin ang tatay ni princess.

"Wag mo sabihing?" natingin kami sa isa't isa at sabay na tumawa.

Kinwento namin sa kanila kung bakit may papolice kanina, madami sa kanila ay binatukan si sheki. Kinabhan ba naman.Napatingin ako kay princess napapangiti na sya ngayon kahit kaunti. Nag thank you din sya kay sheki dahil don.

Nang makapasok kami sa garage ng bahay ni alice. Naririnig na namin ang hiyawan ng mga naiwan dito. Di nila alam na ganto ang gagawin nila habang nasa mall kami kaya nagukat din sila sheki at ang iba pa.

"Buti naman umuwi na kayo" saad ni alice. Mukhang sila lang ni Lara ang hindi lasing.

"Anong nangyari?" lumapit si sheki kay alice at tinanong ito.

"Ayan nahkasiyahan, nag walwal." sagot ni alice saka sya piningot ni sheki sa tenga.

Nilapitan ko naman si abby na nakatulog na sa sofa. Isa isa naming tinulungan ang mga lasing habang sila coco at princess ay nanatiling nakatayo sa harap naming mga nag iintindi sa iba. Napatingin ako kay gabb na wala pang nag aalaga, kawawa naman to. Lalapitan ko na sana si gabb nang biglang tumayo ito.

Lumapit sya sa harap ni coco at princess, tumigil ito saglit at saka maka ilang segundo ay nag patumba sa harap ni princess. Buti na lang na salo sya nito. Nakita ko ang tension kela coco. Hinayaan na ito ni coco at lumapit na lang kay abby.



Princess's POV

Dinala ko na sa may sulok itong lasing na gabb para mapunasan man lang. Nagulat ako nung sa harap ko sya tumigil. Sinadya ba nya? O namlik mata lang. Siguro nga ay namalik mata lang ito. Nahihiya tuloy ako kay coleen.

"Argh, ansakit" nakapikit na daing nitong si gabb.

"Ayan inom pa." sermon ko habang pinupunasan sya.

"Pft." tumingin ito sakin kaya tinitigan ko rin sya. "Thank you" saad nito sabay yakap sakin na syang kinagulat ko. Niyakap ko sya pabalik at saka nag salita.

"Para saan?"

"For taking care of me" kumawala ito sa yakap at saka nag smile.

"Kala ko ba lasing ka? Bat emote emote ka dyan?" tanong ko.

"Di ako lasing, mahina lang yang mga yan." pag mamayabang nito.

"Yabang eh di nga makatayo kanina, kaya hinili ko na lang." bulong ko.

"Ahh mayabang pala ha" akamang kikilitiin ako nito kaya tumayo ako at tumakbo.

"Teka nahihilo na ko" inalalayan ko naman sya umupo muli.

"Buti nga" huh?

Coco's POV

Nakita ko kung gaano ka sweet yung dalawa kanina. May payakap pa amp. Hanggang sa nag habulan na silang parang mga bata. Kusang naparolyo ang mga mata.

Maya maya lang ay naramdam ng hilo si gabb.

"Buti nga" kusang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko.

"Huh?" tanong ni gabb ng maka upo na ito. Di ko na ito pinansin at agad pumunta kay ate abby.

"Anong attitude yon? Coleen Trinidad?" malokong tanong ni ate Sela. Mang aasar to panigurado

"Stress lang ako te, gulo kase nila parang mga bata." di na ako nag maang maangan.

"Stress lang?" nakangiting tanong ni ate Sela, tumango na lang ako. Ayoko mag padala sa mga asar nila.

Alam ko namang selos ako.. Ediwow.

______________________________________

sjake1853 last na🙂 napakagaling mang budol.





ayoko na mag pabudol..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Revenges And GamesWhere stories live. Discover now