Chapter 7: School

604 43 3
                                    

A/N: Hi guys sorry late rather supwr late ud guys. Pero enjoy reading!!
Gabb's POV

Lumabas ako ng kwarto namin ni coleen para sana mag handa ng breakfast dahil sa first day of school namin. Pag kalabas ko ay tumingin ako sa wall clock. Tangina?! Alas tres palang pala? Naisipan ko namang manood muna ng movie. Pag katapos kong panoodin ang movie na iyon ay napabalik ako sa kwarto dahil natatakot rin ako kase andilim pa eh HAHAHA.

"Tangina aga pa pala?!" bulong ko sa sarili ko. Bwiset sabog ako mamaya sa school, di na ako makatulog eh. Pano tohh?!

Papa higa pa lang ako sa kama namin ng mag salita si coleen.

"San ka galing?" tanong ni coleen habang nakapikit.

"Mag luluto sana ng breakfast natin" sagot ko sa kanya at dumeretso sa pag higa sa kama.

"Aga pa ah, tulog ka na ulit" sambit nya sa akin at sabay ang pag titig niya sa aking mga mata.

"D-di ako m-makatulog eh" pautal utal kong sagot.

"Ha? Bakit? May nangyari ba?" mahinahong tanong nya sa akin at agad na paupo sa kama.

"Wala naman, bigla akong nagising eh tapos kala ko tanghali na kaya mag luluto sana ako ng breakfast naten. Tas ang aga pa pala, bumalik na lang ako dito... Shocks di ako dalawin ng antok sabog ako mamaya panigurado." I told her then I pout my lips. Syempre pag sinabi kong nanood pa ako ng movie mahahampas nanaman ako nito.

"Ay nakoo, pikit ka bili" sambit niya at agad ko namang sinunod.

Pag kapikit ng aking mga mata ay nag simula syang mag hum ng kanta. I think that song was 12:51, even hum lang yon feel ko yung ganda ng boses nya.

"Hmmm hmmm..." pag papatuloy nya sa pag hum. Unti unti ay napalagay ang aking kalooban at agad na inantok.

"Salamat" sambit ko sa kanya at niyakap nya ang aking leeg gamit ang isa nyang braso at pinag laruan ang aking buhok. Di ko na lang na malayan na nakatulog na pala ako.

After 3 hours...

"Gabb" marahan na tawag sa akin at pinipik pik ang aking pisngi.

"Hmm?" tanging naisagot ko at nanatiling pikit ang aking mga mata.

"Tayo na dyan, 6 na oh baka malate tayo." sambit nito sa akin. Iminulat ko naman ang aking mga mata at nakitang mag kalapit ang aming mga mukha.

"A-ah ano oras nga pala ng klase?" tanong ko sa kanya at agad umupo sa kama.

"Uhhmm? 7? I bet 7." tugon ni coleen.

"Ahh, tara na? Bangon na din dyan" agad naman syang tumayo at nag tungo sa cr.

"Ligo ka muna? Kain na muna tayo." saad ko kay coleen.

"Mauna ka na liligo lang ako" sambit niya.

"Aishh wala kang kasabay kumain, intayin na lang kita dito ah." saad ko sa kanya at tumango tango naman siya.

Nagtungo ako sa closet namin at agad kinuha ang uniform ko para plantsahin ito. Naisipan ko naman na idamay na ang uniporme ni coco.

Coco's POV

15 minutes lang ako naligo dahil baka malate pa kami. Agad naman ako lumabas ng cr habang nag tutuyo ng aking buhok. Nakita ko naman si gaab na nag pa plansta ng uniporme.

"Ligo ka na, ako na dyan" sambit ko sa kanya. Nakakahiya kase alam kong uniform ko yung pina plantsa nya.

"Hindi na, ako na toh. Labas ka na lang muna mamaya ka na mag bihis, silipin mo kung nandyan pa sina ate." saad nito sa akin while having her huge, pretty, and bright smile. Such a cute hottie. Char HAHAHA.

Revenges And GamesWhere stories live. Discover now