Itay, ang tagal mo nang hindi nagpapakita sa akin at gusto ko nang makabalik diyan. Tapos na ang aking misyon o misyon namin.

Nagtatapos,

Ang iyong anak na si Joven Hernando o Arron Tarog.


Itinabi na niya ang liham sa lagayan niya na kung saan ang lahat nang sinulat niya ay nandoon, bawat lakbay, simula pa noong napadpad siya dito sa taong ito.

Napabuntong hininga siya habang humihiga sa kaniyang kama. Ang hindi niya alam ay binabasa lahat iyon ni Jerrold, hindi na siya nagpapakita sa dalawa dahil tama ang ginagawa nila, kaya na nilang gawin ang mga bagay na iyon dahil kailangan lang nila ang kanilang puso't isipan.

Naisipan na niya na baka ito na ang tamang panahon para pabalikin na ang dalawa sa kasalukuyan. Alam niyang magiging mahirap ito para kay Remedios, pero tapos na kasi ang kaniyang misyon at nagawa niya ng tama ito.

Tapos nang kumain si Remedios kaya bumalik na sila sa kubo para matulog. Ang hindi alam ni Remedios ay may mangyayari siyang hindi inaasahan.

"Pasensya ka na ah. Alam kong pagod ka pero 'yan tuloy nagbabalat ka pa ng mangga." 

"Jusko. Basta ikaw pero..." Tumigil sa pagsasalita si Gregorio at gumuhit ang kaniyang malungkot na mukha.

"Ano?" Kalbit ni Remedios.

"Tandaan mong mahal na mahal kita. Kahit saan at kahit kailan. Pag gising mo nandito pa rin ako." Nagulat tuloy siya sa mga pinagsasabi nito.

"Nababaliw ka ata. Syempre pagdilat 'ko, andiyan ka pa din." Humiga na sila at napayakap na lang nang mahigpit kay Remedios.

Hindi niya malilimutan ang mga bagay na ito dahil regalo siya sa kaniya ng diyos. Ginawa niya ang lahat para sa kaniya, pero kailangan na niyang bumitaw.

May naririnig na sigawan si Remedios kaya dinilat na niya ang kaniya mga mata pero iba ang nakita niya. Nasa harap niya ang malaking screen, maraming tao na umupo sa upuan para simulan na ang palabas.

Agad naman siyang tumingin sa paligid at nakita niya si Jerrold na nakangiti at pumapalakpak ng tahimik, si Joven naman o tawagin nating Aaron na niyayakap niya ang kaniyang tatay na si Jerrold.

Gustong umiyak ni Remedios pero nung nakita niya ang pamilyar na mukha ng kaniyang minamahal na nasa tabi niya ay hindi siya makapagsalita.

Hinawakan ni Paolo ang kamay niya at may sinabi siya kay Remedios na dahilan na umiyak ito.

"Namiss ko ang mga pingut mo sa akin." Napayakap na lang si Remedios sa kaniya.

"Goyong, ikaw ba 'yan?" Nginig na boses ni Remedios habang niyayakap niya nang mahigpit ito.

"Oo. Kapag nagtataka kung bakit nangyari iyon, mamaya namin ipapaliwang ni Direk sa iyo." Tumango nalang siya at nagsimula na ang palabas. 

Buong palabas ay napaiyak si Remedios o tawagin nating Renee, naalala niya ang bawat nangyari, naalala niya kung paano kausapin siya ng mga tao doon, paano niya tawagin si Heneral Antonio Luna.

Lalo na ang puno na tinatambayan nila at ang duyan. Natapos na ang pelikula kaya tumayo sila sa may harapan, kinukuhanan sila ng mga litrato. Naalala niya din ang parte na ito na kinuhanan sila ni Joven.

Binigyan sila ng bawat katanungan at masasabi sa Pelikula. "Renee ang ating Remedios Nable Jose. Anong masasabi niyo sa pelikula at ano ang naramdaman mo sa pagganap nito?" Tanong ng lalaki.

"Ang masasabi ko lang ay may mga oras na pwede mong baguhin sa pamamagitan ng paggamit ng iyong puso at utak. Huwag mong sayangin ang mga araw dahil binigyan ka ng pagkakataon. Katulad nang ginawa ni Goyo, makikita niyo naman at sa pagganap bilang Remedios..." Tinignan niya si Jerrold na tumatango sa kaniya na sabihin lang ang gusto niya.

"Gagawin niya ang lahat para sa kaniyang minamahal at pamilya. Katulad nga sa sinabi ko huwag mo nang sayangin ang oras, gawin mo o tanggapin ang alok dahil sa huli... Magsisisi ka. Ayun lang po." Nagsipalakpakan ang mga tao at niyakap ni Paolo si Renee. 

Binigyan ng mga bulaklak. Ang natanggap ni Renee ang puti at lilang mga bulaklak, napangiti nalang siya dahil ganitong bulaklak ang binigay sa kaniya ni Gregorio.

Pumasok na sila sa sasakyan na silang tatlo lang. "Huwag ka nang magtanong at sasabihin ko ang lahat." Wika ni Jerrold at tumango nalang si Renee.

"Binigyan kita ng pagkakataon na makabalik. Hindi mo binago ang mga nangyari dahil ikaw talaga si Remedios, ginawa mo ang sinasabi ng iyong puso. Hindi na ako nagpakita sa iyo dahil malapit ka nang bumalik dito. Binago ko ang nangyari sa Pelikula dahil hindi namin alam ang nangyari dati sa sinaunang panahon, ngayon alam na naming at isusulat naming iyon sa papel."

"Gagawa kami ng paraan para may makahanap ito para akala nila na matagal na ang papel na iyon. Yung mga gumanap bawat karakter ay sila talaga ang mga tauhan sa kwento, hindi nila matatandaan ang mga pangyayari dahil alam kong magkakagulo lang ito."

"Si Joven naman o Aaron ay anak ko siya. Hindi siya ipinanganak sa sinaunang panahon, pinadala ko siya doon kasi hindi niya gusto ang mga ganitong paksa, ngayon naunawaan niya na at naintindihan nito. Kaya pinakilala niya ang kaniyang sarili na gagawa siya ng periodiko, sumusulat siya sa kaniyang talambuhay para ibalita sa akin ang mga nangyayari."

"At kung tinatanong mo kung bakit ka namin pinabalik dahil deserve mo na balikan ang mga nangyari sa iyo." Pagpapatapos ni Jerrold na nakangiti habang nagmamaneho. Sinabi ni Remedios na naunawaan niya ito at nagpasalamat.

"Direk, saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Paolo, napansin niya kasi ang tagal na nila sa sasakyan.

"Pupunta tayo sa Dagupan para puntahan ang puno na lagi niyong tinatambayan. Huwag kayong mag-alala dahil private ang lugar na iyon, pinabantay ko sa mga nagbabantay ng paligid." Napangiti si Remedios at hinawakan ang kamay ni Paolo.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na sila. Hindi na bumaba ng sasakyan si Jerrold dahil gusto niyang makapag isa at hindi makaabala sa dalawa.

Nakita na nila ang puno na may duyan, pinagmasdan nila ang puno na andoon pa rin ang inukit nilang dalawa. "Matibay pa kaya 'tong duyan?" Tanong ni Remedios. Sinubukan itong upuan ni Paolo at tumango.

Umupo na si Remedios at nag-usap sila ng mga bagay-bagay sa mga nangyari.

"Binili ko na ang lupang ito. Dito tayo magtatayo ng bahay natin. Kapag nakatayo na ang bahay natin ay lagi nating makikita ang dagat at ang langit dahil tapat lang ito. Bibigyan kita ng panahon na kilalanin ulit ako at pinapangako ko sayo na ako pa rin ang Goyong na kilala mo at sa susunod ay iuukit na natin ang pangalan ni Chantara diyan."

Ang buhay ay parang sayaw, hindi ito tungkol sa paglipat mula sa isang lugar patungo sa isa pa. Ito ay tungkol sa kasiyahan sa bawat hakbang.

Masyadong maikli ang buhay para magsayang ng isang segundo. Gawin mo na ang lahat dahil hindi mo na pwedeng mabago ang oras at panahon para hindi ka magsisi sa huli.

━━━━━━━━━━━━━━━

≋ ━━━━━━━━━━━━━━━ ≋

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

━━━━━━━━━━━━━━━

Pelikula - G. del PilarМесто, где живут истории. Откройте их для себя