Gusto kong maging bayani mo, ang nag-iisang lalaking pinagkakatiwalaan mong ilagay ang aking buhay sa linya para sa iyo. Tandaan mo, mas mahalaga ka kaysa sa anumang bagay na maaaring mawala sa akin para sa iyong kapakanan. 

Wala pa akong kilalang babaeng nagpapatunay ng pagmamahal ko sa kaniya bago maging akin. Sa tuwing naaalala ko kung gaano ka naglalaro para makuha, ginagawa ko ang lahat para panatilihin ka dahil hindi ko na gustong pumunta sa kalsadang iyon muli. 

Basta tandaan mo, mahal na mahal kita. Malapit na din kitang pakasalan at ibigay ang apelyido ko sayo. Nakaisip na ako ng ipapangalan sa magiging anak natin, hindi na Agila dahil alam kong magagalit ka. Nakaisip ako ng mas matino, Chantara, dahil ang kahulugan nito ay buwan at tubig na kung saan may tubig sa lagi nating tinatambayan at tinitignan ang buwan at doon ka nagsimulang mahalin ako.

Nagtatapos, 

Goyong.


Tapos nang basahin ito ni Remedios at hindi niya namamalayan na umiiyak pala siya habang binabasa ito. Napangiti siya sa pangalan na Chantara, maganda din naman ito at nakakabighani ang kahulugan nito.

Nagising si Gregorio dahil wala siyang mayakapan, tinignan niya ang bawat sulok ng kubo at napansin niya na wala ang liham na nilagay niya sa mesa. Pumasok sa kaniyang isipan baka nagpapahangin lang ito kaya lumabas siya para hanapin si Remedios.

Nasisilayan na niya si Remedios na humihikbi habang hawak ang papel na sinulatan niya kaya tumakbo si Gregorio para patigilin ang pag iyak nito.

"Uy, wag kang umiyak! Buhay ako oh." Turo niya sa kaniyang sarili at muling niyang niyakap ito.

"Nagsulat ka pa talaga nito." Hikbi ni Remedios.

"Hindi natin alam ang mangyayari. Tumahan ka na." Mayamaya tumahan na siya at natawa nalang si Gregorio sa sinabi ni Remedios.

"Nagugutom ako..."

"Sige na. Ano ba gusto mo?" Tumayo na silang dalawa.

"Prutas." Maikling sagot ni Remedios, hinawakan na ni Gregorio ang kamay nito at naghanap na nang makakain.

Tamang-tama may mga mangga sa kusina kaya agad naman itong binalatan ni Gregorio at pinaupo si Remedios. 

"Bilisan mo." Binilisan naman ito ni Gregorio kapag may nababalatan at nahihiwa na siya ay agad na niya itong binibigay. Katam na katam naman si Remedios.

"Grabe naman yang paglilihi mo." Lumingon kaagad si Remedios at tumayo siya para pingutin si Gregorio.

"Bwisit ka. Bakit? May angal ka." Umiling tuloy ito.

"Ayun naman pala eh. Ituloy mo nalang 'yan." Turo niya sa mga mangga habang ngumunguya. Sinubuan niya din ito dahil nakikita niya na gagawin niya talaga ang lahat.

Naunawaan na ni Joven ang lahat kaya pinagpatuloy niya ang kaniyang pagsusulat sa talaarawan.


Itay,

Sana mabasa mo ito at naunawaan ko na ang mga nangyayari dito. Nagsisisi ako na hindi ko nagustuhan ang pag-aaral ng sinaunang panahon sa eskwelahan.

Nagbago na din ang aking wika dahil nasanay na ako dito pero nakakapagsalita pa ako ng Ingles. Hindi ko inaasahan na magbabago ang parte ng mababaril sana si Heneral Goyo.

Napansin ko na napamahal talaga si ate Rem o Renee sa kaniya. Magkakaroon pa nga sila ng anak pero paano iyon itay? Kapag nakabalik na kami sa kasalukuyan, dala niya pa rin ba iyon?

Pelikula - G. del PilarUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum