Buo na ang desisyon ni March na aatras na sila dahil kulang na sila ng mga sundalo. Ang iba ay nagulat sa kanilang Kumandante dahil sa malaking bakbakan na ito ay susuko na agad. Wala na silang nagawa kundi itaas ang kanilang mga baril.

Napatigil sa pagputok si Emilio at tinignan nang mabuti ang nangyayari agad naman niyang sinenyasan na itigil muna ang barilan. Ang isang sundalo ay dali-daling iwinagayway ang pulang bandila, nakita naman ng nasa kabilang pangkat ito kaya nagsitigil din sila. 

Sa pangkat kung nasaan ang bandila ng Pilipinas ay narinig nila nagsigawan na tagumpay ang dalawang pangkat kaya tumayo si Juan at kinuha ang kanilang bandila at iwinagayway.

Nagsialisan na ang mga Amerikano. Kinuha naman ng mga Pilipino ang mga armas ng mga bangkay habang ginagawa nila iyon ay tinitignan ni Gregorio ang paligid, may ngiting gumuhit sa kaniyang mukha habang hawak ang kwintas na nakasabit sa kaniyang leeg.

Simula na silang bumalik ng Cervantes at panay kwentuhan at sigawan sila. Hinabol ni Vicente si Gregorio at kinalbit.

"Ano nga ulit sasabihin mo? Naputol ka eh."

"Ah, wala." 

Nasisilayan na niya ang mga tao sa Cervantes na nakatingin sa kanilang direksyon, napatakbo si Remedios at niyakap ang kaniyang nobyo.

"Tinupad mo ang pangako mo." Yakap ni Remedios at binalik naman ito ni Gregorio.

"Lahat naman ng mga pangako ay tinutupad ko." Kumalas na sila sa yakap at pumunta si Remedios sa kaniyang kuya.

"Kuya, salamat talaga."

"Kapatid kita eh. Gagawin ko lang ang lahat para sa pamilya ko." Nagsikain na sila at nagpahinga. Pumunta na sila sa kanilang kubo. Kinuwento ni Gregorio ang lahat ng nangyari kanina, naalala niya ang parte na sinulat niya. 

Nakatulog na si Remedios sa haba ng kwento kaya dahan-dahan na tumayo si Gregorio at nilapag ang liham sa lamesa at bumalik na sa higaan sa tabi ni Remedios.

Madaling araw na at nagising si Remedios dahil nakaramdam nanaman siya ng gutom. Hindi na niya ginising si Gregorio dahil alam niyang pagod ito.

Tumingin siya sa may bintana at napakaraming bituin sa langit, naisipan niyang lumabas para pagmasdan ito. Kukuhanin na niya sana ang balabal na malapit sa lamesa nang nakita niya ang pangalan niya na nakaukit sa harap ng papel ay kinuha niya ito pati din ang balabal at lumabas na sa kubo.

Umupo siya kung saan na inupuan nila dati ni Gregorio. Binuksan na niya ito at binasa sa lamig ng hangin at maliwanag na buwan na nasa harap niya.


Aking pinakamamahal na magiging ina,

Kapag namatay ako sa labanang ito ay sigurado akong ibibigay sa iyo ito ni Vicente dahil ipinaalam ko sa kaniya ang ganitong pangyayari. Masaya ako dahil nakilala kita, kung hindi dahil kay Ka Miong hindi kita makikilala dahil tuwing pumupunta ako sa bahay ninyo ay lagi kang wala doon at lagi nilang kinukwento ka sa akin lalo na ang iyong inay.

Pinapakita niya sa akin ang mga magaganda mong litrato simula noong bata ka pa. Maraming dahilan kung bakit tayo'y hindi nagkita sa loob ng maraming taon at ngayon pinagbigyan tayo ng tadhana na magkita dahil alam kong tayo ay para sa isa't isa.

Pero sa labanan sa Pasong Tirad, hindi ko alam kung mabubuhay pa ako. Asintado naman ang aming mga trintsera pero, may kutob ako na may mangyayaring masama. Tuwing iniisip ko ito ay naaalala ko ang mga bagay na nangyari sa akin sa Kakarong de Sili at sa mga sundalo na nasugatan. Alam kong napakahirap ng tungkuling ito. Gayunpaman, ito na ang pinaka marangal sandali ng buhay ko.

Pelikula - G. del PilarWhere stories live. Discover now