Update 8 : Swimming ~♥

19.5K 342 10
                                    

Authors Note : 

Waaaaaaaaaaa ! Thanyou nga pala sa mga nagbabasa ! 

Ansya grabe ! Gulat ako sa READS ng story ko , HAHAHA ! 

Ambilis ng READS ! Thanks sa mga COMMENTS ! and sa pag VOTE ! 

Guys uso padin yung VOTE and COMMENT if ever na gusto nyo yung chapter .

 _______________________________________________________________

Allexa's POV :  


"Waaaaaaaaaaaa! Dadddy! Waaaaaa! Shark shark!"  


"Andito na ang shark! Graaaaaaawr!" 



"Dadddy waaaaaaaaaa!" 



"Daddy is coming waaaaaaa!" 

Err? Ano bang ingay yun? Ang aga aga eh. Boset naman! =_=

Napabangon ako nang wala sa oras dahil sa mga ingay na naririnig ko sa labas.

Inaantok pa eh! Dumiretso ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush na rin. Hindi muna ako naligo tutal weekend naman. Usually weekdays lang ako naliligo pagkagising.

"Waaa! Daddyyyy! Shaaaark! SHAAARK!" 

"Daddy is swimming faster, baby!" 

Bigla akong napasilip sa bintana ko para makita kung sino ang mga nag-iingay and nakita ko silang nag---

HOOOOOOO ABS! ABSSSSSSSSS!

HE! Magtigil ka Allexa! Ang utak!

Nakita ko silang nags-swimming at naghahabulan sa pool.

Nakabrief si Trey, DE JOKE LANG, si Troy ang nakabrief while Trey is wearing boxer shorts. Sht, yung ABS niya!


"Mommy! Come down and join us!" Sigaw ni Troy. "Daddy is here!" Nakita kong nag-pating patingan si Trey sa tubig at hinabol si Troy.



"Moommyy! Help! MOMMY!" Sigaw ulit ni Troy.


They look happy.

Sa tanang buhay ko, minsan ko na lang makita si Troy na ganyang kasaya. His smile and his laughs. Iyon ay dahil kay Trey. They look happy, especially Troy.

Bumaba na ako at naabutan ko si Manang na nag-aayos ng pagkain sa labas malapit sa pool.

"Manang, kumain na ba sila ng breakfast?" Tanong ko.

Baka kasi hindi pa eh, sumakit pa tyan nilang dalawa.

"Kumain na sila pero konti lang. Sabi kasi ni Troy gusto niya daw na tatlo kayong sabay sabay kumain." Sagot sa akin ni Manang.

 

"Ahh, ganun po ba? Sige po, puntahan ko muna sila para tawagin at nang makakain na kami ng breakfast." Sabi ko then pumunta na ako sa may pool.


Nakita ko naman si Trey and Troy na nakatingin sa akin and they're both smilling. They look so alike! Halos magkaparehas sila ng ngiti at magkamukha talaga sila.

"Mommy! Join us para may kakampi na ako against Daddy!" Salubong sa akin ni Troy.



My daddy is hot and handsomeWhere stories live. Discover now